Monday, November 17, 2008

paboritong quotes ni tagpe

mahilig magbasa ng quote si tagpe, kung sino man siya. lalo na yung quote na mula kay bob ong.
pero meron pa lang katunggali si bob ong nang hindi ko alam. si juan tamad. iniisip ko lang bakit kaya walang libro so juan tamad.
siguro tinatamad.

kaya ipopost ko yung mga paboritong quotes ni tagpe at maglalagay din ako ng quotes na sinabi ni tagpe.

sabi daw ni Bob Ong..

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala” .
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
20. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
21. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
22. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
23. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
24. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo


nabasa ko yung lahat ng libro niya pero. hindi lahat ng quote diyan nabasa ko nga sa libro niya.


pero bahala kayo, kanya kanya tayo. kaya ito ang akin. ay kay tagpe pala.

1. BEST THINGS COMES IN A SMALL PACKAGES : hindi mabubuo ang sears tower, malacanang white house, araneta coliseum great wall of china, great pyramid o lahat ng mga mataasa na gusali na pinapasukan ng mga abogado, doktor, scientist, presidente, police at mga estudyante kundi dahil sa mga maliliit na manggagawa.

2. WORRIES ENDS WHEN FAITH BEGINS: kung naniniwala ka sa Diyos na hindi ka mapapahamak, hindi talaga. kung duda ka, bakit nagdasal ka pa?

3. ALL THINGS ARE DIFFICULT BEFORE IT'S EASY: lahat ng bagay mahirap talaga sa umpisa. (tinagalog lang.)

4. HINDI DUMADATING ANG BUKAS, KASI ANG BUKAS NAGIGING NGAYON, PERO ANG NGAYON, NAGIGING KAHAPON: kung may gagawin ka bukas, bakit di pa ngayon? at kung may bad trip ang buhay mo ngayon, hayaan mo lang baka bukas wal na yan.

5. FEEL THE PAIN TILL IT HURTS NO MORE: Kapag nagmahal ka at niloko ka, iniwan ka o kaya busted ka o kaya heart broken ka, at masakit... damhin mo ang sakit hanggang sa maging manhid ka. gagaling ka din.

6. KAPAG MASAYA KA GUMAWA NG PARAAN PARA MANATILI ANG SAYA, KUNG HINDI NA, SUBUKAN PA, PERO HWAG NANG IPILIT KUNG HINDI NA TALAGA: kelangan pa bang ipaliwanag yun?

7.MASARAP MABUHAY KUNG ALAM MO SA SARILI MONG UMUUNLAD KA: hwag mong sayangin ang buhay mo, magsikap ka lang para sayo at sa ibang tao. kapag umunlad ka at marami kang napasaya. gugustuhin nilang san mabuhay ka ng mas matagal pa.

8.MAS MADALING TANGGAPIN ANG KABIGUAN KAYSA MAWALAN: Kapag nabigo ka ngayon, hindi mo pa panahon. na delayed lang yung tagumpay mo. Kaysa naman sa Mawalan ka, mahirap nang hanapin ang nagsawa na, o talagang wala na.

9.HINDI KA TATAMA KUNG HINDI KA TATAYA: motto ng mga sugarol. pero may point. No guts no glory daw eh. parang no pain no gain.

10.HINDI KA TITINGALA KAPAG WALA KA SA BABA, KELANGAN DIN KUNG MINSAN MADAPA: Minsan daw kelangan mong mabatukan para malaman mong tanga ka. Hindi mo daw mapapansin na Kelangan mo Talaga ang Diyos.

Monday, May 12, 2008

Suicide.

Bukod sa Maagang pagbubuntis ng mga kabataan uso din pala ngayon yung suicide.
Nagatataka ako kung paano ito nauso.
madalas palang magkaroon ng insedente tungkol sa kasawaan ng buhay, marami palang mga balita tungkol sa pagpapakamatay ng hindi ko alam, madali lang kaya yun?pagkatapos mong magpakamatay pwede pa kayang ulitin?

Medyo curios lang ako sa mga nagpapakamatay, kung bakit nila naisipan ang magpakamatay?ganito kaya yun?
MAn1: May pera ka diyan?
Man2: WalaMan1: kahit bente lang
Man2: wala nga kahit sampung piso
MAn1: pakamatay ka na!!!!!!

************

Bakit nga ba may mga taong porket hindi lang nakapagbayad ng tuittion fee o kaya natalo lang sa sabong ay nagpapakamatay na?
Hindi lang yun ang talagang dahilan, marami pa....maraming dahilan ng pagsusuicide ng isang tao,
1. kasi may lubid - curios siya kung para saan ang isang lubid bukod sa ginagawa itong sampayan, napanood niya siguro sa t.v na ginagamit pala itong kwintas sa leeg at mas cool ito tignan kung itatali niya ito sa kahoy sa kisame at papatong siya sa upuan sabay tatalon.
joke lang yun...
serious na.... AHUUUMMMMM....

nahahati sa dalawang areas ang pagsusuicide

Egocentric - ang isa sa dalawa ay yung Egocentric, ibig sabihin nito na masyado kang maluho at masyado kang agresibo, nagpapakamatay ka kung hindi napagbnigyan ang gusto mo..Hal. napanood mo ba yung "Patayin sa sindak si barbara" teleserye ng ABSCBN kung saan nagpakamatay si Ruth na kapatid ni barbara dahil sa kanyang ugali na masyadong spoiled. iniisip ng mga taong ito na kapag hindi nasunod ang trip niya wala nang ibang paraan kundi ang magpakamatay.

Ilan Pang halimbawa:

Biktima ka ng katangahan, Rape, kamalasan, karahasan, kababuyan, katangahan etc - iniisip mo na ang lahaty ng mga tao sa paligid mo badtrip sayo at badtrip kasi silang lahat. kaya magpapakamatay ka dahil madalas na tinatabla ka nila na sa totoo lang ikaw lang ang nag iisping mga ganong maga bagay.napagalitan ka ng nanay mo sa bahay, tapos pumasok ka sa school, nalate ka, napagalitan ka tuloy ng teacher mo, hindi ka pa pinansinng crush mo, hindi k pa nakasagot sa recitation, wala kang pambili ng pagkain sa canteen ng mag recess na pagkauwi mo sumakay ng jeep, naholdap ka pa, sa sobrang takot, tumalon ka sa jeep habang mabilis ang andar, tapos gasgas at puro ka sugat, malayo pa ang bahay nyo at naglakad ka na lang, umulan pa ng malakas, asang basa ka, pagdating ng bahay niyo, gutom na gutom ka wala kang makain at nakakita ka ng lubid...........

Unfair ang buhay mo -bakit yung bestfriend mo, kalaro o kaaaway mo kamukha ni Gerald Anderson tapos ikaw kahawig mo si NBA superstar Patrick Ewing, talented pa siya tapos ikaw wala kang alam kundi ang magluto ng pritong itlog. lagi siyang mas magaling sa kahit anong bagay, tapos ikaw minsan ka na nga lang makagawa ng maliit na bagay sumasablay ka pa. yung trip mong babae na crush na crush mo na halos ibigay mo na sa kanya ang last wheel of testament mo, dugo at pawis mo ay ibibigay mo sa babaeng yun pati kaluluwa mo, buong buhay mo. pero isang ngiti lang ni pogi sa crush mo, nakuha na siya.. kawawa ka naman.

Brokenhearted - iniwan ka ng syota mo kay ka magpapakamatay kasi nakakita siya ng bago, mas pogi mas maganda, mas macho ,mas sexy, mas matalino, mas MALAKI..... ang pagmamahal, mas mayaman, mas mabait at mas sa lahat ng bagay kaysa sayo...iniisip mo na wala nang ibang mas hihigit pa sa syota mo na iniwan ka at alam mong siya ay para sayo at ikaw ay para sa kanya at kung hindi siya mapupunta sayo ay mabuti pang magpakamatay ka na lang kasi walang karapatan ang babaeng minahal mo na lumigaya sa piling ng iba kundi sayo lang... wala nang iba kundi ikaw, ikaw ikaw...

Marami pang pwedeng halimbawa ang area ng Egocentricity. Pero lahat ng kaso ay isang pangyayari kung saan ang “dapat” sa buhay mo ay hindi nasunod.

Ito ang ikalawa sa tatlong hati sa dahilan sa pagpapakamatay...

Noble – Marangal at may maipagmamalaki na pagpapakamatay...

Environmentalist - halimbawa guilting guilty ka na dahil sa grabe kang magpa usok ng tambutso ng kotse mo, o kaya hindi mo matigilan ang paninigarilyo mo. feeling mo dag dag ka lang sa pampaingay sa mundo at wala ka naman talagang pakinabang sa mundo.

Patriotic - Halimbawa isa kang komunista o kaya terorista na hindi sumasang ayon sa mapang aping mga dayuhan, barangay tanod , hokage o kaya gobyerno at kailngan mong gumawa ng isang makabuluhang pagsabit ng bomba sa katawan para mapansin ka ng mga tao dahil ang lakas ng trip mo sabay pakikinggan ng gobyerno ang kagustuhan mo. O kaya minsan feeling mo kailngan mong gawin ito para sa marinig ang hinaing ng mga taong naghihirap at naapi...
Patriotic Hero ka..kaya lang masyado kang "KSP". kaya sana wag kang masyadong O.A. para hindi malista ang pangalan mo sa listahan ng mga Noisy sa papel at hindi ka masabihan ng "KSP".

Religious Fanatic - High na high ka at feeling mo nakakita ka ng anghel at binulungan ka na dapat kang magsuicide nagyon dahil suswertehin ka.

Marami pang ibang dahilan kung bakit may maga taong gustong magsuicide ayon sa matinong inpormasyon sa internet na ang unag dahilan ng pag susuicide ay pagiging over depressed na madals ngang sinisisi sa kamalasan sa pag ibig, sa trabaho, sa pamilya, sa paga aaral at sa pagkatalo sa sugal sa larong Pog.

***********

Heto ang ilang tips ni Bob Ong mula sa Librong Ang paboritong libro ni hudas ni BOB ONG :

Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan ng pagsu-sucide.. Kung ang problema mo ay dahil lang sa iniwan ka ng minamahal mo, di ka dapat magpatiwakal, Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin kya di ka dapat mwalan ng pagasa.

Commensts ko : Dapat kung magpapakamatay ka yung talagang nakakaawa ang kalagayan mo at hindi yung dahil lang ayaw kang mahalin ng mahal mo, hindi pinoproblema ang love interest mo kung kasing ganda lang niya si Angel locsin dahil malaaman mo rin naman na kapag lumabas ka ng bahay palaging may mas maganda kaysa sa mahal mo.

Ngunit kung desidido ka na sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kng tamang dahilan pra gawin ito, ang sunod mong gagawin ay ang pagpili ng paraan nito. Ang mga popular na paraan ay ang pagbigti, paginom ng lason, paglaslas, pagbaril sa sarili at pagpigil ng hininga.

(Note: 1. tandaan na maari k png mabuhay pagnagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sau.)

(Note: 2. Alalahaning dyahe kung pagtitinginan ng mga tao ang mukha mo sa ataul na muka kng dehydrated na langaw.)

Comments ko : nakakapagod din kung paulit ulit ka sa hindi paghinga, pwede k pang mabuhay sa ganong paraan kasi kung magbibigti ka, pwedeng bago mo ito gawin ay napigilan ka na o kung maglalaslas ka ng pulso, nakakapagod pa kasi kung hindi matalas ang blade uulit ulitin mo ito at titignang maigi kung matalas ba ang blade mo o hindi.

III. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting! dito mo pwedeng sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa! Sabihin mo na di mo gustong tapusin ang iyong buhay kaso lang badtrip silang lahat! Pero huwag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli pra mas cool.

(Note: Tandaan n importanteng gumawa ng suicide note pra malaman ng tao n nag suicide ka at hindi na-murder! Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay pra gawing suspect.)

IV. Pumili ng themesong. Banggitin ang iyong special request sa suicide note at ibilin na patugtugin sa libing.

Comments ko: tinanong ko na sa mga kaibigan ko kung anong gusto nilang themesong kapag ililibing na sila, iba iba ang gusto nila, yung iba, kantang poangkasal, yung iba pang graduation, yung iba themesong ng slamdunk na anime, yung iba face down ng red jumpsuit apparatus at yung iba naman souljaboys o kaya beautiful girl ni sean kingston, pero ang sa akin, yung iyugiyog mo ni willie revillame.

(note: kung ayaw mong magpatawa sa huling hantungan mo at gusto mo na umiiyak yung mga badtrip sa buhay mo mag isip ka ng mga kantang medyo mellow ang dating tulad ng mga kanta ng "YANO" (banal na so.... santong kabayo)

V . Isulat ng maayos ang suicide note. Print. Iwasan ang bura. Lagdaan.
(Note: Ilagay ang suicide note sa lugar kung saan madaling makita. Idikit sa noo!)

Comments ko: dapat yung gagamitin mong papel ay yung stationary , yung may design na winnie the pooh o kaya minnie mouse o kaya hello kitty. sa bandang huli ng liham isulat mo ang katagang "mahal na mahal kita" at dedicated sa nanay mo o kaya sa syota mo para mas cute.

VI . Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamatay kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng telang di umuurong o makati sa katawan.

Comments : pwede ka ring magbaon ng pamalit para kung pagpawisan ka pwede kang magpalit, mas maganda kung yung pinaka paborito mong damit yung isusuot mo at yung hindi dumihin para hindi ka na maglaba pa.

VII. Magpareserve ng de-kalidad na kabaong. Maganda ang kulay n puti, mukang komportable. Huwag magtipid.

VIII . Pumili narin ng magandang pwesto sa sementeryo. Pumili ng di masikip. (Note: Kung ikaw ay nabibilang sa Year of the rat, Dragon, rabbit, tiger, beef or monster. Wag na mamili ng lilibingan sapagkat ang mga nabibilang sa taon n ito ay dapat i-cremate at gawing foot powder,, pra gumaan ang pasok ng pera.)

IX. Itaon ang araw ng iyong pagsu-suicide sa ung fav. no. sa calendar pra masaya

X . Kung naplano mo na lahat-lahat, Magisip ng mabuti at paulit-ulit! Isipin na ang gagawin mo ay hndi kanais-nais at lubhang makasalanan! Pero pag desidido ka talaga

XI . magpakuha ka ng litrato habang nagpapakamatay ka tapos i upload mo sa friendster para memorable.tapos ulitin mo na lang kung bitin ka.

************

Alam ko lahat ng mga bagay sa mundo may bayad.sa maniwala ka o sa hindi, hindi mo rin matatakasan ang utang mo kahit na magpakamatay ka ngayon, mas lalaki pa ang gastosin mo.

Di ka dapat maging agresibo sa buhay para magpakamatay ka kaagad ang ganon ganon na lang , kahit na nabubuhay ka sa iyong katawan, hindi ibig sabihin na sayo na yan. wala naman talaga tayong permanenteng pag mamaya ari sa mundo lahat ng ito at nawawala at binabawi din.

kahit ang sarili nating buhay.kaya wala kang karapatan na bawin ang sarili mong buhay, pinahiram lang sayo yan at wala kang rights. nakapirma ka lang sa contrata sa buhay mo at kung aayawan mo ang buhay mo,
isipin mo na lang mga biktima ng mga malulubhang sakit na gustong gusto pang mabuhay pero wala nang magagawa dahil maty taning na ang buhay nila.... kung inaakala mong walang nakakaintindi sayo, (NGAYON) maaring hindi pa kasi dumarating pero dadating din ang pagakakataon na maiintindihan mo din ang sarili mo at hindi mo na kakailanganin pa ang magsuicide.

kung iniwan ka ng mahal mo, marami ka pang pwedeng mahalin at isang bilyong tao na katulad mong naghahanap ng tunay na pagmamahal naghahanapan lang kayo. palaging may mas hihigit pa sa inakala mong yun na at kung nahanap mo na ang taong yun na talaga mahalin mo ulit ito nang buong buo higit pa sa dati na nanakit sa puso mo, pero mas natuto ka na ngayon.

Kung malas ka sa mundo, maaring kulang ka lang sa pananalig sa Diyos, walang malas malas o swerte sa Diyos, lahat ng mga bagay sa kanya ay maganda.

kung masayado kang nagulangan makakabawi ka rin kung hindi ngayon eh di bukas pero kung hintay ka lang ng hintay ay wala talagang mangyayari sayo, kapag malas ka ngayon at malas ka bukas at malas ka rin sa susunod pang araw isipin mo na lang na mas mabilis matatapos ang kamalasan mo kasi sunod sunod, at sa bandang huli lagi ka namang swerte.

ngayon kung ayaw mo akong pakinggan sa mga sinasabi ko bahala ka magpakamatay ka na hwag mo lang kakalimutan ang tips namin ni kuya bob ong dahil kung hindi papakamatay ako sige ka mumultuhin kita....

Sunday, May 11, 2008

Walang kapag a pag asang pag ibig?

Sa panahong ito, masarap ang pakiramdam ko dahil hindi ako ngayon ka agresibo sa pagiging senti
hindi ako inlove (hmmm... inlove pa rin pero hindi parang batang ngayon lang naka sakay ng ferriswheel.)
hindi ako brokenhearted (hmmm... medyo lang pero sa tingin ko recover na ako.)
hindi ako bitter (totoo yun kaya ko nang harapin si L.I. kahit na may iba na siya.)

kaya nga wala dapat hindi na ako magsulat sulat ng ganito.
pero hilig ko lang talaga na medyo maki alam sa buhay ng may buhay.
ewan ko kung bakit ko gusto, noon gusto kong magsulat ng ganito tungkol sa kung ano ano o sa "Love"
para sana mag bigay ng kaunting komento para naman kung sakaling may magbasa ng libru libruhan ko na kabataan na
gulong gulo sa buhay niya at hindi alam ang gagawin sa buhay lalo na sa pag iinarte niya sa pag ibig,
pero ang nangyayari ako ang natututo sa mga bagay na sinasabi nila o kinukwento nila.
kasi wala talaga akong kaalam alam sa pag ibig. o pakikipag ibigan..

sa totoo lang ay wala naman akong naisusulat ng makakarelate ka talaga kasi kathang isip ko lang ang lahat.
kasi ganon talaga, bawat isang tao sa mundo ay may ibat ibang pananaw sa pag ibig depende sa kanyang naranasan,
nararanasan o gutong maranasan.
ikaw pa rin ang masusunod sa iyong nararamdaman, ikaw din ang makakasagot sa iyong katanungan, sarili mo ring opinyon ang iyong paniniwalaan at walang makakatanggal ng ego mo.

kaya minsan nagmamahal ka ng isang tao na mahal mo pero hindi ka niya mahal
(may naririnig akong kanta...) (mahal kita mahal mo siya mahal niya ay iba... mas mapalad ka mahal kita sakin walang nagmamahal.)

Nag uumpisa sa pag kikita, pakikipag kaibigan , pakikipag text, pagbabonding, pakikipag biruan, pagkuku kwentuhan (getting to know each other stage.)
hanggang sa masanay sa pagsasamahan, hanggang sa mapansin ang satili ni na nahuhulog ang loob sa taong ito at presto... luto na ang putahe, kainin na natin.

pero siyempre tatansyahin mo kung "pwede". Pwede ang ibig kong sabihin ay tatansyahin mo kung ganon kaya ang nararamdaman mo sa kanya, kung ipagtatapat mo ba na may feelings ka sa kanya na lumagpas sa hindi mo inaasahan o mananahimik ka na lang dahil baka malugi ka lang. dahil hindi ka nakapag ipon ng lakas g loob, siguro alam mo na rin naman na hanggang dyan ka na lang.

pero kung sasabihin mo at ipagtatapat sa kanya na magnanakaw ng puso mo ang kaibigan mo at ninakaw ang sayo buong buo.
at nakatanggap ka ng sagot na... 1. hehehe (deadma, ibaling sa ibang usapan.) 2. hahaha. (nagpapatawa ka lang, ibang jokes naman) 3. ahh ganon ba, (ibang usapn ulit.) 4. fuck you!!! (lasing ka lang.)
5. Deadma (5.1. babalng sa ibang kausap at makikipagkwentuhan tungkol sa kanyang crush, boyfriend/girlfriend. 5.2. biglang ibabaling ang pansin sa cellphone. 5.3. bigla niyang ipapasok sa uapan ang kanyang cush/boyfriend/girlfriend.

ubos!!!

yun ang mararamdaman mo na para kang walang kwenta, walang kwenta ang hinugot mong chakra mula sa kasukasuan mo at nabalewala ang isanlibong pagninilaynilay kung aatras ka ba o aabante, kung sasabihn mo ba o aakting ka nalang na parang pipi.
WTF? ubos ang lakas ng ispirito mo at prang ayaw mo nang ulitin pa, badtrip pala magmukhang tanga sa harap ng trip mong nilalang.

kinabukasan ibang tao ka na, maninibago ka sa ugali mo na parang hindi mo kakilala kung sino ka kahapon atsino ka ngayon, basta kunwari walang nangyari at wala kang naramdaman. tapos nakit mo na si crush mo, bigla na lang nag royal rumble ang mga daga sa dibdib mo at naghihinala ka na bukas ang bibig mo kagabi habang natutulog ka kaya ka napasukan ng mga daga na sinlaki ng pusa at nagra rumble sa dibdib mo. pero hindi yun ang issue na papansinin mo kundi ang tao sa harapan ng mata mo na pipilitin mong wag manatili kaya ka biglang bibilis at iiwas para hindi ka magamitan ng shariggan ng crush mo at para hindi maalala ang kahihiyan na sinapit mo noong nakaraang gabi.

**********

Pagkatapos ng ilang panahon naisip mo na ayos ka na, recover at medyo natutunan mo na ng ilan pang move na mas maganda, salamat sa mga tips ng mga teleserye, pelikula nila johnlloyd - bea, mga lovesong, tula na englisha na pilit mong iintindihin pero magiging iba ang interpretasyon mo dahil english so tagalog na lang.

Siubukan mo ulit maki bonding sa kanya para malaman mo kung (experiment) may feelings ka pa na ayaw mo.
pero nalaman mong meron pa rin.
magmuni muni ka at ......
this time malaks na ang loob mo,

nasolo mo siya, ito ang ang hinihintay na pagkakataon, deadbatt ang cellphone niya, brownout kaya di makapag charge. walng ibang mapaglibangan kundi ang makipag kwentuhan at solemn ang paligid, nakaramdam ka pagka senti sa katawan mo at nagtapat ka nanaman.

Wow!!! congrats... at nag reponse ang crush mong kaibigan mo at sinabi niya sayo na "thank you ah.." pero pwedeng hanggang magkaibigan lang muna tayo." "parang kapatid lang talaga ng tingin ko sayo eh."

1............. 2................ 3...............

tatlong oras bago mo marealized na "BUSTED KA"
HAHAHAAHA BUT NGA SAYO.. HAHAHAHA KAWAWA KA NAMAN HAHAHAHA!!!!!

************

okay ibang chapter ito simulan natin sa katulad ng kanina, nagkita, nagkakakilala, nagtext, getting to know each other , nag bonding at naglakas loob kang magtapat kumpara sa kanina na walang nagyari dahil urong sulong at nang naka ipo ng akas ng loob na makasuling ay naubusan, pero ngayon ikaw ay sinuwerte thsi time, nagtapat ka at naging kayo....
minahal ka daw niya kasi matiyaga ka, at naramdaman daw niya talaga na love ka niya at mababalewala ang dahilan na kasi pogi /maganda , sexy ka /macho ka...
sabihin niya sa sarili niya na hindi ka niya minahal dahil pogi/maganda ka kundi dahil basta minahal ka niya.

(kahit sino naman ay pwedeng mahalin pero bakit mas pinili niya yung may magandang pagmumukha kung totoong puso ang pina iral niya t hindi ang mata.)

okay saka na yun, dahil mahal nnyo ang isat isa, nag eexpect ka ng isang fairytale na pakikipag ugnayan, isang kwento ng pag ibig na magiging wagas, walang katapusan, araw araw masaya, kung may ilang prblema dapat na pagusapan at wag baewalain.
expected ang mga bagay na dapat i expect, pero praning ka dahgil alam mong hindi ka perfect o hindi perfect ang ugali mo para magtagal si mahal sa buhay mo, kaya ka nag wowory na baka masulut siya ng iba at baka hindi magtagumpay ang fairytale romance na iyong pinapangarap. at minsan dahil sa mababang tingin mo sa sarili mo kaya nagdududa ka na hindi masaya si love sayo at magdududa ka na may iba siya, pero minsan ikaw din ang problema dahil ikaw mismo ay parang nakaramdam na pandaraya sa sa iyong minamahal, sabihin na natin na may iba kang kinahuhumalingan at paang nararamdaman mong mas masaya ka sa ibang kinahuhumalingan kaysa sa bf'gf/ mong boring dahil walang ibang alam ikwento kundi kulangot.

nagkakaroon ng problema sa loyalty ng isat isa, nawawala ang tiwala dahil sa selos.
at nagiging main ingredients ng "break up."

**********

okay lang yun... sooner makakapag move ka rin... pero bago ang lahat isusulat mo ang mga katagang ganito....
(basahin dahil ito ay mahaba..)

the following phrase contain bad spirit please parental guidance is advice...

Takot ako mawala ka… di ko alam kung bakit… di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka… kundi, takot akong dumating yung araw… na mahal pa rin kita… kahit wala ka na!
Sabi mo mahal mo 'ko. Sabi mo rin seryoso ka. Nag- promise ka pa nga di ba? O, un naman pala e. pero bakit di tayo? Ah siguro… kasi andyan sya?! At mas mahal mo sya, di ba?

Lam mo bang halos mamatay ako sa sakit pag umiiyak ka ng dahil sa kanya… pero lam mo naiintindihan kita kung bakit mahal mo pa rin sya kahit na sinasaktan ka nya… kasi mahal din kita kahit sinasaktan mo ko…

Everytime you cry for the one you love, I often think: Mahal mo sya talaga. Not knowing that while you're cryin', I also cry secretly sayin: Di ba pwedeng ako na lang mahalin mo? Kahit saglit lang…

Minsan, pag mahal mo, kahit may nakikita ka ng mali, tahimik ka lang. Kahit sobrang sakit na, tahimik ka pa rin… kailan ko kaya masasabi sa yo na mahal kita at sinasaktan mo 'ko?

Sabi nila, pag mahal mo yung tao, gagawin mo lahat para sa kanya. Maghihintay ka, ibibigay mo lahat, titiisin mo lahat, kahit para sa kanya, kaibigan ka lang…

isang kahapon nakasama kita… isang kahapon naging bahagi ako ng buhay mo… ngunit isang kahapon ay iniwan mo rin ako. Kahit kelan di 'ko nalimutan ang isang kahapong lumigaya ako sa piling mo…

Talagang ganyan ang buhay… minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw, pero para sa akin ok lang na nasa ilalim basta ang kasama ko… AY IKAW!!!

miss ko na mga oras na magkasama tayo, yung kwentuhan ntin at kulitan, gusto ulit kitang makasama… pano yan?! Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati'y akin ka?!

Kung noon pa sinabi ko na, sana kasama na kita, kung noon pa sinabi ko na, sana tayo na talaga, ngayon alam mong mahal kita, pwede pa ba? Di na siguro, dahil sabi mo, "NOON SANA, NOONG PANAHONG HINIHINTAY KITA"

masakit maging KAIBIGAN ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan ka LULUGAR, di ka dapat UMASA o di kaya… MAINIS sa kanya… bakit… anong KARAPATAN mo? "KAIBIGAN" ka lang di ba?

bakit ganon? Sabi mo maghintay ako kasi meron pang "kayo", ako naman naghintay nga… nung wala na kayo, ngumiti ka at akala ko, meron ng "tayo", yun pala may iba at bagong "kayo"…

Sabi ko "mahal na mahal kita" Sabi mo "sus, alam ko yun" Sabi ko "ako ba mahal mo?" Sabi mo "oo naman, higit pa sa buhay ko" Napaluha ako sa tuwa… tapos sabi mo… "o wag na iyak bestfriend

What if narealize mong hindi pala? What if narealize mong ako pala talaga? What if nung time na yun may mahal na akong iba? And narealize ko din na hindi talaga tayo para sa isa't- isa?

Nagmahal ka na ba pero inakala mong mali? Pero nung handa ka nang iparamdam… bigla ka nyang iniwan.

Minsan nasabi mo na ba sa sarili mo na tanga ka? Na la kang silibi? Na makitid ang utak mo? Na baliw ka? Haaay… di ba nasabi mo yan nung di ka mahal nung mahal mo? Hirap talaga pag kaibigan ka lang noh?

Sabi ko nang umalis ka "Kaya ko to". Sabi ko nung may iba ka ng mahal, "Pakialam ko". Sabi ko nang nakita ko kayong magaksama "Basta masaya ka". Sabi naman ng puso ko "Kaw kasi ma-pride. Dapat pinaglaban mo"

I always thought that you feel the same way I do… I was very happy but when I turned back I saw you with someone else, then I asked you, "bakit mo ko pinaasa?" you said, "di kita pinaasa, mahal kita… magkaibigan tayo, di ba?"

Masakit magmahal lalo na kung iiwan ka lang nya… pero alam mo? May mas masakit pa dun… pag iniwan ka nya sabay sabi… "Sorry, akala ko kasi mahal kita eh…"

Bakit ganun? Di mo maiming mahal mo sya? Pero nasasaktan ka pag may kasama siyang iba… ayaw mo ba talaga sa kanya o baka natatakot ka na malamang mahal mo sya pero iba naman ang mahal nya…

Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo noh?! Kasi akal ko di kita mamahalin pero, mali pala ako at nung inakala kong minahal mo ko… ni minsan, di pala nagkatotoo…

The sweetest thing a guy ever did for his girl was to sit with his friends, look at her from afar, and proudly tell them, look at my Angel, have you ever seen anyone so beautiful? Damn pare, sya buhay ko…

noong sabihin mong mahal mo ko, sabi ko hindi pa ko handa, naghintay ka… tapos bigla ka na lang nawala… nang magkita tayo ulit, sabi ko "ngayon alam ko na, handa na ko" ang sabi mo "sana noon mo pa sinabi, "ikaw kasi mahal nya" at napaluha ako…

Pag in-love, masaya pag lagi syang nandito. Pero pag biglaan kang iniwan, agos ang luha sa mugtong mata, masasabi mo na lang sa kayakap na kaibigan, "Kahit mahal ko sya, tangina na nya!"

Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. tinalikuran kita di dahil galit ako sayo, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita, umalis lang ako kasi ayaw ko nang umiyak habang nakikita kang masaya...sa piling niya.

Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo...muntik ko na sabihin na mahal kita...pero nung sasabihin ko na...napatigil ako dahil bigla mong sinabi...."lam mo mahal ko pa siya".

Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid.

TANGA daw ako nang pakawalan kita! *beep* daw ako, mas pinili kong lumisan ka! *beep* ko daw, pumayag akong magmahal ka ng iba. *beep* SILA! Bakit ko IPAGPIPILITAN ang sarili ko sa taong 'di naman ako mahal, di ba?

Sabi ko suko na ko, sabi ko di na kita mahal, sabi ko malilimutan rin kita, sabi ko di na kita kailangan, sabi ko masaya na ko, sabi ko yun… pero sana yun din ang sabi ng puso ko!

NakakaPAGOD magtxt noh? Lalo na pag… WALANG NAGREREPLY! Pero lam mo? May mas nakakaPAGOD pa dun! NakakaPAGOD magmahal ng taong hindi mo malaman kung sinong mahal…

Ang hirap makipagkaibigan sa mga kagaya mo lalo na pag may nararamdaman ka sa kanya na gaya ng nararamdaman ko sa 'yo ngayon…

Nafeel mo na ba yung kala mo nakalimutan mo na siya? … as in wala na! Tapos na lahat. Then one day nagkita kayo. Nagsmile sya sa yo. Nasabi mo na lang… "*beep*! Mahal ko pa pala tong gagong 'to.

Pa'no mo malalaman kung mahal mong isang tao? Pag hinahanap mo ba? Pag namimiss mo? Siguro… pero mahal mo talaga pag masaya ka basta masaya sya…

May mga bagay na masaya… pero corny… may mga bagay na corny… pero masaya… pero pag kasama kita… lagi masaya… corny noh? Pero masaya…

Kunwari, masaya ako. Kunwari, OK ako. Kunwari, wala akong problema. Kunwari, nasa langit ako. OK lang ba kung isipin kong kunwari mahal mo rin ako? Kunwari lang naman e…

Masakit pag yung taong mahal mo iniwan ka… masakit kapag nakita mong may kasama syang iba… pero di ba mas masakit pag nakita mo masaya sya --- masaya sya dahil wala ka na…

***********

(yung nabasa mo kanina ay galing sa collection ng mga quote ng ilang mga tao na nag se self pitty na iniisip na wala siang kwentang tao na hindi sila nabiyayaan ng Diyos na magmahal at mahalin dahil kapag naghmahal sila ay laging sawi.)

pero hindi ko maiwasan dati na magself pitty kapag broken hearted ako at nakakapgsualt din ako ng ganyang kabaduy na kasulatan sa internet, scratch paper maging sa isipan lang.
ganon lang talaga kapag hindi ka nagtagumpay sa iyong pinangarapa na ano.
akala mo mukha kang tanga, walang kwentang nilalang, hari / reyna ng ungas, bawal mangarap, bawal umibig,.
pero minsan sabi ng ilang mga propeta na kaya tayo nabibigo sa una para malaman ang tunay na kagandahan ng huli.

kaya nilikha ng Diyos ang mga bagay na maiinit para malaman natin na kailangan natin ng lamig
kaya nilikhan ng Diyos ang malalamig para malaman natin na mahalaga ang mainit.
natuto tayo sa mga bagay kung saan tayo nagkamali para makapaghanda sa mga bagay na talagang inilaan sa atin ng Diyos.

gusto niyang kompleto ang kasiyahan natin at wala na tayong maitanong at kuntento tayo sa bagay na laan niya para sa atin
kaya nararanasan natin ang kabiguan sa umpisa.
dahil hindi tayo lubos na nagtitiwala at purong sariling kapakanan lang minsan ang concerna natin kaya minsan inaakala mo na nabigo ka at wala ka nang pag asa.

AMEN...

***********

Maaaring nagmahal ka ngayon at nagmamahal ka ngayon at syempre dahil mahal ka niya at mahal mo siya hindi maiiwasan ang mag expect ng eterntiy, (saan ko nakuha yung words na eterntiy?)
pero minsan ay hindi nagtatagal at kung magtagal at biglang nawala, yun ay dahil...... ginusto yun ng tadhana...

**********

Anumang bagay na tama sa maling oras ay mali parin.

Thursday, May 1, 2008

School Life.

Ayokong isulat ang kung ano anong bagay sa mundo na wala namang kabuluhan pero talaga yatang walang kabuluhan ang lahat ng ideya na pumapasok sa isip ko.
lahat ng mga ideya na mababasa o nabasa mo sa libro - libruhan na ito ay 35% gaya lang sa mga nabasa kong blog at nabasa kong libro (mostly kay Bob Ong.)

idol ko si Kuya Bob Ong, lahat ng anim na libro niya ay nabasa ko na ng walang palya, pero lahat yun puro hiram lang.
hindi ako obligadong bumili ng libro niya kung pwede namang basahin ito sa bookstore ng libre.

tapos nagbabasa ako ng libro ng mga highschool para may makuhang kahit konti sanang inpormasyon para magkaroon naman ng kaunting kwenta ang pagsusulat ko ng mag bagay bagay na wala namang kinalaman sa eskwelahan at buhay ng taong magbabasa o sa kahit na hindi magbabasa.

okay lang kahit na sabihin na ang blog ko ang pinaka walang kwentang blog sa mundo kung iyon ang totoo. dahil minsan wala akong paki alam sa totoo.
ang iniisip ko lang na isusulat ko ang kahit anong pumasok sa utak ko basta nasa harapan ako ng computer. wala na akong paki alam kahit na akusahan ako ng gaya gaya ng ideya.

Isa pa sa mapapansin mo dito sa libru libruhan ko ay ang mga mali mali na spelling o typographical error o mga walang konek sa simula hanggang sa dulo ng sinasabi.
nagbibilis bilisan kasi ako sa pagtatype para mahasa sana ang skills ko dito, kaya lang dalawang daliri lang lagi ang gamit ko sa pag ta type yung magkabilaang hintuturo. tapos hindi ko pa sinusuring maigi kung may mali na ba sa spelling ko o may mali na sa mga sinasabi ko.

*********

Nagsimula ang hilig ko sa pagsusulat ng ideya ng kung ano ano nung bata pa ako. mga elementary pero hindi nahasa ang abilidad na ito dahil nung elementary pa ako lagi akong pinaka kulelat o tinuturing na pinaka bobo at nasundan pa iyon nung highschool, kaya hindi ako nakakuha ng subject ng pagsusulat ng mga bagay bagay na napapansin o kaya bagay bagay na walang kabuluhan.

mula section 3, tapos section 6, tapos section 7, at naging section 9 sa higschool.
hindi naman ako puro bulakbol pero madalas lang na umaabsent ako at hindi nakaka abot sa Deadline ng mga project. pero minsan nakakabawi ako sa exams at recitation. (minsan lang.)
dahil siguro sa kakulangan ko noon ng budget sa araw araw dahil ang mamahal ng mga gamit na pinapabiling mga materials ng magaling kong teacher para sa mga project na pinapagawa nila sa amin.

isama mo pa yung katamaran ko sa paggawa ng assignment. nasanay lang kasi ako nung Elementary ako na sa school ko na ginagawa yung assignment ko para hindi ko na ito gawin sa bahay.
hindi pala maganda ang magiging bunga kung sasanayin ang sarili o ang mga bata nang ganon kasi kung masasanay sila o hinayaan mo na gawin na nila sa school ang assignment nila bago pa man ito maka uwi sa bahay, maiisip nila na wala nang dahilan para magbukas ng notes o para mag review ang mga bata.

at kung masanay sila sa ganitong pananaw sa buhay ay tatanda sila na hindi maiisip na kailangan nilang mag review sa bahay, hindi sila matututong mag review, tatanda sila na naghahabol lagi sa project, kailangan pang magpuyat para sa exam kinabukasan, pero habang nagrereview ang iniisip ay ang crush, o kaya ang episode ng Naruto o Dragon ball z Live Action Series .(walang ganon.)

Kinabukasan sa actual exam excited pa sa pagkuha ng exam lalo na kung ang exam ay GMRC o Values Education na TAMA o MALI lang ang halos 75% ng exam (magkokopyahan pa.)
kapag mahihirap na exam na ang sasagutin halimbawa math. madalas na mangyari sa akin noong highschool ako,
1.wala akong calculator,
2. nauubusan ng papel
3. nawalan ng tinta ang ballpen ko.
4. Lumilipad ang utak ko, at nakakarating sa Outerspace.
5. pinipiga ko ang utak ko kahit wala nang mapiga.
6. palihim akong tumitingin ng formula sa notebook ko sa math (hanep ang diskarte ko dahil hindi pa ako nahuhuli kahit minsan. Pero hindi ko ibubunyag ang sikretong technique ko sa pandadaya.)
7. minsan di ako makapag concentrate lalo na kung ang katabi ko o ang kaharao ko ay ang crush ko na classmate ko o ang classmate ko na pinagkakautangan ko ng mga barya barya na aabot na yata ng 30.00php o mas higit pa. (infairness mabait yung kaklase kong yun.)
8. kapag nagrereview ako sa bahay ay nagbabasa lang ako kunwari ng ilang notes pero hindi ko naman talaga naiintindihan ang binabasa ko dahil sa panget ang sulat ko at hindi ko yata talaga inintindi ang tinuro sa ng teacher ko. (wala rin akong Libro.)
9. At kung nagrereview ako, uupo ako sa mesa ng halos Apat na oras pero tatlo't kalahating oras ay nagsususat ng kung ano ano, tulad nito o kaya nagdo drawing ng anime o komiks pero hindi naman marunong.
10. 85% ng nasa isip ko habang nag rereview ay ang pagiging tiwala sa sarili na (hindi ko na kailangan pang magreview, kabisado ko na ang isasagot ko kinabukasan.)


Ang resulta ng Exam ko ay........ (98% matalino ako eh)


*********

Bobo ka kung maniniwala ka!

Pero alam mo ba kung bakit ALAMAT NG BOBO ang pamagat ng Libru libruhan ko.
bobo kasi ako pagdating sa "LOVE". Pero ito ang pinakapaborito kong Topic kapag nag uusap usap na ang mga kalaro ko sa Organization na sinalihan ko. (mga kabarakada ko.)

Pero kahit na paborito kong topic yun ayokong napag uusapan ang tungkol sa Crush ko o kung sino ang Love interest ko. kasi........... wala lang, basta ayoko.
Alam nyo na siguro na hindi pa ako nagkaka Girlfriend. pero nagulantang ako sa tanong ng isang pacute kong kaibigan na babae sa tanong niya na. "ano ang mas maganda ang remaining single or double este Have a Romantic Relationship (CORNI YUNG PAGPASOK NG "ESTE").

Nanghula ako ng maisasagot dahil hindi ko alam.
Masaya naman ako s pagiging single pero hindi nawawala yung pagnanais ko na magkaroon ng chance na maging romantically involve sa isang cute na babae na kasing ganda ni Sarah Geronimo, Kim Chiu, Heart Evangelista o Jessica Alba.
o kasing bait ng ko. ("KO" - "KASING =BAIT= KO!!!")

oo siyempre gusto ko yung kasing ugali ko pero hindi sobrang katulad, gusto ko lang yung halos pareho kami ng pananaw sa buhay. yung mabilis kong makakasundo.

Pero wala pa akong makitang nilalang na ganyan sa mundo, pero marami na rin akong nakilala na ganyan ang interpretasyon o impresyon ko sa kanila.
Lalo na yung "LOVE INTEREST KO". pero talo ako sa kanya. as in "OLATS" as in Busted.

Pero hindi ako busted as in talagang harap harapan na busted. naduwag lang ako nang sobra.

*******

Kapag sinabi mong Highschool ay napaka memorable talaga. dahil madalas dito mo mararanasan ang pagsisismula ng kalokohan sa mundo at dito na tumutubo ang sungay mo, o sungay ng anak mo. kaya kung highschool ka na o ang anak mo malamang na

1. magpapabili na ng cellphone ang anak mo. (N series.)
2. madalas na tulala (malamang niyan kundi adik baka inlove.)
3. nagbabago ang boses (natuto sumagot ng pabalang)
4. tumutubo ng senyales ng pagpupuyat sa mukha. (dahil siguro sa mani.)
5. matagal makipag usap sa telepono. (minsan ginagawa lang mic yung telepono at doon nag coconcert.)
6. tataas ang presyo ng Field trip.
7. madalas na magkaroon ng Field Trip.
8. Hihingi ng pambili ng project
9. hihingi ulit ng pambili ng project.
10. sa maniwala ka o sa hindi hihingi ulit ng pambili ng project.
11. madalas na may group study kuno sa bahay ng classmate. (kasing laki ng MOA yung bahay ng classmate.)
12. umuuwing lasing
13. matututong magyosi.

Sari sari na ang buhay na nangyayari sa buhay ng higschool ,dito nade develop ang kalokohan ng bata, dito nakikita talaga ang isang ugali na madalas na napapansin.
bakas sa mukha ng Highschool student kung siya ay in love, o may ginagawang kalokohan. (opinyon ko lang.)

Pero dito sila makakakilala ng "LOVERS", "LOVE INTEREST", Crush, Mortal Enemy.
Nagsisimula nang harapin ang sariling opinyon, sariling pananaw at nakikilala ng husto ang sarili.
Nagsisimula nang maging mayabang, magpaganda, magpa pogi. mawawala na ang pagiging makapal ang mukha o buraot at natuto nang mambastos ng nakakatanda.

puro kalokohan naman kasi ang iniintindi ng ibang Highschool student dahil sa impluwensiya ng barkada o kaibigan.
siyempre magsisismula nang makipag usap ng maayos at hindi na nahihiyang makipag usap o ibunyag ang feelings sa kanyang crush.
Manliligaw ang isang lalaki
Pakipot ang babae at kunwari walang paki alam sa lalaki
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti.
kapag na bad trip si lalaki sa sobrang pakipot ni babae.....
Badtip din si babae "Pero Denial pa rin"

Manliligaw si Lalake ulit
Sa una magpapakipot ng konti ang babae pero mas nice na siya ngayon.
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti. pero hindi na kasing tindi nung una kasi inulit na lang kaya wala nang thrill.
magtatapat na si lalaki sa pamamagitan ng pagtatanong ng "Mahal mo ba ako?"
sasagot si babae ng "HINDI eh sorry ah."
(masasaktan si lalaki) pero playsafe at sasabihin ang ganitong kataga. "BAKIT SINABI KO BANG MAHAL KITA?.
Babawi si babae at sasabihin na " Ganon?! Mahal din kasi kita eh."
babawi si lalaki at sasabihin na "Mahal talaga kita eh."
Babawi si babae at sasabihing "JOKE LANG KAW NAMAN DI KA MABIRO!!!!"
at babawi din si lalaki dahil ayaw mapahiya, "Joke lang din....

tapos paulit ulit lang na parang nag gagaguhan na.

*******

Para sa opinyon ko minsan hindi laging seryoso ang magiging kapalaran mo kung bata ka pa.
sa highschool nagsisismula ka pa lang sa paglalakbay sa mundo at malaman pa na mas marami ka pang mararanasan na TRUE LOVE", "INLOVE", HEARTACHE", HEARTBREAK", "AMFNESS".
Pero isa lang sigurado, dahil darating naman ang nilalang na para sayo sa tamang panahon.

"ANUMANG BAGAY NA TAMA SA MALING PANAHON AY MANANATILING MALI PARIN"

(san ko ba nabasa ito?)
*********

COLLEGE,.

Pagkatapos kong mag Highschool ay nag College na ako, (malamang) alangan naman na bumalik ako sa grade one. Pero hindi ko napili ang Course na gusto ko noon dahil medyo may kamahalan ang Course ko. Pero sabi ng mababait kong mga magulang at kuya kong nagpapa aral sa akin na okay lang kahit na mahal igagapang daw nila ako sa pag aaral.
Pero hindi ang kamahalan ng Tuttion Fee ang problema ko kundi ang antas ng utak ko.
Wala akong talent na dapat na ipakita. kulang ang kaalaman ko. mahina ang utak ko para sa Course na gusto ko. yun lang kaya ng utak ko ang dapat kong pag tuunan ng pansin.

sa makatuwid mawawalan ng saysay ang sagot ko sa nakakatanda nung bata ako kapag tinatanong ako ng "ANONG GUSTO MONG MAGING?".
kung ano lang ang naipon sa utak ko simula nung grade one ako hanggang 4th year highschool ako, yun lang ang batayan kung magiging ano ako sa Mundo.

Kapag College ka na Seryoso ka na dapat, dahil matanda ka na at hindi ka na kukunsintihin ng teacher mo sa paggawa ng kalokohan pero kapag College ka na bahala ka na sa kung anong gagawin mo, ge greydan ka na lang nila.
natakot ako sa pananaw na ito nung college ako pero nung nakapasok na ako ng College ay parang katulad din talaga ng Highschool pero mas seryoso nga lang sa pag aaral ang mga kaklase mo kaya mahahawa ka. (kasi pare pareho kayo ng unang impression sa buhay COLLEGE)

Para sa iba ang buhay ng college ay masarap dahil sa daming kalokohan ang pumapasok sa ideya ng mga estudyante.
Marami akong nakikita na over age na para mag college, pero wala akong problema doon.
mas okay sa akin yun. dahil naniniwala ako na walang pinipiling edad ang pag aaral kahit na lolo ka na sa tuhod. basta gusto mong mag aral, pag may pagkakataon grab it.

Pero yung mga kilala kong mga matatandang estudyante ng kolehiyo, nahahawa na rin sa mga mga halos anak na nila na kaklase, siguro dahil gusto nilang makisama.
dahil kung sa mga professor sila makiki tropa, kapag pumasa siya baka pag isipan ng mga kaklase niya na sumusipsip si manong. kaya nakiki tropa siya sa mga mas bata.

Pero minsan nasosobrahan yata sila manong, minsan hindi na bumabagay ang edad nila sa mga sinasabi nila. ang sagwa nang marinig si manong ng "TOL ANG COOL NG PORMA MO AH!!!"
tapos sumasabay siya sa kaklase niyang mga bata pati sa pormahan o pananamit.
imagine 45 - 68 years old na manong naka suot ng hip hop attire o kaya parang trasher.
nakakalbo na siya nagpa kulay pa ng pula. kulubot na ang balat, nagpa tatto pa. nagpapa hikaw pa sa ibat ibang parte ng katawan. nagmumukha tuloy siyang nag se second childhood na.

Pero nakikisama lang naman sila kaya hwag na tin silang sisihin. sa totoo lang medyo bilib ako sa kanila dahil naiintindihan nila ang kagustuhan o mga hilig ng mga kabataan.

**********

Mga hilig ng kabataan na lagi mong mapapansin sa college.
mga kalokohan na mararanasan mo. kung nung highschool ka bata ka pa kaya kung gusto mong magpunta sa mga Bar para mag inuman, sa college legal ka na kaya makakarating ka sa lugar na hindi mo pwedeng mapuntahan nung highschool ka pa.
*Kung saan saan ka gigimik.
*Mas magaling kang mambola ngayon sa babae o sa lalake kung babae ka.
*Dami mong tropa o pwedeng tropahain.
*Mahihilig ka sa Electric guitar. Drums.
*Matututo kang mag hanap ng part time job para lang mapunan mo ang bisyo mo lalo na sa pagdo DOTA.
*Mas madals kang lasing.
*Mas malalim ngayon ang pananaw mo sa Love dahil sa pagiging semi matured mo mas marami ka rin kasing natutunan sa satage na ito at mas marami ka na ring naintindihan sa pag ibig.

*********

Marami kang mapapansin na pagkakaiba ng college sa highschool tulad nang tatawagin mo nang Professor ang Teacher mo. hindi ka na magkakaroon ng grade na 75%, 80%, 99% magiging 1 (uno) 2 (dos) 1.25, 2.75 mas madalas "3" tres. pero kapag 5 (singko) ka na, uulitin mo ang subjecr na yun.

kapag bumagsak ka feeling mo kasing level mo ang mga adik o ang mga taeng inulan, wala kang kwentang tao.
mababadtrip ka sa mundo lalo na sa professor mong nag bagsak sayo. Pero ang mali sayo hindi mo sinisisi ang sarili mo dahil hindi mo napansin na lagi kang late noon, lagi kang absent, lagi kang walang recitation, lagi kang walang project.

Pero okay lang yun, basta bumawi ka na lang sa next sem o sa summer.

***********

Mas magiging masikap sa College pero hind isa lahat dahil marami talgang matututunan na kalokohan sa kolehiyo.
madalas kayo mag date ng syota mo. madalas kayong mag yayaan ng mga kaklase mo nang inuman o maglakwatsa kung saan saan.
madaming magiging pagbabago sayo kapag college ka na, maraming epekto.

MADALAS NA NAGIGING EPEKTO NG BUHAY COLLEGE.
1. kung nung higschool ka 7: 00 to 3:00 ang oras ng klase mo
sa College 7:00 to sawa na ang pasok mo, pwede kang umuwi ng madaling araw na o kaya kinabukasan na. (kaya lang paghihinalaan ka ng mga magulang mo na adik ka. o kunh hindi baka ikaw ay isang bakla na rumarampa sa gabi.)

2. Tataas ang allowance mo ng 3% - 20%. lalo na kung malayo ang bahay mo sa school mo.
3. Medyo mababawasan ang pagiging jologs mo.
4. Mas madalas kang magalit kapag nagagalaw ang buhok mo lalo na kung apat na oras mong inayos yan dahil nilagyan mo ng GEL
5. Ang Dami mong burloloy sa katawan.
6. pipilitin mong tumaas ang grade mo para sa Nseries o kaya i pod shuffle.
7. matututo kang magtipid at magtago ng barya.
8. matututo kang magsinungaling para makakupit ka sa tuition fee mo.
9.dadami ang projects mo na madalas sa diskuhan o sa inuman nyo tatapusin. 10. magkakaron ka ng pasok kahit araw ng sabado o linggo, depende kung ayaw mong maghugas ng pinggan at maglaba ng damit na sintaas ng 10 case ng beer.
10. magiging tambayan mo ang Jollibee o Starbucks.
11.magkakaron ka ng kahihiyan na mangopya sa kaklase mo -
11. matututo ka ng last minute review bago mag quiz -
12. madalas na paghihinalaan ka ng mga magulang mo kung bakit may pantal na pula ka sa leeg mo -
13. matututo kang tumakas alang alang sa inuman -
14. maiisip mo na hindi magandang panulat ang Pilot ballpen kaya gagastos ka ng ballpen na mamahalin at nagtatae -
15. pagaaralan mong baguhin ang handwriting mo alang alang sa pagibig -
16. malalaman mo na ang pagkakaiba ng mga mag aaral na jologs, sosi, losers, rockers at mga tambay ng library - marami pang iba.

********

Bago ka magtapos sa highschool kahit ayaw mo pa obligado kang mag isip kung anong course ang gusto mong kunin para hindi ka na manghulang kung ano ano.
kaya nga dapat noon pang bata ka alam mo na kung saan ka bihasa para kapag college ka na hindi ka na mahihirapan sa kurosng kukunin mo dahil ang bagay na kinahiligan mo, halimbawa mahilig ka sa drawing, pwede kang mag fine arts, kung mahilig kang mag computer pwede kang maging progrmer o kung mahilig kang mag alaga pwede kang mag nurse at kung ano ano pa.

Nung bago ako mag college hindi ko pa talaga alam kung anong gusto kong maging...
kung ano lang ang mabasa kong offer na course at nagandahan ako sa tunog nito halimbawa "INFORMATION TECHNOLOGY" (ASTIG!!) gusto kong course yun kahit na hindi ko alam kung anong klaseng sawsawan ito.

Electical Technician na lang kinuha ko, dahil hindi ako pumasa sa interview sa I.T.
pero ayaw ko nung E.T. kaya hindi ako nakatagal. lumipat ako ng course at naging computer Technician ako.

*********

Tumanda ako nang hindi ko alam ang kinahiligan ko, at hindi ko alam kung anong talent meron ako. hindi ako magaling sa kahit anong larangan.
pwede sana akong mag fine arts o mag architect kung magaling lang akong mag drawing o mag sketch.
pwede sana akong mag doktor o nurse kung mahilig ako sa gamot.
pwede sana akong mag abugado kung matalino ako at mahilig makipag debate.
pwede sana akong maging isang enhinyero kung matalino ako sa math.
pwede sana akong maging musician kung magaling ako sa musical instrument
pwede sana akong maging piloto kung marunong akong magpalipad ng eruplano
pwede sana akong maging F1 driver kung marunong akong mag drive.
pwede sana akong maging showbiz collumnist kung mahilig ako sa artista at paki alamero ako sa buhay ng may buhay.
pwede sana akong maging artista kung gwapo ako.
pwede sana akong maging singer kung ka boses ko si favaroti.
pwede sana akong maging superhero kung merong course para maging si lastikman ako.
pwede sana akong maging maging Hokage kung makikita ko ang bayan ng konoha para mag aral ng ninjutsu.
pwede sana akong maging author ng libro kung magaling akong magsulat ng libro at kung may kabuluhan ang sinasabi ko.

**********
Pero natutunan ko na kahit anong kurso na makuha mo, kahit na hindi mo pa ito gusto ay kailngan mong matutunang mahalin ang kursong napunta sayo.
kung sa tingin mo ay hindi ito ang bokasyon na nararapat sayo. okay lang pero darating din ang araw na malalaman mo ang kahalagahan ng pinasok mo o nang itinapon mo.

maraming taong hindi nakakapag aral kahit gusto nilang mag aral, ako na maraming pagkakataon ay inaaamin ko na nagiging pasaway ako nang madalas.
kahit na alam kong nahihirapan na ang mga taong nag papa aral sa akin, madalas na nakakagawa pa ako ng kalokohan.
pero nagiging normal sa kabataan ang pagiging mahina pero minsan hindi ito masabi at nahahayaan lang kapg hindi nagamot.
Nasa sayo pa rin pala ang magiging kapalaran mo o kung magiging sino ka kung magsisikap ka sa pag aaral o hindi.

*********

Mula pa noong pagtripan kang turuang magsulat ng pangalan ng mga magulang mo hanggang sa grumadweyt ka sa college, kailangan mong gumising nang maaga para maligo, kumain, magsipilyo at pumasok.
Pinaka masarap sa pakiramdam kapag nalaman mong suspendido ang klase dahil sa bagyo.
badtrip naman kung hindi kasama ang school mo sa hindi nag cut ng klase.
ang sarap din sa pakiramdam ng wala yung teacher mo dahil pwede ka nang umuwi para ituloy ang tulog mo o kaya maglakwatsa.

Gigising ka nang maaga, papasok, makikipag hi -5 sa kaklase, makikipaghabulan sa corridor, babatiin si crush. aasarin yung isa pang crush. pasasayahin yung panagatlong crush sa pamamagitan ng pagpapatawa.
mangungutang ka sa kaklase mo. uutuin mo ang kaklase mo na ililibre mo nang kumain sa jolibee para pakopyahin ka sa assignment nyo na hindi mo nagawa.
Matuto kang maki usap sa nakatatanda mong kapatid para gawan ka nang project na sa tingin mo ay siya lang ang makakagawa.
mapupuyat ka sa kakagawa ng project dahil last day na kinabukasan ang pasahan.
pasasalihin ka sa school activities o mga clubs na wala namang kinalaman sa buhay mo.
pag aaralan mo ang buhay ng mga batikang bayani na malaki ang maitutulong para magkabalikan kayo ng syota mo.
pagbabayarin ka ng mga ticket para sa mga papromo kuno ng eskwelahan nyo para siguro sa Global warming.
madami ka nang napuntahan na lugar dahil sa pagsama sa mga educational trip na wala ka namang matutunan kundi ang paglangoy at ang pagposing ng maganda para bumagay sa view sa likod mo.

Sa school mo matutunan ang pagdadasal mo sa Diyos para lang wag maging Terror ang teacher mo.
hihilingin mo rin na sana ay may cute kang makatabi sa upuan.
hihilingin mo rin na sana ay laging absent ang teacher mo.
at marami pang iba.
matututunan mo ding makipag bnding sa Guidance Councilor pagkatapos mong makipagsuntukan sa kaklase mo o sa pagdadala ng alak o mga patalim sa bag mo.
matututo ka ring mag drawing dahil sa pag ba Vandal sa banyong school mo.
at makakaramdam ka ng tuwa dahil sa wakas ay makakapag college ka na rin pagkatapos ng ilang dekadang paghihintay na makatapos ng highschool dahil paulit ulit ka at sawang sawa na ang mga teacher at principal sa mukha mo.

tapos problema mo nanaman ang kurso mong kukunin, pag natapos ka na sa pagpili stage, poproblemahin mo nanaman ang Assignment, quiz, recitation, actual exam, written exam, oral exam, projects, schedula na nakakalito,. lovelife, house life. OJT, parttime job, Thesis, Depense.
at kung ano ano pa.

at kapag Graduate ka na, malamang na makikita mo ang mag magulang mo lalo na ng nanay mo na lumuluha dahil sa wakas natapos na rin ang ilang taong pag tustos sa pag aaral mo.
masarap sa pakiramdam ng mga magulang yun dahil para sa kanila ay nagampanan na nila ang isang obligasyon nila at ikaw naman ngayon ang mag obligasyon na dapat gampanan o pagtuunan ng pansin.

Maswerte ang isang taong degree holder at may lisensya ng board exam. Kung baga sa chess, isa kang Queen. Kahit gaano kalayo mararating mo. Madali ang pagpasok sa trabaho dahil may maipagmamalaki. Eh pano naman ang mga high-school graduate at undergraduate na college student?

Para ding chess, ngunit isa ka lamang Pawn na paisa-isa ang hakbang at nanghuhula kung makakarating ka sa kabilang base ng kalaban para makatikim ng ginhawa, na ang sasalubong sayo ay malalaking pader. Marami ka pang pagdadaanan at marami ka pang kakaining kanin (Hindi bigas).

********

Tapos ka na sa pamomroblema sa Thesis, assignment, projects, fieldtrip, exam ,quiz at kung ano ano pa. dahil ngayon ay nakatapos ka na at magsisimula ka nang lakbayin ang tunay na mundo kung saan malalaman mo ang hirap ng buhay.
malalaman mo na ang pagkakaiba ng love nung highschool ka pa kumpara ngayong tapos ka na.
malalaman mo na hindi mo na dapat masyadong pag ukulan ng pansin ang kapalpakan ng syota mo dahil lagi ka namang minamahal ng pamilya mo at mga tunay mong kaibigan.

malalaman mo na marami din ang naging katulad mo na nahirapan sa school life at yung ibang sumuko o yung kahit na ayaw sumuko pero wala namang pang tustos sa pag aaral nila,
magi guilty ka nang husto dahil sa mga panahong sinasayang mo sa pagbili ng mamahaling cellphone, pagbili ng branded na damit, paggastos alang alang sa nililigawan para makapanood kayo sa imax sa Mall of Asia, at magi guilty ka dahil malalaman mo na mahirap pala talaga maging magulang kung mag aasawa ka nang maaga at hindi mo tatapusin ang pag aaral mo.

Dahil alam moa ng pagiging estudyante, malamang alam mo rin ang mga posibleng kalokohan na ginagawa ng magiging anak mo, maaring niloloko ka nila na akala mo ay pursigido siyang nag aaral pero maaaring dropped out na pala.

medyo huli na rin para magsisi dahil hindi mo na maibabalik ang panahon kung kailan nag aaral ka na puro kagaguhan ang ginagawa mo sa buhay mo.
hindi ka nag aaral nang mabuti kung may nagpapa aral sayo pero hindi maisip na kung mawala sila hindi mo alam kung magiging ano ka.

aminado rin ako at nag koconfess dito sa libru libruhan ko nang mga kahinaan at mga kabobohan na ipinamalas ko sa buhay ko.
Nanghihinayang din ako sa kabobohang ipinamalas ko nung bata pa ako at nalaman ko na ang lahat pala talaga ng pagdadaanan mo sa buhay ay laging nakaplano at pinaplano sayo ng Diyos.

Pero kahit na huli na ang lahat para magsisisi lagi namang may naka laan na daan para magsikap at tuluyang baguhin ang kabobohang ipinamalas mo nung ikaw ay nag aaral pa.
ngayon ay isa ka nang nilalang na handa sa lahat pero kung hindi pa...

iniisip mo lang yan..... kasi....

KAYA MO TALAGA YAN... TAMAD KA LANG...

Monday, April 28, 2008

Mukhang pera

Sabi sa kin ng kapatid ko "Bakit ang hilig mong magsuot ng short na walng garter?"
mali siya doon dahil hindi ako nagsusot ng short na walang garter, natural lang na lumawlaw ang short ko dahil sa puro barya ng laman ng wallet ko.

Barya na lang ang laman ng wallet ko at kung meron mang buo ay bente pesos lang,
madalang lang akong magkapera ng malaki, (wala kasi akong trabaho.) estudyante pa lang ako eh. (at puro hingi lang ako ng pera sa nanay ko at kuya ko. KAPAL NOH?)
pero ako lang yata ang kakaiba sa mga estudyante, kasi napapansin ko na kapag estudyante ka ay mas mapera ka pa sa nagtatrabaho.

yun kasing nagtatrabaho sarili nilang pera ang ginagamit nila sa pamasahe nila, o pang laro nila ng DOTA.
ang maga kaklase ko na namumulubi sa pagbili ng Project at pagbili ng pagkain, samantalang kapag naglalaro na sila ng online Games sa internet ay parang hindi nawawalan ng Pera.

Marami din akong kakilala na halos walang preno kung gumastos ng pera na akala mo ay wala nang bukas.
hindi ko maintindihan ang katwiran ng ilan na kung mamatay ka daw ngayon ay hindi mo na madadala sa langit ang pera mo kaya dapat na itong gastusin habang nabubuhay ka dito sa mundo, malay mo nga ba kung mamatay ka na ngayon at meron kang 750 Million sa wallet mo at ayaw mong ilagay ito sa bangko kasi natatakot kang baka manakaw ng mga holdaper.

Holdaper - Takot ako sa holdaper, kahit wala pa akong sariling karanasan sa holdaper, pero natatandaan ko noon nung sumakasy ako ng Jeep na isang bakla ang hinoldap ng ng isang mama, tinututukan siya ng gatling gun sa kanan at bazuka naman sa kaliwa para ibigay ang akala ko na N76 na cellphone. yun pala ay nokia 3310 na cellphone ng bakla. masyado kasing garapal mag text ang bakala at ang ingay ingay pa.

Isa pa sa natatandaan ko na kwento ng kaklase ko tungkol sa holdaper na nangholdap sa kanya,.
naglalakad daw siya sa morayta nang makasalubong niya ang isang holdaper at inakabayan siya habang naglalakad. Suot ang kanyang silver na hikaw at bracelet at nakakwintas sa kanayang leeg ang kanyang cellphone (hindi ako alam ang unit basta maganda at mamahalin., Colored. may camera pa.)

Ayun! para silang mag jowa na matagal nang hindi nagkita at namiss nang husto ang isat isa kaya binigyan niya ng pera, cellphone at silver ang holdaper.

*******

Takot akong maholdap at wala rin kasing karapatan ang holdaper na holdapin ako dahil bukod sa mas mukha pa akong holdaper sa kanila alam din naman nila kung sino ang mukhang marami talagang pera.
(tsaka itsura ko palang mukha nangang wala na akong makain, hoholdapin pa ako.)
siguro ang makukuha lang nila sa wallet ko ay bente pesos at mga basurang papel at pictures ni "love Interest ko."

Mukha kasi akong pulubi kung lalabas ako ng bahay kaya hindi rin siguro ako pagtiyatiyagaan na holdapin ng kung sinoman.
Pero natatawa naman ako noong makakita ako nang pulubi na halos akala mo ay tatlong taon nang hindi kumakain, muntik ko nang ibigay sa kanya ang sampung piso ko, pero nangliit ako ang makita ko nang inilabas niya ang tig pa 500php na pera na binibilang niya. (WOW!!)

isang pulubi na mas mayaman pa sa may kaya.
naisip ko noong mga panahong iyon kung mag sideline kaya akong mag pulubi baka kumita rin ako ng pera na mas mataas pa sa kita ng mga totoong nagtatrabaho.

sabi kasi ng nakakaalam tungkol sa pulubi, kaya lagi silang mukhang gutom dahil madalas na hindi sila bumibili ng makakain na mahal ang presyo, at tinitipid daw talaga ang perang kinikita nila sa buong maghapon. buong buwan, buong taon. (para siguro makabili ng I-phone at maka check in sa Metropole in Hanoi isang hotel sa vietnam.)

*******

Napakaluho din talaga ng mga tao sa mundo basta merong mga bago, ginugusto na magkaron ng ganong bagay.
ninanais na magkaroon ng mga bagay bagay na hindi naman talaga kailangan sa buhay nila.
sa iskwaters area nga ngayon, kahit na yari sa pinagtagpi tagpi na yero at nabubulok na kahoy ang bahay nila, hindi mawawala sa pamilya ang merong Cellphone na may camera, 21 inches colored t.v. at DVD player.
meron ding Ref. at marami ang may washing machine.
kahit na jumper lang ang kuryente, hataw sa pag chacharge ng PSP, Mp3 at i-pod.

Tapos may mga tao na galing sa mahirap na pamilya o kahit na hindi naman gaanong mahirap, ina araw araw ang pagpunta sa STARBUCKS para magkape, sa Yellow Cab para mag pizza. (200 yata ang isang cup ng kape sa STARBUCKS.)

Tapos ngayon ay apektado daw sila ng husto ngayon sa pagtaas ng mga bilihin.
ang pandesal ngayon ay kasing laki na lang ng bola ng jackstone.
ang bigas ngayon na dati ay P18.00 lang ngayon ay P30.00 na pinakamura.
pero titiisin na lang na hindi kumain para lang makapaglaro ng DOTA o magload.
titiisin ang hindi kumain ng pandesal basta makapag load lang ng prepaid sa Cable.

******

Marami ding mga taong nagyayaman yamanan kahit na wala nang makain.
at marami din na mapera at kung i angat ang sarili akala mo ay siya an ang pinaka mapera at pinaka importanteng tao sa mundo.
pero importante o VIP din siguro ang trato sa mga taong pinakamayayaman sa mundo.

*****

Kamakailan ko lang nalaman na hindi na pala si Bill Gates ang pinakamayaman na tao sa mundo.
13 taong pinagharian ni Ninong Bill Gates ang titulo bilang pinakamayamang tao sa mundo pero dahil may mas masipag pa sa kanya (hindi sa pagtaya ng karera o pagtaya ng ending o jueteng.) meron nang mas mayaman sa kanya As of April 28, 2008. as of Forbes magazine.
ito ag listahan nila.

1 Warren Buffett - kumikita ng $62.0 billion US Dollars. noong bata palang daw siya isa lang siyang delivery boy ng diyaryo ngayon nagmamay ari ng Geico, General Re), alahas (Borsheim's), utilities (MidAmerican Energy), Pakkain (Dairy Queen, See's Candies) at Coca cola company.

2. Carlos Slim helo - $60.0 billion. wireless telephone company, America Movil

3. William h. Gates. $58. 0 billion - Microsoft

4. Lakshmi Mittal - $45.0 billion -

5. Mukesh Ambani - $43. 0 billion

******

kulang ako sa impormasyon tungkol sa kanila pero mababasa mo ito sa forbes.com
Pero sa tignin ko tulad din ng mga mahihirap, marami din mga problema ang mayayaman na dahil sa dami ng pera nila ay wala itong mapag lagyan at nagiging O.A na rin sa hightech ang mga bagay na nabibili nila.

*******
MGA PROBLEMA NG MGA MAYAYAMAN

TV:"Amputa, ilang beses na nangyari to! Hindi ako makanood ng TV! Hiniram nanaman ng IMAX!"

Magnanakaw:"Ayan nanaman sila, tatlong buwan na nandiyan yung magnanakaw hindi parin makalahati yung unang safe."

Einstein:"Ngayong binuhay ka ng isa sa mga scientist ko..este aso ko, pangalan mo na ngayon ay hindi EINSTEIN. BOBO na."

Sa bar:"Sori pare, hindi dumating resbak mong mga boy ko. Si BATISTA ayaw papasukin ng bar at si BIG SHOW kumakain pa daw."

Kotse:"Pang ilang kotse na yan! Lagi akong napagkakamalang illegal immigrant sa sobrang tulin ng kotse ko! Umaabot sa IBANG BANSA!"

Accounting:"Ano ba to! Lahat ng kwenta mali hindi naman mabawasan ung total ko!"

Paliligo:"ARAY KO!!! Inday!!! Barya nanaman lumalabas sa shower!!"

Dragonball:"Anak, sabi ko sayo, wag mo masyadong nilalaro yang laruan mong DRAGONBALL.
Nasira nanaman yung pader."

Bahay:"Nawala nanaman tangke ko! Alam ko nandito lang yun sa bahay!"

Counter-Strike:"Aray! Sa susunod, hindi nako papasok sa computer...masakit pala mag COUNTER-STRIKE."

electronics Accesories: "Ano uso pa ba yung i-phone?" wala na ngang mapaglagyan nyan sa basurahan ko eh.

Bangko: ang laki naman ng Alkansiya ko.

**********

Ang pinagtataka ko lang kung paano kaya sila mamuhay ng normal kung alam nila na marami sa mga kamag anak nila ng ipapatay sila para sa tatanggaping mana nila. Ganon yung mga napapanood ko sa mga teleserye, mga nagpapatayan dahil sa pera. kahit na kamag anak pa basta magkaroon lang ng limpak limpak na salapi.

Nagkakaroon din ng dis advantage ang pagiging mapera, nakakalimot nang maging makatao.
marahil na idinadahilan ng iba na "Pinaghirapan ko ang perang ito kaya, gagawin ko ang anumang gusto kong gawin dito."
kahit na mang alipusta ng pagkatao ng iba.
yung iba bumibili ng nang dignidad.
at yung iba nagpapatayan kahit na magkapatid sa Pera. at yung iba naman grabe na kung makapanglait ng kapwa o makapanakit dahil sa pagtubo ng pera sa katawan niya.

Akala ng iba na kung marami kang pera ay magiging masaya ka na totally. maraming nakaka alam niyan pero hindi lahat.,
marami parin ang bulag sa katotohanan na hindi laging pera ang solusyon sa lahat ng problema.
Marami ding mga taong hanap ay pera ay nagbebenta na ng sariling laman. hindi lang pagbebenta ng laman kung saan ginagawa ng mga babaeng mababa ang lipad kundi nagbebenta ng laman as in Lamang loob. kidney, bone marrow, DNA, Puso at kung ano ano pa.

******

Sino nga naman ang hindi mangangailangan ng pera kung ganyan na ang labanan ng buhay ngayon.
buong buhay mo bago ka ipinapanganak ay gumagastos ka na ng pera.
para sa Vitamins ng nanay mo habang ipinagbubuntis ka niya o mga prutas kung na ipinapapabili ng nanay mo sa tatay mo kung saan ka ipinaglihi.
pagkapanganak mo gagastos ka na ng pambili ng gatas mo o vitamins mo, mga diaper mo at pang pedia mo kung may sakit ka.
kapag nag aaral ka na gumagastos ka na nag baon, tuition fee mo, pamasahe at laruan oluho.
kapag highschool at college ka na bukod sa tuittion fee, gastos ka na ng pambili ng cellphone, load, pang DOTA o pang counter strike, Damit na mamahalin na hindi rin naman makakatulong sa lovelife mo kung magsuot ka ng mamahalin o may tatak na damit.
sa mga nilalang na inlove, nanliligaw o nakikipag date, kailangan mo pang gumastos para maregaluhan ang syota mo o ang intersest mong maging syota.

********

Tanggap na rin siguro ng mundo na kaugnay na ng buhay ng tao ang pagsisikap para magkaroon ng pera.
hindi lang para mabil ang gusto mo,.
Minsan nga din na nasusukat din sa pera mo kung gaano ka ng sikap. pero minsan hilaw ang ganiton paniniwala.
mas naniniwala lang kasi ako minsan hindi mo na kailangan ng pera, kung masaya ka na.
kung may mga kaibigan at pamilya ka na masaya na rin na hindi nangangailangan ng pera sa mundo.

pero yung iba ding tao na hindi na makuntento kapag wala nang pera ay halos magpakamatay na.
ewan ko ba kung bakit ang pera may mukha pero ang mukha walang pera.

********

Salamat po sa Pagbasa, Magbayad lamang po P100.00 sa Author.

Thursday, April 24, 2008

Alam mo ba

Tanggap ko na, suko na ako. sa tingin ko ay hindi na ako dapat pang salita ng kung ano ano.
Maraming beses ko nang sinubukan na bigyan ako ng pansin pero hindi yata talaga nararapat sa akin na seryosohin ang bawat sinasabi ko.

Kaya hindi na ako magpupumilit sa isang bagay na hindi naman talaga para sa akin.
pero kailangan kong magpatuloy, ituloy ang buhay kahit na wala nang nakikinig o nagbabasa.
ngayon ay magsisimula nanaman ako ng isang simulain, ewan ko kung bakit pero kailan lang nalaman ko sa sarili ko na talaga pa lan mahina ako.

*********

Bakit kapag may problema ang isang kaibigan ang galing galing nating mag advice pero kapag tayo na mismo ang may problema, ang hirap naman malaman ang susunod na gagawin o ano ba ang dapat na ipayo natin sa sarili natin.
Kailangan pa natin ng kaibigan o makikinig. pero kung ang naging problema mo ay isang naging problema ng kaibigan mo at nabigyan mo siya ng isang napakagandng payo, tapos ngayon ikaw hindi mo kayang takasan ang problema na alam mo naman talaga ang solusyon.


akala mo alam mo na ang lahat kapag nag aadvice ka.
akala mo lahat kayang gawan ng solusyon pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, mukha ka nag tanga at nagpapakabobo.

hindi lang natin alam na maraming bagay sa mundo na hindi natin alam
pero ikaw alam mo ba talaga kung paano lumigaya?
alam mo ba talaga ang susunod mong gagawin?
handa ka bang mabigo?
sigurado ka bang alam mo ang bagay na na ipapayo mo sa best friend mo?
kung isa kang mentour o isang guro, alam mo ba ang bagay na nasasabi mo sa estudyante mo?

ALAM MO BA?

ALAM mo ba......

alam mo ba ...............

Alam mo ba na mas nakakatagal na walang tubig ang daga kaysa sa camel?

Alam mo ba na hindi talaga na aatract ang mga gamo gamo sa mga ilaw o liwanag? ang pinakamaitim na point sa liwanag ang talagang punterya nila.
Halimbawa: kapag tinitigan mo ang ilaw ng ilang segundo at pumikit ka, tapos dumilat ka ulit may makikita kang itim na point.

Alam mo ba na Sailor, Dead Leaf, Paper Kite, Blue Striped Crow, Julia at ang Great Egg Fly lahat sila ay mga uri ng paru paro
?
Ang siberian Tiger ang pinaka malaking pusa sa mundo, tumitimbang ito ng 300kg (660 lbs) at kayang kumain ng 27,2 kg (60 lb) sa isang kainan lamang.

Noong unang panahon o panahon ng ancient period kapag lumilindol akala ng mga Ancient Greeks na nag re wrestling ang dalawang higante sa ilalim ng lupa at akala naman ng mga sinaunang hapon ay nag aaway ang dalawang higanyeng gagamba sa ilalim ng lupa.

May ilang hapon na naniniwala na sila Eba at Adan ay mga kauna unahang Dinosaur.

kayang tumakbo ng laboratory mouse sa thread mill ng 2.5 miles sa loob ng isang gabi.

Hindi na kailangan pa ng makakita ng mga paniki para makalipad, lagi silang lumilipad ng pakaliwa kapag nasa kuweba sila.

Graphite n Lead lang noon ang uri ng lapis na ginagamit, pero dahil nadudumihan ang isang sosy na kikay ay nilagay niya ito sa loob ng isang kahoy.

Alam mo ba na ang average lead ng isang lapis ay kayang makaguhit ng isang linya at kung walang putol ito at susubukan mong alamin kung hanggang saan ka aabot para maubos ang lead ng isang lapis, ay aabot ka ng 35 miles.

50 thousand english words ang kaya nitong isulat.

si Mang JOSEPH RECHENDORFER ang unang nakaisip na maglagay ng bilog na goma sa dulo ng lapis para maging pambura.

Alam mo rin ba na ang unang bisekleta ay ginawa noong 1817 ni Baron Von Drain? pero wala pang pedal. (ewan ko kung paano ito dina drive.)

Ang Unang Laruang Lobo o ballon ay gawa sa vulcanized rubber, na pinagtripang gawin ng J.G. Ingram Company sa london, England noong 1847.

ang larong 9 pin bowling ay nilalaro na noong Medieval Ages sa Germany.

Si Karl Benz ang nakaimbento ng unang Gas Powered car. Tatlong gulong pa lang ang kotse noon, at ang unang kotse na apat ang gulong ay naimbento noong 1901 ni Panhard et LeVassor.

Ang unang Pick - up truck sa mundo ay inembento ni Gottlieb Daimler noong 1886. si Gottlieb din ang nakaimbento ng unang motorsiklo.


Si Gottlieb Daimler din ang unang nakaisip na mamasada ang TAXI noong 1897. Tinawag niya itong Daimler Victoria at meron na itong Taxi meter. Noong June 16 1897, dinala ang taxi sa Stuttgart transportation entrepreneur at si Friedrich Greiner ang unang gumamit at naging business niya ang pagpasada ng Taxi.

Alam mo ba na ang pinakamaliit na Libro sa mundo ay ang Chemin de la Cruix. meron itong 119 pages. Mga 2 inches taas at 1 1/3 inches lapad.

Ang ATLAS na nasa British Museum ang pinakamalaking libro sa Mundo. May taas ito ng 5 feet 10 inches at lapad na 3 feet 6inches.

Si Benjamin Franklin na nag imbento ng bumbilya ang unang nagtayo ng Library.

Noong unang panahon, wala pang type writer, computer o kahit anong printer, sulat kamay lamang ang mga salita sa libro. Bawal magkamali, dahil uulitin ito ng buong buo.

Alam mo ba na marunong nang mag linis ng ngipin ang mga unang katutuno na unang tumira sa Africa at Austrialia?
Mga instik ang unang nakaimbento ng unang Brand ng toothbrush.


Kayang tumakbo ng isang pusa ng 20 kilometers sa loob ng isang oras kapag lumaki na... tamad nga lang sila.


Ang pinakamalaking Palaka sa Mindo ay tinatawag na Goliath Frog. Nabubuhay sila sa ibat ibang panig ng mundo Except sa Antartica.


May 50 klase ang kangaroos. Native sila sa Austrialia. Joeys ang tawag sa mga batang kangaroo.
at kung may makikita kang grupo ng mga kangaroo, ang tawag doon ay Mob.


Naniniwala ang ibang Scientist na ang Earth ay nagsimula billion taon na ang nagdaan at ito ay nagmula sa alikabok at gas.
Kapag naghukay ka sa Pilipinas ng malalim na malalim at tatagos ka at makakarating ka sa Canada. (kuha ka na ng pala kung walang kang passport. goodluck.)

Madalas na itim ang Kulay ng mga Camera dahil ang kulay itom ay sumisimbolo sa pagiging professional.

Kaya ka napapapikit kapag bumabaheng ka dahil sa maaring lumuwa ang mga mata mo. (ngayon para mapatunayan mong mali ako subukan mong bumaheng na hindi ka pipikit.)

Wala pang Zebra ang nagkakapare pareho ng Stripes sa katawan. kalaban ng Zebra ang mga hyena, wild Dogs at mga lion. Ang tawag sa lalaking Zebra ay Stallion.

Ang Original na pangalan ng Butterfly ay "Flutterby. (okay lang na wag kang maniwala.)

Ang average weight ng isang Adult male ay 1,375 (55 oz.) Ang Utak ng isang Novelist na si Turgenev ay tumitimbang ng 2021gm (81 oz.), 1807 gm naman yung kay Bismar, si Einstein naman ay 1294 gm (51 oz.)

Hummingbird ang tawag sa pinakamaliit na ibon sa mundo. mga 1 oz.

Ang bluewhale ay ang hayop na kayang makagawa ng pinakamalakas na ingay sa buong mundo.

Alam mo bang merong dalawang klase ng Camels? ang isa ay Arabian na nakatira sa Western Asia at Northern africa. isa lang ang kuba niya sa likod. at ang isa ay tinatawag na Bactrian namay dalawang kuba sa likod, at nakatira sila sa Mongolia at Chinese Turkistan.

Ang taong pinakamabilis lumangoy sa buong mundo ay kayang makalangoy ng 6 miles per hour. pero ang hayop na pinakamabilis lumangoy ay nakaka abot ng 35 miles.

Alam mo bang si Socrates ay naging pinaka matalino sa buong mundo dahil sa kakatanong?

Sa ilalim ni Queen Elizabeth I, naging pinaka malakas na bansa na mundo noong panahon niya.

Ang pinaka malakas na Muscle sa katawan ng tao ay taglay ng dila.

kayang kumain ng isang amerikano ng 18 acres pizza sa loob ng isang araw.

mas mahaba ng 9 years ang buhay ng taong kananete o gumagamit ng kanan kaysa sa kaliwete.

Title ang tawag sa Dot ng tuldok sa letter I : i

Ang nag iisang Hayop na hindi kayang tumalon ay ang elepante.

mas malaki ang mata ng isang ostrich kaysa sa utak nito.

Maaring mamatay ang Aso kapag pinakain ng tsokolate, dahil naapektuhan nito ang puso ng isang aso at ang nervous system nito.kahit konti lang ibigay mo ay sapat na para mag babye si doggy.

Maamoy ng Elepante ang tubig kahit three miles ang layo nito sa kanya.

ang isang adult na uwak ay nangangailangan ng 11 ounces na pagkain sa isang araw.

Ang pinaka mabilis na reptile (sinukat sa pagtakbo sa lupa.) ay ang spiny-tailed iguana sa Costa Rica. mga 21.7 mph

kaayng linisin ng giraffe ang tenga nila sa pamamagitan ng pagdila nila dito, dahil ang dila ng isang giraffe ay may sukat na 21 inch haba.

********

Okay lang walang maniwala sa akin. pero mula naman ang lahat ng ito sa Indianchild.com

Ang laki ng konek ano? May maitutulong kaya ang mga yan sa buhay mo?Okay lang walang maniwala sa akin. Pero mula naman ang lahat ng ito sa Indianchild.com

Maraming bagay ang ginawa ng Diyos Na Hindi natin alam.
Hindi lahat ay ibinigay niya sa isa atin. Hindi lahat kailangan nating malaman
Hindi lahat ng katanungan ay kailangan ng mabilisang kasagutan.
Minsan kailangan nating aminin Na may mga bagay din tayong Hindi nalalaman at hindi natin malalaman kahit kailan.

Ayos lang maging tanga paminsan minsan pero kailangan din talagang mag move on. Kung may mga bagay na hindi ka naiintindihan, magtanong ka sa isang kaibigan. Pero minsan tayo rin ay kailngan na tumuklas nito sa ating sarili.
Walang iba.

Alam mo ba na ang author nitong binabasa mo ay medyo may sayad? Hindi totoo yun.

Wednesday, April 23, 2008

"Ang Sining Ng Pagpaparaya"

Hindi laging duwag ang tingin ko sa isang taong marunong sumuko, dahil sa tingin ko ang pagtanggap sa pagkatalo o pagharap sa kabiguan ang pinaka matapang na magagawa ng isang tao.
ikaw? kaya mo bang magmahal, (habang pinagtatawanan.) at kahit na alam mo nang mukha ka lang katulong o mukhang alalay na walang bayad ay patuloy ka pa ring umaasa sa pag ibig na hindi ka naman akayang suklian?
bakit hindi ka pa sumuko at pagbigyan ang sarili na makalaya sa isang pag ibig na hindi ka naman akayang tanggapin?
Meet Chuppy isa siyang aso at na inlove siya sa kanyang amo pero hindi ko alam ang kwento ni chuppy kaya hindi ko na lang itutuloy....


and the story goes......

Si Janice na lang ang pagtuunan natin ng pansin...
Si Janice ay nainlove Marco since birth (sabi niya since birth O.A mainlove eh.) Pogi si Marco, naging magkaibigan at nagturingan na silang magkapatid ni marco hanggang sa nagdalaga na si Janice. Nang marealized ni janice na inlove na siya kay marco as in inlove na inlove na talaga yung parang patong patong na mount everest na ang taas ng level.. (sana naman naimagine mo na kung gaano kainlove si janice kay marco.) Nang natutuwa pang ibinalita ni Marco na Crush ni marco ang high school bestfriend ni janice na si Melissa.
mukhang nakakain ng sukang isinuka si janice nung marinig yung mga salita ni marco na liligwan daw ni marco si melissa. at hinyaan niya lang silang dalawa na magmahalan pero umabot na raw ng isang milyong taon, dumaan na daw sila ibat ibang lifetime at pagkatao, nagpasalin salin na daw ang kaluluwa nila sa ibat ibang katawan sa ibat ibang panahon ay mahal na mahal pa daw niya si Marco. na jun jun na yata yung pangalan ngayong 2008. (joke lang).(siya na kaya si Sarah G.?) balisang balisa si janice at di malaman ang gagawin kaya, nagsulat siya sa isang Forums sa internet at nabasa ko siya. ayaw kong mag comment at ayaw kong magbigay ng payo pero nakakainis yung pag dudunung dunungan ko na akala mo ay may alam tungkol sa ganitong bagay.

siguro based in my experience nagmahal na rin ako nang walang nangyari.
wala rin akong maipapayo talaga, pero nagiging malaking aral para sa kin ang mga kabiguan na natatmo ko sa buhay.
naalala ko nung bata ako na hindi ako marunong magbike, isandaang beses ako sumemplang, ngayon marunong na ako. ilang beses na rin akong nagkaroon ng bagsak na subject, pero graduate na ako. hehehe
mukhang walang kinalaman ang sagot ko sa istorya ni janice diba? pero may konek din ng konti. Sabi ng isa kong kaibigang Anbu sa Leaf Village na ang Madalas daw na nangyayari ang pagkabigo sa buhay ng tao. Totoo nga naman kasi sino ba namang siraulo ang nag aakala na puro sureball siya sa lahat ng tirang gagawin niya.
lahat ng gagawin mo sa buhay mo ay isang sugal o ikumpara na lang natin sa paligsahan na makahanap ng karayon sa madilim na talahiban. Walang sure. mangangapa ka. at kahit na abutin ka ng umaga sa kakahanap at kung hindi para sayo ang karayom ay hindi ito mapapasayo.
hayaan mo na lang hindi naman porket hindi mo nakuha ang inaasam asam mong karayom eh wala nang naghihintay para sayo. meron pa namang naghihintay na I - phone sa hindi makakakuha ng karayom. (anong laban ng karayom.)
Ganon daw si Lord nagdadasal tayo na sanaay makuha natin ang bagay o taong gusto natin pero hindi niya ibibigay kasi meron pang mas laan na iba. tama diba?
Sabi ng isang Hudyo: God is closest to those with broken hearts. tagalugin ko ah. Mas malapit si God sa mga taong Broken heart.

*********
Meet Jerry, isa ding aso... (joke lang tao siya). kabaligtaran naman ng sitwasyon ni Janice. Si jerry naman ay hindi maligaw ligawan si Christine na crush niya kasi maganda at mabait at hindi ko na alam. Pero natotot......natot... natotot..... basta hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kay Christine. Puro siya pahiwatig, puro intro, puro pasakalye, puro saying "HI".
Hanggang sa May manligaw kay Christine at mula pa lang sa panliligaw ay nagmumukhang talunan na ang pananaw at mukha ni Jerry, hanggang sa talo n siya. naging (M.U.) mag un na si Christine at Chuppy. (naaalala niyo ba si Chuppy?)
Broken Hearted si Jerry at nag asal aso na siya.... kasi naman Tinodo naman kasi ni jerry yung sinumpaan niyang tungkulin bilang isang Hoplessly Romantic na nilalang. Ang akala niya ay wala siyang kayang ipakita o magagawa para mainlove si Christine sa kanya. (ano bang ginawa ng taeng ito? Taong ito?)
*********
Gusto kong payuhan si Jerry na mukhang kakilala ko na nang aasar lang.... Hindi ko masasabing mali ka jerry... pero medyo mali ka nga
Mali ka dahil....
1. Sumuko ka kaagad 2. agad kang sumuko. 3. bigla kang nag give up.
Tama ka naman dahil....
1. natuto kang mag move on. 2. siniguro mo ang mas ikaliligaya ng aso este mahal mo. 3. Hindi ka naging selfish at hindi ka nagmamadali.
Hindi ka dapat magmadali. Isipin mo, kung magmamadali kang sumuko at sumuko ka nga agad aat nagpakamatay ka, tapos sinabi sayo ni God sa langit na "Bakit ka tumalon ng building, Sayang...magiging kayo na sana ni christine sa isang linggo.
(SAYANG....)
Isipin mo din kung nagmamadali ka at naging agresibo sa Pag ibig ni Christine na mapasayo, tapos talagang hindi pala talaga para sayo si Christine, pero ang kulit kulit mo. talagang nagmamarunong ka pa sa Diyos. eh di nagmukha kang Trying hard... Demonyo ka pa...
Hindi laging duwag ang tingin ko sa isang taong marunong sumuko, dahil sa tingin ko ang pagtanggap sa pagkatalo o pagharap sa kabiguan ang pinaka matapang na magagawa ng isang tao.
ikaw? kaya mo bang magmahal, (habang pinagtatawanan.) at kahit na alam mo nang mukha ka lang katulong o mukhang alalay na walang bayad ay patuloy ka pa ring umaasa sa pag ibig na hindi ka naman akayang suklian?
bakit hindi ka pa sumuko at pagbigyan ang sarili na makalaya sa isang pag ibig na hindi ka naman akayang tanggapin?
Pero hindi rin kaduwagan ang Patuloy na umasa at magmahal sa isang tao na hindi ka susuway sa kagustuhan ni God para sayo.
Kung para sayo, para sayo at kung hindi tanggapin, pero kung patuloy kang magmamahal, gawin mo lang. huwag kang magmadali na kalimutan ang damdaming gusto mong makalimutan, darating din ang araw na malalaman mo ang kasagutan sa iyong katanungan sa Diyos na lumalang.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Para sa ikapapayapa ng inyong isip, magnilay nilay hanbang nakapikit at kumakain ng ginisang gulay at pakinggan ang kanta ng Alvin and the chipmunks na Funky town para sa ikapapayapa ng inyong puso...

Tuesday, April 22, 2008

Mushy Love Song

Music.
Eto ang pinakamasarap na gawin sa buong buhay mo, ang makinig sa music na gusto mo.
pinaka iaapriciate ko yung mga kanta ng parokya ni edgar, Mymp at mga kanta ni Sarah Geronimo.

kasama yung mga lumang ng mga banda noon at ngayon, mga old song mula sa abroad basta mello yung dating.



Grade 1 ako nung nagka interest ako sa mga kaanta naririnig ko sa radyo at mga komersyal sat.v.
at Grade 4 naman ako nung nauso ang mga boyband tulad ng backstreetboys, Nsync, 911 at iba pa.

First year Highschool ako nung una kong nagustuhan ang kanta ng Westlife, A1 at iba pang boyband.



taon taon ko ding inaabangan ang mga sisikat na kata o sayaw sa tuwing kapaskuhan na madalas na gawing tugtuging pangsayaw ng mga bata at matatanda kapag nag iinuman

mula sa shalala noong 1997 hanggang sa papaya nito lang nakaraang 2007.



****

narerelaks ako kapag naririnig ko ang mga kantang gusto ko lalo na kung ito ay love song, wedding song, goodbye song, heartbreak song, at kung ano ano pang song.

kung meron akong narinig na pamilyar na kanta ay natutuwa ako sa pag aalaala ng title ng kanta.

Kamailan nga lang ako natutong tumugtog ng gitara.

Gitara ang kaisa isang instrumento na alam kong tugtugin. gusto ko pa nga sanang matuto ng iba pang instrumento kaya lang wala naman akong makitang ibang instrumento bukod sa gitara. tsaka walang magtuturo. hindi rin ako magaling mag gitara, basic lang ang alam ko.



*******



Mahilig akong makinig ng music, lalo na kung ang tugtug ay senti, makalumang love song tulad ng mga oldies, acoustic, mellow o pop song basta love song na matatawag.

hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko gaanong gusto yung mga Hiphop o rap na kanta.

hindi naman ako rakizta o emo o metal o kung ano ano pa.
pero nagatataka ako minsan kung bakit kailangan pang mag grupo grupo sa pakikinig ng music.

nagkakaroon tuloy ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao pagdating sa pagpili ng kanta na kahit ano naman talaga ang mapili mo ay hindi masama.



*******

minsan napapansin ko na ang mga malalaking away ng mga kabataan sa mundo ay ang tungkol sa hindi pagkakasundo sa mga kanta. ang buong akala ko na ang history ng Fraternity ay yung nabasa ko sa isang libro:



noong unang panahon nung panahon pa ng mga cromagnon at taong java ay ang kaunaunahang Frat sa mundo. joke lang.
hindi ko rin alam talaga kung ano ang pinagmulan ng mga kabataan para magtataga ng isang samahan para makipag away lang at isigaw sa mundo na matatapang ang bawat miyembro nila.

Pero hindi ko naman nilalahat, meron din namang mga fraternity na meron naman talagang nagagawang mabuti para sa lipunan.

*******

Ayoko ko nang ituloy pa ang usapin tungkol sa Fraterniy, dahil hindi naman iyon ang gusto ko talgang pag ukulan ng pansin. Ang punto ko kasi ay ang mga ibat ibang porma at hilig ng ilan sa napapansinko sa mga kabataan ngayon.

Balik tayo sa usapin tungkol sa pagkahilig sa musika ng mga kabataan. kung mahilig ako sa baduy na kanta, mas marami naman ang mahilig sa mas baduy na kanta.
Maraming nahuhumaling na mag grupo grupo para isigaw nila ang hilig nila sa genre na pinili nila

Makikita din talaga sa unang tingin kung sino ang mahilig sa Rock, Punk, Hip-hop, RnB, Emo, Screamo. at iba pa dahil sa sinusuot nilang damit o porma nila.
makikita mo ang pagkakakonekta, mula sa pagbanggit ko ng personal kong paborito na genre ng kanta hanggang sa napunta sa pormahan ng isang kabataan tungkol sa pananamit.

kung mahilig ka sa Rock o Emo, madalas kang nagsusot ng itim. uso sa ngayon sa mga kabataan ang Genre na Emo, yun bang tugtugan na genre ng "Redjumpsuit apparatus, my chemical romance, silverstain, secondhand seranade at iba pa.

ibang kalase ang pormahan ng emo at rock, kabaligtaran sila ng hiphop. weird sila magsuot ng damit, para sa kanila ang pagsusuot ng itim ay ang pinaka sagradong bagay. wala silang paki alam kahit na mainitan sila sa pananamit nila. basta kailangan nilang magsuot ng itim dahil requirement yun ng pagiging isang Rockizta.

Dati noong hindi pa maingay ang paglaganap ng "emo". ay hindi ko pa alam kug ano bangklaseng pagkai yung emo pero dahil sa tulong ng isang kaibigan ay nalaman ko kung ano ba talaga yung "emo".
at kung maririnig ko ang salitang emo noon, ay parang nakarinig ako ng isang sagradong salita, lalo na siguro kung iisipin ko pa ng taong "emo". at nung nakakita ako ng isang taong Emo ay medyo na weirdohan talaga ako sa paanamit niya, ibang iba talaga kaysa sa Hip hop at medyo mas mahirap spelingin kaysa sa mga rockers.

Pero ngayon, kapag nakakakita na ako ng isang emo o makarinig man lang, para sa akin ang paglaganap ng genre na ito ay parang nakikipaglaro na ako s bata.
Parang pambata na lang ang genre na ito kaya parang nawalan ng Thrill para sa akin.

********

kapag mahilig ka sa hiphop, malamang na magsusuot ka ng damit na pagkaluwang luwang o pagkalaki laki, at hindi mawawala sayo ang kwintas na silver o mga singsing na silver, basta tad tad ka ng silver sa katawan, daig mo pa yung OFW na galingsa Saudi at bumalik dito sa pilipinas para magyabang sa mga kapitbahay.

Hindi mawawala ang ability ng isang Hip hop sa Pagsasayaw o kaya pagra "RAP".
sumikat noong 2001 ang "RAP" dahil sa pagsisimula ng Salbakutah ng "Stupid Love", at nagsunuran na rin ang ibat ibang grupo ng mga Rap Artist na pinasimulan ni Andrew E. sa Dongalo Wrecords. yunk kasi ang naalala kong balita noon sa t.v. kaya natatandaan ko.

Pero dapat mag ingat ka rin kung hindi ka marunong magsuot ng o umakting na isang hiphop dahil delikado ka sa isang lugar na maraming siga o maiinit ang mga mata sa mga taong may hiphop attire.
kasi kapag naglalakad ang siang hiphop kahit ayaw talaga hindi maiwasan na pag isipan sila na naghahanap lang ng away.

iba kasi ang tingin ng ibang tao sa pagsusuot ng ng mga bagay na mukhang mamahalin at sa pag asta na mukhang nagyayabang dahil sa kanyang kasuotan.
siguro dahil sa nakikita nila sa kanilang sarili na wala silang pambili ng ganong bagay na kinaiingitan nila sa taong meron nito. pero hindi yun aaminin ng taong magbabasa nito, kahit ako mismo na nagsulat nito.

*******
Mula sa Pakikinig ng Kanta napunta naman ang usapan ngayon sa pananamit ng isang tao.

Noong unang panahon (10,000 B.C.) pinapayagan pa ng mga MTRCB ang mag suot ng bahag lamang.
pero sa paglipas ng ilang panahono ay itinuturing na ito bilang malaswang pananmit. ginagamit na lamang ang dahon bilang pamalit sa tissue kung wala kang tissue.

Noong panahon ng Kastila pina uso naman ng mga dayuhan ang Barong Tagalog. Inuutos nila sa mga pinoy na isuot nila ito dahil ito ay sumisimbolo para malaman ang pagkakaibaiba ng mga mahihirap, mayayaman o nagmamay ari ng S.M.
Napakanipis ng Tela nito na yari da Fiber, hinabi ito mula sa dahon ng pinya o iba pang halaman.
halos nagiging see thru na ang barong tagalog at mukha na itong transfarent dahil siguro sa maginhawa sa pakiramdam ang nasabing damit. tsaka siguro para malaman ng mga Gwardiya sibil kung may dalang Laser Sword o machine gun ang sinumang baliw na magpapakilala na siya si Panday.
Isa pa daw dahilan kaya nagmumukhang transfarent ang damit ay para maiwasan ang pagnanakaw ng mga empleyado sa city hall, kaya wala itong bulsa.

*******

Makalipas ang World War II ipinag utos ng namumuno sa bansa na isuot lamang ang barong tagalog sa pormal o sosyalang pormal.

Noong mga panahon ng mga kastila ang pananamit ng babae ay tinatawag na barot saya., balot na balot ang katawan ng babae na para hindi siya mabosohan kahit na konti.
sa panahon nagyon makikita mo na ang babae ay nagsusuot na ng sobrang iikling damit at halos hindi na rin nagdadamit.

at nagtataka lang ako sa tawag sa damit na "Sphagetti". nagtataka ako kung meron din bang damit na pansit, cake, lechon?
pero mas mababadtrip ka kung makikita mo na pati lalaki ay nagsusuot ng Sphagetti. (mga bakla)

imaginin mo maigi. ang bata-bata pa pero kakaiba ang pananamit. Talagang masasabi mo na lang na “shet!”. Imagine mo ulit, x-men na ang gupit ay barbers cut tapos nakablouse na ipapakita nila ang balikat nila habang nangangalahati na ang botelya ng powder para sa mukha nila sa kapal ng nilagagay nila at kakaibang kombinasyon ng nail polish sa mga daliri. Hataw! Parang factory damage na Barbie na pilit ibinibenta sa ukay-ukay. At ang nanakainis pa, parang Pringles sa kapal ng bigote. Ahahaaayyyy…. Malelerkey akesh sa mga

Pero okay lang naman din sa akin dahil awala ri nakong paki alam sa kung anumang gustong isuot ng ibang tao
ang importante ay hindi siya nananakit at hindi niya rin pinakikialaman akung anong klase akong manamit o anong genre ng tugtugin ang pinapakinggan ko
*******

Balik sa music,
nasubukan ko na rin ang mag sulat ng kanta, una sinusulat ko ang lyrics ng kanta tapos, sinisumulan o itong tugtugin, pero mabilis ko rin itong kinakalimutan. marami na rin akong naisulat na kanta at siguro kung hindi ako panget at kahit konti ay may maipagmamalaki ang mukha ko, kahit na sobrang kapal pa nito siguro sumali na rin ako sa talent Search sa T.v. para sumikat man lang ang sinusulat kong kanta o matuto pa ako nang mas maraming technique sa music.

Kaya nga lang problema ko na nga ang mukha ko, utak ko, talent ko pati rin style ng pananamit ko na halos wala talgang kadating dating.
balita ko kasi ang talagang kinukuha sa mga talent search na ganyan ay yung mga highest level na gwapo talaga o hayop sa gaganda. eh halos ituring ko na ang pinakapangit sa mundo at totoo kasi yun.
madalas nga na mabanggit ng kaibigan ko na masyado ko raw na dina down yung pagkatao ko pero hindi ko rin masisi ang sarili ko dahil totoo na hindi ako gwapo, panget ako.

Pero Proud ako sa pagiging panget ko.

Lawsi akong manamit. "jologs ako"
hindi ako cool, hindi ako "EMO", hindi ako "Rakizta", hindi ako "Hiphop". Simple lang ako at wala akong pinapanigan.
kung ano ang hilig ko doon ako at siguradong ganon ka din.
wala akong pakia alam sa gusto mo at wala ka ring karapatan sa kahit anong gusto ko. "Oo baduy ako sobra".

******

TRIVIA:

Si Carlo Dobles at Andrew Marcelo ang nakaisip ng T - shirt na spoof version.
yung makikiya mo sa mall. T-shirt na may tatak na TAG HIRAP” instead na “TAG HEUER” at “BEER FACTOR” instead na “FEAR FACTOR". Poorest Gump inbis forest Gump.