Thursday, March 13, 2008

Panimula

Panimula:



Haka haka ng isang tanga. yun ang naisip kong pamagat nitong blog ko sa internet.
Medyo nakahiligan ko lang kasi ang kausapin ang sarli ko at pakinggan ang sinasabi ng utak ko kahit na alam kong ako lang naman ang nakikinig at natututo sa mga sinasabi ko.



meron pa akong blog sa friendster na Alamat ng bobo, eto ang link http://bugong.blogs.friendster.com/alamatngbobo/

Nung bata pa ako mahilig akong maglaro ng tautauhan at ang laro ko ay parang isang cartoons., isang cartoons na sinusubaybayan ko. hindi ko na kailangan pang maghintay ng bukas para sa susunod na episode. hindi ko na problema ang sets, location, artista, hindi ko na kailangan pang mag drawing o pagalawin yung drawing at hindi ko na kailangan pa ng pera o makakalaro. Sarili kong Produksyon, ako lang ang tagapagsubaybay, ako ang gumawa ng Script, ako ang director at ang mga Gomang Laruan na usually ginagamit ng mga batang naglalaro ng "touching" ay ang mga tauhan ko. yung mga gomang action figure nila Eugene ng ghost fighter, Spiderman na yupi, batman na maliit, gokou ng dragon ball na mukhang dwende at kung ano ano pa.

Ang sarap balik balikan yung mga panahon kung saan di mo na kailangan pang problemahin yung crush mo, yung problema mo sa pamilya, yung problema mo dahil babagsak ka sa subject mo, yung problema mo sa Thesis mo at problema mo sa mga langaw.

Gumagawa ako ng istorya ng sarili ko lang at walang makikialam kung panget ba o maganda yung istorya. kung ginaya ko lang o orihinal yung istorya, kung mag re rate ba o hindi. ang nasa isip ko lang basta masiyahan ako. kahit na hindi naman ako sumesweldo basta nasisiyahan ako at walang paki alam ang maga tao sa mga sinasabi ko at sa gusto kong istorya.

wala silang paki alam kung gawin kong kontrabida si Robin na Sidekick ni Batman. o gawin kong Spawn ni Venom ng Spiderman. o gawin ko mang darna si sailormoon. kasi ako lang naman ang nakaka alam. at wala silang paki alam kasi yun yung mundo ko.

Pero pakiramdam ko hindi lang naman ako ang gumawa ng ganoon, ang mga babaeng bata ay naglalaro ng bahay bahayan. luto lutuan, ginagawa nilang baby yung manika at pagkatapos paglaruan ay gagawing contender sa WWE. nagpapabili ng sangkatutak na stuff toys sa mga magulang at gagawing mga terorista at gagawa ng sarling Doll House.

at lahat ng mga ito ay nagmula sa imagination ng isang bata, at naniniwala ako na kahit hanggang sa pagtanda ay nananitili pa rin ang pagkagusto natin sa paglalaro ng mga laruan, kahit na sa pamamagitan ito ngayon ng mga makabagong teknolohiya gaya ng "PSP", "GameBoy" Playstation 1 ,2 and 3, at kung ano ano pa. Pero alam kung sa tuwing nanonood ang mga matatanda ng mga Pelikula sa Pirated DVD o kahit sa Sinehan at di nila nagustuhan o nagustuhan nila yung kwento ay naiisip pa rin na dagdagan ito, kung bitin ka sa kwento maari kang maglagay ng part two kung gusto mo sa isip mo at maari mong isipin na ikaw ang bida. Pwede kang mag komento kung panget o maganda ang kwento, kung paanoorin mo pa o hindi na. (kaya lang kung napangitan ka sa kwento at inereklamo mo sa Production, example New Line Cinema, Siguraduhin mo lang na may pera ka o sapat na kakayahan para Libel na ikakaso sayo, kung hindi mo mapapatunayan na panget nga ang kwentong kanilang ipinalabas.)

at maaari kang mag komento sa mga problema sa Bayan. Politika, Pag ibig at kahit sa labanan ng ABS CBN at GMA 7.

at sa pakiwari ko'y naimbento ang ganitong klaseng Website sa Internet para isulat kung ano ang tumatakbo sa isip mo at kung ano ang maari mong paniwalaan o paniniwala.


Maari mong ilabas ang sinasaloob mo at Maari kang mag kwento ng mga nangyari sa buhay mo tulad halimbawa ay nadapa ka sa kanto at pinagtawanan ka ng mga bata. o kung ano ano pa.

Amature pa lang ako sa pag gawa ng Blogspot at wala din naman akong masyadong karanasan para magkwento ng magkwento ng kung ano ano.

Hindi pa ako nagkakaroon ng isang romantikong relasyon at wala akong alam tungkol sa pag ibig.

pero pag ibig ang gusto kong topic sa blog ko. Para kasing naniniwala ako na lahat ng kabobohan sa sarili ay nagsimula sa pagkakaroon ng Pag ibig sa buhay.


kakaunti pa lang ang napuntahan kong lugar at bobo pa ako sa lahat ng bagay.
kaya kung may masasabi man ako sa mga susunod kong Blog episode na hindi sasang ayunan ng panga mo o utak mo. malaya ka.

dahil lahat ng sinasabi ko ay "HAKA HAKA NG ISANG TANGA"