Wednesday, April 16, 2008

"Ang batang Ina at mga tsismosang mapanghusga."

Ang Pag ibig , kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Ang tukso, kapag pumasok sa isipan ng sinumang kabataan hahamakin ang lahat masarapan ka lamang.

***************

Isang batang babae ang nagngangalang Apple ay mahilig na makipag eyeball sa mga nakikilalang sa pagtetext.
Kilala si Apple bilang isa sa pinakamahinhin at pinakamagandang babae sa kanilang paaralan.
si Apple ay 14 years old na dalagita.
marami siyang manliligaw pero, hindi niya pa rin malimutan ang una niyang pag ibig o ang kanyang "First Love".

Isang araw ay hindi niya inaasahan na ang katagpuan niya pala sanhi ng "Text" ay ang kanyang long lost First love.
naalala niya nung siya ay 10 years old pa lang nang magkakilala sila ni Ryan sa paaralan. Naging mabuting magkaibigan silang dalawa at nakaramdam ng Pagmamahalan sa isat isa.
Ngunit kailangang magpunta ni Ryan sa Canada dahil sa utos ng kanyang Ina na doon siya mag aaral.

Hindi makapaniwala si Apple sa nakita dahil natagpuan niya na ang matagal na niyang inaasam asam na makita sa buong buhay niya.
Maraming beses na rin siyang sumubok na kalimutan si Ryan sa pamamagitan ng pag ukol ng pansin sa iba, ngunit iba talaga ang "first Love".

Sa kanilang nakaraan at nararamdaman ay hindi naging mahirap sa kanila ang maging malapit muli sa isa't isa.
Makalipas ang ilang linggo ay bumalik ang kanilang relasyon at naging seryoso ang bawat isa sa kanilang pagmamahalan na naudlot.



Halos ipinapkita na nila sa publiko ang kanilang pag iibigan. PDA - (Public Display of Affection)

PDA Public Display of Affection - Ang Public Display of Affection o PDA ay ang pagpapakita ng emosyon ng dalawang taong nagmamahalan sa isang publikong lugar. Sa madaling salita, hindi lamang nangyayari sa mga magkasintahan ang PDA, nangyayari din ito sa magkaibigan, magkaklase, maging sa magkapamilya. Tila kahit saan man magpunta ay marami kang makikita na gumagawa ng ganito. Sa pamamagitan ng paghahawak kamay, halikan, pagyayakapan at iba pa.

*********

Dumating na rin sa puntong ipinakilala na rin nila ang isat isa sa kanilang mga pampamilya, kaibigan, at lalo silang naging malapit.
Ang pagmamahal ni Apple kay Ryan ay naging napakasaya para sa kanya. bihira silang magtalo,
mas madalas silang masaya.

Hanggang sa dumating ang kaarawan ni Ryan at nung gabing iyon, ay ibinuhos ni Ryan sa girlfirned ang sama ng loob niya sa kanyang pamilya.
Galing sa isang Broken Family si Ryan at dahil sa pagtataksil ng kanyang mga magulang sa isat isa ang naging dahilan kung bakit madalas na mas masaya pa siya sa pamilya ng kanyang G.F kaysa kanyang sariling pamilya.

Ang Pag iisa ni Ryan sa Kanyang kaawaran ang nagpa antig ng puso ng ni Apple at nangako si Apple na hindi niya iiwan na mag isa si Ryan at mamahalin siya ng buong buo.
Nagyakapan ang dalawang bata hanggang dumating sa punto na hindi na nila mapigilan ang nararamdaman ng bawat isa. (dahil sin siguro sa kalasingan ni Ryan at awa ni Apple.)

Naging mainit ang gabing iyon para sa Dalawang magkasintahan.
Ngunit hindi lang sa gabing iyon nila ginawa ang bagay na pumapasok sa isip ng mambabasa ngayon na censored para sa bata. Naulit iyon ng mga Pitong beses. (clue: ipinagbabawal ng MTRCB na ipakita sa t.v)

***************

Madalas na mabuo ang takot sa isipan ni Apple ang maaaring maging resulta ng kanilang pagtatalik nilang dalawang magkasintahan, sa tuwing kinakausap ni Apple si Ryan tungkol sa bagay na kanyang
kinakatakutan ay hindi na umiimik si Ryan sa halip ay ibinabaling nito sa iba ng usapan.

Natakot si Apple sa reaksyon ng kanyang Boyfriend pero umabot din sila sa pag walo. (anong pangwalo?)

***************
Natuklasan ni Apple na siya ay nagdadalantao dahil halos ilang buwan na siyang hindi dinadatnan.
Sa tulong ng isang kaibigan ay nagpa check up si Apple sa doctor at siya ay sinabihang nagdadalantao. (WHATT??!!)
Halos maiyak sa takot si Apple dahil siguradong makukulata siyang kanyang Ama at baka makakatay pa nito si Ryan.

Nais ipaalam ni Apple kay Ryan ang kanyang natuklasan ngunit nahuli naman ni Apple ang kanyang Kasintahan na may ibang kasama.
bago niya ito husgahan ay pinilit niya munang alamin kung nagkakamali ba siya ng iniisip.
Pero dahil sa nahuli niya ito sa akto na nakikipag halikan sa ibang babae ay nabasag ang ngala ngala este puso ng dalagitang buntis.

Hindi nagpakita si Apple kay ryan, ngunit dahil sa udyok ng kaibigan ni Apple, kailngan niya daw itong ipaalam sa binatilyo.
Pero nang magkita silang dalawa sa isang Mall at nag usap. (mall., hindi motel!)
hindi kaagad na ipinaalam ni Apple ang kanyang kalagayan at sa halip nauna si Ryan na magsalita.
Ipinagtapat ni ryan na may Anak na siya sa isa pa niyang ng Girl Friend, kaya makikipag hiwalay na siya sa araw na iyon at halos makunan si Apple sa nadinig. (inisip niyang sana any naging Mansanas na lang siya.)

***************
parang nauupos na kandila ang nararamdaman ni Apple. iyak siya ng iyak
at ipinasyang ipaalam din kay Ryan ng isang kaibigan ni Apple ang kalagayan niya.
hindi malaman ng binatilyo ang kanyang gagawin.
kinausap niya ang kanyang G.F. at hinikayat niya itong ipalaglag.

***************
Siyempre Hindi pumayag si Apple, ngunit dahil sa nalaman ng mga magulang ng babae ang pangyayari at dahil sa kailangan ng isang magulang na isagawa ang "Initial Reaction" ng mga magulang na nalaman na nabuntis ng isang sira ulong kung sino ang kanyang anak, ay sinampal ng kanyang ama si Apple at pinalayas.

Hindi na napigilan ng mama ni Apple ang tindi ng galit ng ama ni Apple dahil ngayon lang nilang nakitang nagalit ang ama ni Apple nang ganon.
Sa sobrang pagkabalisa at mukhang nawalan na nang pag asa si Apple ay ipinasya niyang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Dugtungan na lang ninyo ng Ending ang istorya mula sa isipan niyo.


*************


Bakit nga ba kailangan na mangyari ang ganitong pangyayari sa buhay?
bakit may maagang pagbubuntis na nangyayari sa lipunan?

Sabi sakin ng teacher ko sa pilipino noong hingschool, noong mga panahon pa lang nila Jose Rizal at Bonifacio kapag nanliligaw daw ang isang lalaki sa kanyang "love Interest". ay kailngan niyang sumailalim sa isang Auditon test. haharap daw sa kanyang mga kapamilya ang manliligaw at kailangan na patunayan ang pag ibig sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang katulong.

1. Magsibak ng kahoy panggatong
2. Maghugas ng Pinggan
3. Mag igib ng tubig
4. Magpasa ng Ringtone sa magulang.
at kung ano ano pa para lang mapa impress ng manliligaw ang magulang o ang kapamilya ng niniligawang babae.
para daw malaman kung sincere ba ito sa kanyang hangarin.

***************
Ngayong nasa bago na tayong Henerasyon, henerasyon na ng Computer, Internet, firiendster, Cellphone, Ipod Touch, at Yugi oh Cards ay ibang klase na ang panliligaw.
Noon Para masabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa babaeng nililigawan, kailngan mo pang mag ipon ng mga matatalinghaga o malalalim na tagalog para mang harana pero ngayon, ipasa mo lang via bluetooth ang ringtone ng kanta ng Typecast na will you ever learn ay pwede na.

Noon halos magsasakripisyo ka pang dugo, pawis at libag para lang mapansin ka ng trip mong babae, ngayon ay mag text lang kayo o kaya mag inuman, mag biruan, magkakasyota ka na. (parang binu bluetooht lang.)

Noon kapag nakita ng Magulang mo na hawak ka sa kamay ng boyfriend mo ay kaagad kayong ipapakasal.
Ngayon kahit na maglampungan kayo sa gitna ng kalye ng Edsa, walang makiki alam sa inyo.
okay lang ang mag display ng pagmamahalan sa Publiko. kasi mahal daw naman nila yung isat isa.

at talagang hindi rin kasi maiiwasan ang tukso dahil sa alam nilang mahal nila ang isat isa kaya nagpapa apekto sa makamundong nararamdaman.
ang babae ay naniniwala sa sinasabi o paghihikayat ng lalaki sa katagang ("its Okay") o kaya ("if You Love me, You let me").
at para sa kalalakihan kapag nadisgrasya nila ang babae ay maari itong sisihin sa pagkalasing.
o para hindi matakot ang babae sa pagbubuntis pwede ring gumamit ng contraceptive ang lalaki tulad ng Condom na maaari din namang pumalya.

*************
JOKE OF THE DAY:

talong madre ang magkakasama sa kwarto sa kumbento.
Madre1: "may nakita akong playboy magazine sa kwarto ni father nung isang araw, sinunog ko nga."
Madre2: "ako may nakita akong condom sa kwarto ni father kahapon, binutas ko nga".
Madre3: !!! (hinimatay.)

***************

Tapos tulad nang nasa kwento nila Apple at Ryan, ang masyadong tiwala sa pag ibig sa maling panahon ang nag udyok sa dalawa para gawin ang bagay na naiisip ng mambabasa. (pre marital sex.)

Pre Marital Sex - malayang pakikipagtalik ng mga kabataan sa isat isa.

( Ang susunod ninyong mababasa ay hango sa mga reaksyon ng mga kaibigan nating tsismosa na wala naman talagang gaanong na itutulong kundi ang mangusga ng mali ng kapwa.)

sumusunod lamang ba tayo sa uso sa mga kanluraning bansa o ganyan talaga ang ating pagtingin. ang hirap isipin, ang hirap isaisip kung sino yung mga taong nadadamay, napagsasamantalahan, inaabuso o sadyang sumusugal tayo sa lukso ng damdaming makabata na nais magpalawig ng karanasan.....

masakit mang isipin, mahirap man gawin, tayo pa rin ang may kasalanan. minsan inaakala natin na pag-may nagawa tayong isang bagay at naikuwentonatin ito sa iba at , PROUD pa tayo, nde natin naiisip na may mga tao tayong nasasagasaan nasasaktan na damdamin, minsan kahit nde natin aminin minsan pa nga tayo din ang biktima. SAFE SEX or Pre-MARITAL SEX, ano sa tingin mo , san ka lulugar??? o may kakalagyan ka na?

***
Kung hindi natin paiiralin ang ating isipan at ang ating pagaganahin ay ang init ng ating katawan, wala tayong patutunguhan. Sex is nit just an ordinary thing, in doing such,you must accompany it with profer discipline. premarital sex? Others prefers to do it kung virgin pa ang girl bago pa nila ito mapangasawa . what if hindi na siya virgin?, and you love this girl?,kahit mahal mo siya hindi mo siya pakakasalan dahil hindi na siya virgin?. So love is Virginity pala., mmmm... ganun ba ?! Safe sex? why do it, para lang palipasin ang init ng makamundong pag iisip at katawan? tapos ano? wala lang!! not good. Sex is not just an intercourse, for you to attain a graet one, you must accompany with it with passion and love, not lust! BAKIT NINYO GAGAWIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN MAKAKAPAGPABAGO NG TAKBO NG IYONG BUHAY. MAS MARAMI PANG BAGAY ANG DAPAT NA PAGTUUNAN NG PANSIN. THINK OF IT!

= reaksyon yan ng isang Tsimosa.

Pero tama din sila. at kung iisipin mo bakit ka nga ba minsan ay hindi na maiwasan ng isang tao ang init ng katawan?
Minsan nakakagawa tayo ng mali kahit na hindi natin inaasahan na ito ay mali?
Pero...

kilalang kilala natin ang sarili natin at kung pinag uusapan lang ang pre marital sex ng ganon kadali ay maisisip natin na tayo ay tama dahil hindi tayo ang nakakaranas ng ganitong kalagayan sa ngayon.
kung minsan pa nga ang isang taong matindi ang paninindigan na hindi siya padadaig sa tukso ay ang mas maagang bumibigay.
Madali para sa atin ang manghusga, kung sino ang may mabuting ginawa o masamang ginawa.


***************

Para umiwas sa mapanghusgang mga mata hindi maiiwasan ng isang babae na nabuntis ng maaga ang pag iisip tungkol sa Aborsyon.

Abortion - Paglaglag sa bata sa pamamagitan ng mga Contraceptive (tama ba?)
Contraceptive - prosesong ginagawa o ginagamit para mapigilan ang pagbuo ng buhay.

Dahil sa Isang Ama na Kailangang isagawa ang kanyang Initial reaction dahil sa nalaman niyang buntis ang kanyang anak ay hindi niya napipigilan na turuan ng leksyon at sisihin ng buong buo ang kanyang anak, sanhi upang ito ay tumungo sa maling landas.
Kung hindi sana niya agad na hinusgahan ang kanyang anak at pinilit niya itong tanggapin kahit mabigat sa loob niya at ito ay kanyang sinuportahan sa pamamagitan ng pagiintindi at pagpapatawad ay hindi san hahantong sa ganitong sitwasyon tulad ng Abortion.


Nagkukulang din kasi ang mga magulang sa paala ala sa kanilang anak.
At minsan para mga magulang ay hinahayaan na lamang ang kanilang anak na maging masyadong malapit sa kasintahan ng kanilang anak.
Kaya mas lalong ginagawa nila ang bagay na dapat hindi pa ginagawa

***************
Para sa Mga kabataan na gustong sumubok ng Pre marital sex at gustong magkaanak ng maaga ay may tip ang ako para sa inyo.

1. Siguraduhin lang ninyo na may sapat na kayong nalalaman sa mundo. hindi lang sa paglalaro ng DOTa, Ragnarok, Conter STrike, PAglalaro ng Basketball o kung ano pa.

2. (Nakakasawang mag aral dahil sa mahal ang tuittion fee. 5,000.00php isang sem wala ka namang natututunan.). (wag na lang kaya), kaya iminumungkahi ko na mag asawa na lang kayo ng maaga para malaman niyo na mas magastos ang magka anak.

3. mahal magpagamot sa batang nagkasakit. singhalaga ito ng isang sem sa pag aaral at magagastos mo ito sa loob lang ng isang araw.

4. kasing halaga ng dalawang sem ang pagkain ng bata sa loob ng isang buwan.

5. Dapat mong malaman ang ibat ibang style ng pagsasangla ng mga bagay para lang mabigyan ng magandang buhay ang anak.

6. kung magsasawa ka na sa kaa alaga ng iyong anak ay iwan na lang ito sa piling ng kaawa awang ina na dati mong pinangakuan ng bituin, langit, lupa, impyerno. in in impyerno. saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka na diyan.

7. sisihin ang sarili dahil hindi mo nagawa ang inaakala mong kaya mong Commitment at mas mabuting magpakalulong sa alak. sirain ang buhay at magpakamatay.

***************
Masayadong mahirap ang magka anak, o mag asawa ng maaga kung hindi ka sigurado sa sarili mo kung sino ka.
Nagmamahal ka lang ba dahil mahal mo ang mahal mo? o nagmamahal ka dahil iyon ang kailngan mo?
Alam mo ba talaga kung hanggang saan ang iyong limitasyon? o pinipilit mo lang paniwalaan ang iyong sarili na hindi ka maaring magkamali sa pagdating ng tukso.



Mga bata hindi maiiwasan ang Pag ibig na dumating sa maling panahon.
Ngunit hindi maiiwasan ang ganitong pagkakamali sa buhay.
sana ay isipin munang maigi ang pwedeng mangyari kung mali ang interpretasyon o pagkakaintindi sa pinapangakong pagmamahal.



kilalainin ang sarili.
alamin ang kahinaan.

***************

print this copy and present to the nearest Motel at your house. and get free 5 hours stay. yayain na si Girlfriend.




No comments: