Tuesday, April 22, 2008

Mushy Love Song

Music.
Eto ang pinakamasarap na gawin sa buong buhay mo, ang makinig sa music na gusto mo.
pinaka iaapriciate ko yung mga kanta ng parokya ni edgar, Mymp at mga kanta ni Sarah Geronimo.

kasama yung mga lumang ng mga banda noon at ngayon, mga old song mula sa abroad basta mello yung dating.



Grade 1 ako nung nagka interest ako sa mga kaanta naririnig ko sa radyo at mga komersyal sat.v.
at Grade 4 naman ako nung nauso ang mga boyband tulad ng backstreetboys, Nsync, 911 at iba pa.

First year Highschool ako nung una kong nagustuhan ang kanta ng Westlife, A1 at iba pang boyband.



taon taon ko ding inaabangan ang mga sisikat na kata o sayaw sa tuwing kapaskuhan na madalas na gawing tugtuging pangsayaw ng mga bata at matatanda kapag nag iinuman

mula sa shalala noong 1997 hanggang sa papaya nito lang nakaraang 2007.



****

narerelaks ako kapag naririnig ko ang mga kantang gusto ko lalo na kung ito ay love song, wedding song, goodbye song, heartbreak song, at kung ano ano pang song.

kung meron akong narinig na pamilyar na kanta ay natutuwa ako sa pag aalaala ng title ng kanta.

Kamailan nga lang ako natutong tumugtog ng gitara.

Gitara ang kaisa isang instrumento na alam kong tugtugin. gusto ko pa nga sanang matuto ng iba pang instrumento kaya lang wala naman akong makitang ibang instrumento bukod sa gitara. tsaka walang magtuturo. hindi rin ako magaling mag gitara, basic lang ang alam ko.



*******



Mahilig akong makinig ng music, lalo na kung ang tugtug ay senti, makalumang love song tulad ng mga oldies, acoustic, mellow o pop song basta love song na matatawag.

hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko gaanong gusto yung mga Hiphop o rap na kanta.

hindi naman ako rakizta o emo o metal o kung ano ano pa.
pero nagatataka ako minsan kung bakit kailangan pang mag grupo grupo sa pakikinig ng music.

nagkakaroon tuloy ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao pagdating sa pagpili ng kanta na kahit ano naman talaga ang mapili mo ay hindi masama.



*******

minsan napapansin ko na ang mga malalaking away ng mga kabataan sa mundo ay ang tungkol sa hindi pagkakasundo sa mga kanta. ang buong akala ko na ang history ng Fraternity ay yung nabasa ko sa isang libro:



noong unang panahon nung panahon pa ng mga cromagnon at taong java ay ang kaunaunahang Frat sa mundo. joke lang.
hindi ko rin alam talaga kung ano ang pinagmulan ng mga kabataan para magtataga ng isang samahan para makipag away lang at isigaw sa mundo na matatapang ang bawat miyembro nila.

Pero hindi ko naman nilalahat, meron din namang mga fraternity na meron naman talagang nagagawang mabuti para sa lipunan.

*******

Ayoko ko nang ituloy pa ang usapin tungkol sa Fraterniy, dahil hindi naman iyon ang gusto ko talgang pag ukulan ng pansin. Ang punto ko kasi ay ang mga ibat ibang porma at hilig ng ilan sa napapansinko sa mga kabataan ngayon.

Balik tayo sa usapin tungkol sa pagkahilig sa musika ng mga kabataan. kung mahilig ako sa baduy na kanta, mas marami naman ang mahilig sa mas baduy na kanta.
Maraming nahuhumaling na mag grupo grupo para isigaw nila ang hilig nila sa genre na pinili nila

Makikita din talaga sa unang tingin kung sino ang mahilig sa Rock, Punk, Hip-hop, RnB, Emo, Screamo. at iba pa dahil sa sinusuot nilang damit o porma nila.
makikita mo ang pagkakakonekta, mula sa pagbanggit ko ng personal kong paborito na genre ng kanta hanggang sa napunta sa pormahan ng isang kabataan tungkol sa pananamit.

kung mahilig ka sa Rock o Emo, madalas kang nagsusot ng itim. uso sa ngayon sa mga kabataan ang Genre na Emo, yun bang tugtugan na genre ng "Redjumpsuit apparatus, my chemical romance, silverstain, secondhand seranade at iba pa.

ibang kalase ang pormahan ng emo at rock, kabaligtaran sila ng hiphop. weird sila magsuot ng damit, para sa kanila ang pagsusuot ng itim ay ang pinaka sagradong bagay. wala silang paki alam kahit na mainitan sila sa pananamit nila. basta kailangan nilang magsuot ng itim dahil requirement yun ng pagiging isang Rockizta.

Dati noong hindi pa maingay ang paglaganap ng "emo". ay hindi ko pa alam kug ano bangklaseng pagkai yung emo pero dahil sa tulong ng isang kaibigan ay nalaman ko kung ano ba talaga yung "emo".
at kung maririnig ko ang salitang emo noon, ay parang nakarinig ako ng isang sagradong salita, lalo na siguro kung iisipin ko pa ng taong "emo". at nung nakakita ako ng isang taong Emo ay medyo na weirdohan talaga ako sa paanamit niya, ibang iba talaga kaysa sa Hip hop at medyo mas mahirap spelingin kaysa sa mga rockers.

Pero ngayon, kapag nakakakita na ako ng isang emo o makarinig man lang, para sa akin ang paglaganap ng genre na ito ay parang nakikipaglaro na ako s bata.
Parang pambata na lang ang genre na ito kaya parang nawalan ng Thrill para sa akin.

********

kapag mahilig ka sa hiphop, malamang na magsusuot ka ng damit na pagkaluwang luwang o pagkalaki laki, at hindi mawawala sayo ang kwintas na silver o mga singsing na silver, basta tad tad ka ng silver sa katawan, daig mo pa yung OFW na galingsa Saudi at bumalik dito sa pilipinas para magyabang sa mga kapitbahay.

Hindi mawawala ang ability ng isang Hip hop sa Pagsasayaw o kaya pagra "RAP".
sumikat noong 2001 ang "RAP" dahil sa pagsisimula ng Salbakutah ng "Stupid Love", at nagsunuran na rin ang ibat ibang grupo ng mga Rap Artist na pinasimulan ni Andrew E. sa Dongalo Wrecords. yunk kasi ang naalala kong balita noon sa t.v. kaya natatandaan ko.

Pero dapat mag ingat ka rin kung hindi ka marunong magsuot ng o umakting na isang hiphop dahil delikado ka sa isang lugar na maraming siga o maiinit ang mga mata sa mga taong may hiphop attire.
kasi kapag naglalakad ang siang hiphop kahit ayaw talaga hindi maiwasan na pag isipan sila na naghahanap lang ng away.

iba kasi ang tingin ng ibang tao sa pagsusuot ng ng mga bagay na mukhang mamahalin at sa pag asta na mukhang nagyayabang dahil sa kanyang kasuotan.
siguro dahil sa nakikita nila sa kanilang sarili na wala silang pambili ng ganong bagay na kinaiingitan nila sa taong meron nito. pero hindi yun aaminin ng taong magbabasa nito, kahit ako mismo na nagsulat nito.

*******
Mula sa Pakikinig ng Kanta napunta naman ang usapan ngayon sa pananamit ng isang tao.

Noong unang panahon (10,000 B.C.) pinapayagan pa ng mga MTRCB ang mag suot ng bahag lamang.
pero sa paglipas ng ilang panahono ay itinuturing na ito bilang malaswang pananmit. ginagamit na lamang ang dahon bilang pamalit sa tissue kung wala kang tissue.

Noong panahon ng Kastila pina uso naman ng mga dayuhan ang Barong Tagalog. Inuutos nila sa mga pinoy na isuot nila ito dahil ito ay sumisimbolo para malaman ang pagkakaibaiba ng mga mahihirap, mayayaman o nagmamay ari ng S.M.
Napakanipis ng Tela nito na yari da Fiber, hinabi ito mula sa dahon ng pinya o iba pang halaman.
halos nagiging see thru na ang barong tagalog at mukha na itong transfarent dahil siguro sa maginhawa sa pakiramdam ang nasabing damit. tsaka siguro para malaman ng mga Gwardiya sibil kung may dalang Laser Sword o machine gun ang sinumang baliw na magpapakilala na siya si Panday.
Isa pa daw dahilan kaya nagmumukhang transfarent ang damit ay para maiwasan ang pagnanakaw ng mga empleyado sa city hall, kaya wala itong bulsa.

*******

Makalipas ang World War II ipinag utos ng namumuno sa bansa na isuot lamang ang barong tagalog sa pormal o sosyalang pormal.

Noong mga panahon ng mga kastila ang pananamit ng babae ay tinatawag na barot saya., balot na balot ang katawan ng babae na para hindi siya mabosohan kahit na konti.
sa panahon nagyon makikita mo na ang babae ay nagsusuot na ng sobrang iikling damit at halos hindi na rin nagdadamit.

at nagtataka lang ako sa tawag sa damit na "Sphagetti". nagtataka ako kung meron din bang damit na pansit, cake, lechon?
pero mas mababadtrip ka kung makikita mo na pati lalaki ay nagsusuot ng Sphagetti. (mga bakla)

imaginin mo maigi. ang bata-bata pa pero kakaiba ang pananamit. Talagang masasabi mo na lang na “shet!”. Imagine mo ulit, x-men na ang gupit ay barbers cut tapos nakablouse na ipapakita nila ang balikat nila habang nangangalahati na ang botelya ng powder para sa mukha nila sa kapal ng nilagagay nila at kakaibang kombinasyon ng nail polish sa mga daliri. Hataw! Parang factory damage na Barbie na pilit ibinibenta sa ukay-ukay. At ang nanakainis pa, parang Pringles sa kapal ng bigote. Ahahaaayyyy…. Malelerkey akesh sa mga

Pero okay lang naman din sa akin dahil awala ri nakong paki alam sa kung anumang gustong isuot ng ibang tao
ang importante ay hindi siya nananakit at hindi niya rin pinakikialaman akung anong klase akong manamit o anong genre ng tugtugin ang pinapakinggan ko
*******

Balik sa music,
nasubukan ko na rin ang mag sulat ng kanta, una sinusulat ko ang lyrics ng kanta tapos, sinisumulan o itong tugtugin, pero mabilis ko rin itong kinakalimutan. marami na rin akong naisulat na kanta at siguro kung hindi ako panget at kahit konti ay may maipagmamalaki ang mukha ko, kahit na sobrang kapal pa nito siguro sumali na rin ako sa talent Search sa T.v. para sumikat man lang ang sinusulat kong kanta o matuto pa ako nang mas maraming technique sa music.

Kaya nga lang problema ko na nga ang mukha ko, utak ko, talent ko pati rin style ng pananamit ko na halos wala talgang kadating dating.
balita ko kasi ang talagang kinukuha sa mga talent search na ganyan ay yung mga highest level na gwapo talaga o hayop sa gaganda. eh halos ituring ko na ang pinakapangit sa mundo at totoo kasi yun.
madalas nga na mabanggit ng kaibigan ko na masyado ko raw na dina down yung pagkatao ko pero hindi ko rin masisi ang sarili ko dahil totoo na hindi ako gwapo, panget ako.

Pero Proud ako sa pagiging panget ko.

Lawsi akong manamit. "jologs ako"
hindi ako cool, hindi ako "EMO", hindi ako "Rakizta", hindi ako "Hiphop". Simple lang ako at wala akong pinapanigan.
kung ano ang hilig ko doon ako at siguradong ganon ka din.
wala akong pakia alam sa gusto mo at wala ka ring karapatan sa kahit anong gusto ko. "Oo baduy ako sobra".

******

TRIVIA:

Si Carlo Dobles at Andrew Marcelo ang nakaisip ng T - shirt na spoof version.
yung makikiya mo sa mall. T-shirt na may tatak na TAG HIRAP” instead na “TAG HEUER” at “BEER FACTOR” instead na “FEAR FACTOR". Poorest Gump inbis forest Gump.

No comments: