Thursday, April 10, 2008

Usapang walang saysay

ELEMENTARY

Grade One. Pumasok ako sa school nang hindi ko pa alam na school na pala yun. ewan ko ba kung bakit ako pinasok ng tatay ko sa school kahit na 6 years old pa lang ako at pangalan ko lang ang alam kong isulat noon.
Kahit na magbilang ng 1 to 20 ay sumasablay pa ako. Pero kahit paano ay talagang natuto na pala ako ng hindi ko alam.

Grade Two. Panghapon ako, pumapasok ako ng 10:30 ng umaga at umuuwi ng 5:00 ng hapon. Sa pagkakataong ito ay nagpakitang gilas ako sa pag aaral, sanhi siguro ng pakitang gilas ng tatay ko sa Math siya ang nagturo sa akin ng multiplication.
Sa school ay nagagamit ko ang itinuro sa akin ng tatay ko at kuya ko. (naging 3rd place ako at nabigyan ngparangal bilang most buraot of the year sa gawad utak tinga awards.)

Grade Three. Napasama ako sa Pilot section dahil sa nakuha kong awards na tiyambahan ko lang naman talaga. Hindi ko gusto yung mga kaklase kong mayayabang at mayayaman. masyado silang mataas na uri para sa mababang uring katulad ko. nariyan yung mga palakihan ng baon, pagandahan ng sapatos at kung makakita sila ng sapatos na medyo may kalumaan ay tatawa sila ng tatawa na parang nakapanood ng show sa Punchline laffline at sa circo bar.
Hindi ko sila naging kaibigan maliban sa isang batang babaeng cute na una kong hinangaan bilang cute na kaklase. (crush na pala yun nang hindi ko pa nalalaman.)

Grade Four. Kaklase ko nanaman yung mga mayayabang na yun at pati si first crush ay nakisalamuha na rin sa mga mayayabang kong kaklase at naiwanan na akong mag isa at laging pinagtatawanan dahil sa lawsi kong pananamit.
Dito na yung panahon na una akongnakipag away dahil sa panununtok ng kaklase ko sa kin dahil sa nawala ko ang ballpen niya at na guilty din naman ako dahil mahal na mahal niya din pala talaga yung ballpen niya. (APACHE DE LUX) tatlong piso palang noon ang ballpen na yun.

Grade Five. Sa wakas ay hindi na ako Pilot section at napasama ako where i belong. (hindi ako kapuso.) Napasama ako sa Section 3. at mas naging komportable ako sa secion na yun dahil nakasama ko na yung mga kaklase ko noong grade one at two.
dito ko rin nakilala yung kaklase ko na na magaling magdrawing at na ingganyo ako sa kanya dahil tinuruan niya akong mag drawing.

Grade Six. Nang hindi na ako nasisisyahan sa puro drawing na ipinapakita ng kaklase ko. Nakilala ko sa panahong ito sila Eugene ng Ghost Fighter at matagal ko na rin ditong kakilala sila Son Gokou, BTX, Tom Sawyer at Huckleberry Finn. at dahil sa isang snaks na may free na komiks ng episode ng Dragon ball Z sa loob ay ipinasya kong yayain ang kaklase kong mahusay sa pagdo drawing para sa isang napakasamang misyon.

Gumawa kaming tatlo kasama ang pa epal kong kalase ng isang komiks. dahil ako lang ang hindi marunong mag drawing sa kanila ay inatasan akong ako na lang ang gumawa ng story. Sa pagpaplano palang ay sabik na sabik na kaming mabuo ang komiks na yun.
una kong ginawa ay nag isip ng kwento at paano tatakbo ang kwento. tapos karakter. tapos script. tapos isusulat ko sa pael at ibibigay ko sa kalase ko. Medyo may hawig daw sa Magic Knight Ray earth at Zenki ang kwento pero nagustuhan nila. at sinimulan na nilang idrawing ang mga kabalbalang tumatakbo sa isip ko. at makalipas ang isat kalahating buwan ay nag rekalamo ang kaklase ko sa akin dahil masyado daw mahaba ang kwentong isinulat ko. kailngan daw iklian.
Dahil sa tinatmad ako, sinabi ko na lang sa kanila na sila na ang bahala. tutal sila naman ang nagdodrawing eh.
at natapso ang kaunaunahan kong gawa gawang kabalbalan na kwento ang "KEDDEN".
Nang mag higschool ako ay hindi ko na nakita pa ang komiks at ang kalase ko. nabalitaan ko rin na sunog ang bahay nila noon. kaya inisip ko nalang na wala akong ginawa.

HIGHSCHOOL.

First Year. Bagong Environment kaya mrdyo nangangapa pa ako sa kultura ng makabagong mundo ng pakikipagsapalaran ng Narrator.
Kaklase niya dito yung klasmeyt niya noong elementary. yung mataba niyang kaklase at dahil doon ay hindi na kami nahirapan na maglakbay sa Campus ng mag isa.
Bago ang pinag aaralan. Philippine history, Mula sa kung anong klaseng tao ang tumira dito sa pilipinas hanggang sa maging presidente si Erap noong 1998. Halo na ang karakter ng mga kaklase ko may mayayabang, matatalino, may mga cute pero hindi ako na attract sa kanila. may patawa, paepal, papogi at naghahanap ng boyfriend/ girlfriend.

Second Year. Sumikat muli sila Eugene, Alfred Vincent at Dennis para umere ulit sa channel 7 ang palabas nilang Ghost Fighter. Dahil sa Patawa ng tadhana ay nagkaroon ng matinding apekto sa kalusuganko ang Ghost Fighter at ang RAW is WAR ng WWF na WWE na ngayon.
Nagkasakit ako nang mahigit sa dalawang buwan. Marami ang nag akala na mamatay na ako. at inakala ko rin na mamamatay na ako. pero dahil sa Tiyaga ng mga magulang ko sa pag aalaga sa akin at sa awa ng Diyos ay gumaling ako sa nasabing sakit. at para kaong dumaan sa Chemo therapy dahil nalalagas ang buhok ko at pumayat ako na parang buhay na Zombie.
Pinagtatawanan ako ng mga feeling magagandang bababe sa labas ng bahay namin dahil sa nalalagas kong buhok. (tipos daw ang sakit ko at talagang pinapatay nila ako sa isipan nila.) (lalo akong naging pangit.)

Third Year. medyo lumusog ang katawan ko kumpara nung 2nd year. dito ko na nararamdaman ang kahalagahan ng Highschool sa Buhay. dahil sa mga bago kong nakikilala. at dito ko rin natuklasan ang pinakamalaki kong kahinaan sa buhay ko na hindiko magamot gamot.
Anong sakit ba yung kpag may nakikita kang isang tao ay para kang nasa loob ng kumukulong Yelo at para kang nasa tuktok ng Sears Tower at para kang laging mahuhulog? Sakit ba yung hindi ka naman nilalagnat at hindi ka naman nagugutom pero tuwing nakikita mo yung taong sanhi ng epidemya na nararanasan mo ay para kang napupunta ka sa mundong ngayon mo lang nakita at hindi mo nakita noon?

hindi sa School kundi sa bahay ay naranasan kong maghinala sa kababata kong babae na matagal na ring nagungupahan ng kwarto sa bahay namin dahil sa tingin ko ay kinukulam niya ako dahil sa tuwing nakikita ko siya ay lagi akong napapangiti ako, parang sira ulong tanga, na laging tuwang tuwa at labis na naapektuhan sa mga kantang naririnig sa Radyo at ipinapalabas na Love story sa T.V.
Bigla nalang parang akong nagkaroon ng mas malinaw na pananaw sa buhay at ang hindi ko maintindihan ay bumibils ng bumibilis at umabot na ng halos 8900KMH ang takbo ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang kababata kong babae na kaibigan ko na rin.

Hindi ko mainindihan dahil hindi ko naman nararamdaman sa kanya ito dati. Pero kung sakit ito o kung kinukulam niya ako bakit kaya masaya ang nararamdaman ko at parang gustong gusto ko. hanggang ngayon ay hindi ko pa rinalam ang sagot para diyan. magtatanong na lang ako sa doctor.

4th Year - Hindi ko gaanong pinagukulan ng pansin ang pakiramdam na nararamdaman ko sa bahay dahil sa pag aakala ko na biktima lang ako ng sarili kong imagination. Balik ako sa Concentration ko sa School at dito rin bumalik yung interes ko sa pagsusulat ng nobela at komiks. Sa mga nagdaang taon ay madami na rin akong nagawang mini nobel na yari sa tira tirang notebook at ballpen at komiks na kasama ang kapatid ko. Ginawa namin ang "Mytical Dragon Adventure."
Ginawa ko rito yung ginaya ko sa anime na Soul hunter. "ANG PANTAS" at pinalitan ko ang pamagat nito dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng saltang pantas, ginawa ko na lang itong "Wizard Academy".

Sa panahong ito ako naipit sa kwentuhan ng mga kaklase ko sa payabangan nila sa dami ng mga babaeng dumaan sa kanilang mga kamay. gusto ko sanang tumakas sa inaakala kong usapang walang say say pero hindi ko nagawa ang maitim na balak nang biglang may nagtanong sa akin kung ilan na ba ang naging girlfriend ko. at tawa lang ang nasagot ko at inamin din ang katotohanan na wala. "akala ko kasi dahil sa mga pogi ang mga kaklase ko ay wala akong karapatan sa ganong usapan dahil sa pangit ako at wala pa akong karanasan sa pagkakaroon ng Girlfriend. pero tinanong ako kung nagka crush na ba ako. sa kabutihang palad ay alam mo na sa panahong ito ang ibig sabihin ng crush dahil sa nabasa ko sa slam book ng ate na isang tanong, "what is crush?" at buong pagmamalaki kong sinagot ang tanong. "OO naman." sabay nagtanong ulit ang kaklase kong masarap nang sapakin sa mukha. "sino?", "taga saan?", " bakit di mo ligawan?".

at sumagot akong basta dadating din ang panahon na yun. sabay tawa sila nang tawa. pero nang makilala ko naman ang mga syota nila ay lihim din akong tumatawa dahil mukhang maswerte pala ako dahil hindi ganon ang mukha ng "Love interest ko". (clue kamukha niya si sarah geronimo.)

COLLEGE:

First year: kanta naman ang sinubukan kong gawan ng original version. buong puso ko paring minamahal ang pagiging isip bata ko at hindi ko pa sineseryoso ang buhay sa lbas ng aking kamalayan. medyo nagiguilty ako dahil sa kabalustugan na ginagawa ko ay parang wala akong pagpapahalaga sa ginagawang pagsasakrispisyo ng mga magulang ko sa pag aaral. pero talagang bobo ako at hindi ko talaga naiintindihan ang mga pinag aaralan sa school. lalo na sa Major ko sa Course na Electical Technology. walang pahinga sa loob ng isang linggo at 13 hours kang makikipagtitigan sa orasan para hintayinang uwian para makabawi ng tulog.

Aamnin ko na medyo may katamaran ako sa pagkilos at pag aaral at mabilis akong mapagod, magkasakit at magutom,. kaya madalas akong absent. Hanggang sa sumapit ang gabi na babago sa buhay ng pamilya ko ng wala man lang nakaka alam sa mga susunod na pangyayari. Inatake sa puso ang tatay ko at namatay siya. madrama ang nangyari sa buhay dahil sa nangyari.
Naisip ko ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa tatay ko, pinagsisihan ko yung mga pagkakataon na hindi ko siya pinapansin at sinasagot sagot ko siya ng pabalang.

at dahil sa nangyari ay hindi maiwasan na lumiban ulit ako sa school ng mahigit sa dalawang linggo. may excuse naman ako kaya pinagbigyan ako na pumasok ulit dahil sa policy ng school na 3 absent fail or dropped out.
Pero ganon pa rin ang kawalan ng gana ko sa school at sa course. hindi ko alam kung bakit, kahit alam ko naman na mura lang ang tuittion doon ay namimili pa ako. bumagsak ako sa 3 subject at pinagpasiyahan ng pamilya ko na tumgil muna ako sa pag aaral.

Hinto ako sa pag aaral. pero pumasok ako sa TIP bilang cross enrollee para mabawasan ang subject na binagsak ko. at napasa ko yung math.
Habang naiinis sa buhay ay sa kagustuhan kong sumaya naman ng konti ang pakiramdam ko ay nakipag kwentuhan ako sa kaibigan ko, para makibalita kung anong nagyayari sa environment. at dahil nasa loob ako ng bahay nila, nakita ko nanaman yung "love interest" ko na kapatid ng kaibigan ko. Sikreto pa rin kahit sa anino ko ang lihim na paghanga sa babaeng ito at para mapaligaya ko ang sarili ko noong panahong iyon ay sinubukan kong mag kunwari na nagbibiro at aminin sa kanya na "Love Interest, alam mo ba mahal kita?". sabay tawa ang lahat at tawa din ako. nag punchline ulit ako sa pangungusap na "Sayo ko lang talaga naramdaman ang ganitong pakiramdam." , at dahil sa takot kong baka madala ako sa sarili kong biro na talagang totoo ay bumawi ako ng pangungusap na " tuwing nakikita kita, natate ako."

Dahil sa biro na yun ay nagsimula na yung parang biglang pagbabago sa akin, nawala yung pagiging malihim ko sa mga nararamdaman ko at nasiyahan ako sa pangyayari. nahumaling ako sa sarili kong paraan ng pag amin at dahil doon sa "Love interest ko."
Balak ko na sanang ligawan ang love interest ko na yun kaso alangan ako sa mukha ko dahil sa kulugo ko sa labi at sa hindi perfect na mood ko sa araw araw. (kilang kilala niya ako, mula sa dumi ko sa in grown ko sa paa hanggang sa mga kito ko sa bunbunan ko. pati pag uugali ko sa pamilya ko.) at kahit na mas matanda ako sa kanya ay mas matured ang pag iisp niya sa akin ng limang taon.

at bukod doon alam ko ang pinagdadaanan ng highschool para sa mga magagandang babaeng katulad niya na parang pang leading lady ang dating sa mga telesrye. malamang na may boyfiend siya at kahit na wala ay malamang maraming kasing gwapo ng F4 ang mga nanliligaw sa kanya. at niligawan pa siya ng kaibigan kong mataba at tuluyan nang nawala lumayo ang pwesto ko sana ay pang habang buhay na kaligayahan naming dalawa ni love interest.

at dahil doon (ITO NA ANG PINAKAHIGHLIGHT NG KWENTO.)

pinsan niya ang nagpayo sa akin na sulatan ko siya ng lahat ng nararamdaman ko sa kanya, . dahil sa sulat kahit na baduy ay masasabi mo lahat ng gusto mong sabihin nang hindi ka babarahin., hindi mo makikita na pinagtatawanan ang mga kabalbalan na sinasabi mo at kakornihan na gusto mong ipahiwatig sa taong gusto mong magbasa ng sinulat mong kung ano.

sa sulat naayos ang lahat, sa sulat ay nakakapag ayos ang mga nag aaway na bansa, magkapamilya, magkapatid at magkasintahan.
sa sulat nag uumpisa ang magandandang samahan, sa sulat ay nakakahingi ka ng patawad sa sa mga nagawan mo nang kasalanan, sa sulat mauunawan ang taong nagpakamatay at sa sulat ka makikilala kung ikaw ay hindi vocal o makapag kwento ng mararamdaman mo sa ibang tao. at kahit na hindi iyo basahin ng taong gusto mong magbasa nito ay mailalabas mo kahit paanoang lahat ng nararamdaman mo.

na inspire ako sa payo ng pinsan ni love intesrest at gumawa nga ako ngsulat, yung pinaka magandang papel ang kinuha ko.
kaso ang pangit tlaga ngsulat kamay ko kaya umabot ako ng tatlong linggo para matapos yun.
at para magmukhang interesante ang sulat ay dinagdagan ko pa ito ng mga bagay na nabasa ko sa librong "Pschology of Dating". tungkol sa pag iisip ng tao sa buhay niya. na may kinalaman sa "LOVE".

ginawa ko yun para seryosohin ang sinasabi ko kahit na hindi siya mukhang kainte interes. sinabi ko sa sarili ko noon na "Seryoso ako kaya dapat akong seyosohin."
at nang matapos na ang sulat ay pinaayos ko ang sulat ko sa editor ko na kaibigan ko rin at siya na ang nagbigay kay love intesrest.

makalipas ang isang linggo ay nakita kong nagtatawanan ang tropa ng love interest ko at inenterogate ako sa sinulat kong love letter na mukhang blog sa internet. at parang nangangantiyaw ang tono ng pagsasalita nila, pero natuwa ako dahil nalaman kong magaling pala akong sumulat ng nakakatawang seryosong bagay. (pinabasa pala ni Love interest yung sulat ko sa kanya, nakakahiya,.)

Hindi ko na matandaan ang pangayari pero hindi rin ako nagtagumpay hanggang sa ngayon. aaminin kong nasaktan ako nang husto dahil sa kabiguan ko sa pag ibig na inakala kong mag uumpisa na. Pero sabi ko sa sarili ko na kahit na kaibigan lang ang ituring saikin ng love interest ko ay Hindi parin ako magsasawa na Mahalin siya at maghihintay ako hanggang sa tamang panahon.

kahit na nalagpasan ko na ang unang beses na pagkabigo sa pag ibig na sobrang hindi malimutan at kahit na dumaan na rin ako sa pagkakataon na ibaling ang pagtingin sa ibang babae ay nakakulong pa rin ako sa pag ibig na hindi nagsimula kaya hindi nagwawakas.

(graduate na ako ngayong 2008 at mahal ko parin siya.)
(habang buhay na ito.)
================================
(Special thanks to Shenlilyang)

No comments: