Monday, April 28, 2008

Mukhang pera

Sabi sa kin ng kapatid ko "Bakit ang hilig mong magsuot ng short na walng garter?"
mali siya doon dahil hindi ako nagsusot ng short na walang garter, natural lang na lumawlaw ang short ko dahil sa puro barya ng laman ng wallet ko.

Barya na lang ang laman ng wallet ko at kung meron mang buo ay bente pesos lang,
madalang lang akong magkapera ng malaki, (wala kasi akong trabaho.) estudyante pa lang ako eh. (at puro hingi lang ako ng pera sa nanay ko at kuya ko. KAPAL NOH?)
pero ako lang yata ang kakaiba sa mga estudyante, kasi napapansin ko na kapag estudyante ka ay mas mapera ka pa sa nagtatrabaho.

yun kasing nagtatrabaho sarili nilang pera ang ginagamit nila sa pamasahe nila, o pang laro nila ng DOTA.
ang maga kaklase ko na namumulubi sa pagbili ng Project at pagbili ng pagkain, samantalang kapag naglalaro na sila ng online Games sa internet ay parang hindi nawawalan ng Pera.

Marami din akong kakilala na halos walang preno kung gumastos ng pera na akala mo ay wala nang bukas.
hindi ko maintindihan ang katwiran ng ilan na kung mamatay ka daw ngayon ay hindi mo na madadala sa langit ang pera mo kaya dapat na itong gastusin habang nabubuhay ka dito sa mundo, malay mo nga ba kung mamatay ka na ngayon at meron kang 750 Million sa wallet mo at ayaw mong ilagay ito sa bangko kasi natatakot kang baka manakaw ng mga holdaper.

Holdaper - Takot ako sa holdaper, kahit wala pa akong sariling karanasan sa holdaper, pero natatandaan ko noon nung sumakasy ako ng Jeep na isang bakla ang hinoldap ng ng isang mama, tinututukan siya ng gatling gun sa kanan at bazuka naman sa kaliwa para ibigay ang akala ko na N76 na cellphone. yun pala ay nokia 3310 na cellphone ng bakla. masyado kasing garapal mag text ang bakala at ang ingay ingay pa.

Isa pa sa natatandaan ko na kwento ng kaklase ko tungkol sa holdaper na nangholdap sa kanya,.
naglalakad daw siya sa morayta nang makasalubong niya ang isang holdaper at inakabayan siya habang naglalakad. Suot ang kanyang silver na hikaw at bracelet at nakakwintas sa kanayang leeg ang kanyang cellphone (hindi ako alam ang unit basta maganda at mamahalin., Colored. may camera pa.)

Ayun! para silang mag jowa na matagal nang hindi nagkita at namiss nang husto ang isat isa kaya binigyan niya ng pera, cellphone at silver ang holdaper.

*******

Takot akong maholdap at wala rin kasing karapatan ang holdaper na holdapin ako dahil bukod sa mas mukha pa akong holdaper sa kanila alam din naman nila kung sino ang mukhang marami talagang pera.
(tsaka itsura ko palang mukha nangang wala na akong makain, hoholdapin pa ako.)
siguro ang makukuha lang nila sa wallet ko ay bente pesos at mga basurang papel at pictures ni "love Interest ko."

Mukha kasi akong pulubi kung lalabas ako ng bahay kaya hindi rin siguro ako pagtiyatiyagaan na holdapin ng kung sinoman.
Pero natatawa naman ako noong makakita ako nang pulubi na halos akala mo ay tatlong taon nang hindi kumakain, muntik ko nang ibigay sa kanya ang sampung piso ko, pero nangliit ako ang makita ko nang inilabas niya ang tig pa 500php na pera na binibilang niya. (WOW!!)

isang pulubi na mas mayaman pa sa may kaya.
naisip ko noong mga panahong iyon kung mag sideline kaya akong mag pulubi baka kumita rin ako ng pera na mas mataas pa sa kita ng mga totoong nagtatrabaho.

sabi kasi ng nakakaalam tungkol sa pulubi, kaya lagi silang mukhang gutom dahil madalas na hindi sila bumibili ng makakain na mahal ang presyo, at tinitipid daw talaga ang perang kinikita nila sa buong maghapon. buong buwan, buong taon. (para siguro makabili ng I-phone at maka check in sa Metropole in Hanoi isang hotel sa vietnam.)

*******

Napakaluho din talaga ng mga tao sa mundo basta merong mga bago, ginugusto na magkaron ng ganong bagay.
ninanais na magkaroon ng mga bagay bagay na hindi naman talaga kailangan sa buhay nila.
sa iskwaters area nga ngayon, kahit na yari sa pinagtagpi tagpi na yero at nabubulok na kahoy ang bahay nila, hindi mawawala sa pamilya ang merong Cellphone na may camera, 21 inches colored t.v. at DVD player.
meron ding Ref. at marami ang may washing machine.
kahit na jumper lang ang kuryente, hataw sa pag chacharge ng PSP, Mp3 at i-pod.

Tapos may mga tao na galing sa mahirap na pamilya o kahit na hindi naman gaanong mahirap, ina araw araw ang pagpunta sa STARBUCKS para magkape, sa Yellow Cab para mag pizza. (200 yata ang isang cup ng kape sa STARBUCKS.)

Tapos ngayon ay apektado daw sila ng husto ngayon sa pagtaas ng mga bilihin.
ang pandesal ngayon ay kasing laki na lang ng bola ng jackstone.
ang bigas ngayon na dati ay P18.00 lang ngayon ay P30.00 na pinakamura.
pero titiisin na lang na hindi kumain para lang makapaglaro ng DOTA o magload.
titiisin ang hindi kumain ng pandesal basta makapag load lang ng prepaid sa Cable.

******

Marami ding mga taong nagyayaman yamanan kahit na wala nang makain.
at marami din na mapera at kung i angat ang sarili akala mo ay siya an ang pinaka mapera at pinaka importanteng tao sa mundo.
pero importante o VIP din siguro ang trato sa mga taong pinakamayayaman sa mundo.

*****

Kamakailan ko lang nalaman na hindi na pala si Bill Gates ang pinakamayaman na tao sa mundo.
13 taong pinagharian ni Ninong Bill Gates ang titulo bilang pinakamayamang tao sa mundo pero dahil may mas masipag pa sa kanya (hindi sa pagtaya ng karera o pagtaya ng ending o jueteng.) meron nang mas mayaman sa kanya As of April 28, 2008. as of Forbes magazine.
ito ag listahan nila.

1 Warren Buffett - kumikita ng $62.0 billion US Dollars. noong bata palang daw siya isa lang siyang delivery boy ng diyaryo ngayon nagmamay ari ng Geico, General Re), alahas (Borsheim's), utilities (MidAmerican Energy), Pakkain (Dairy Queen, See's Candies) at Coca cola company.

2. Carlos Slim helo - $60.0 billion. wireless telephone company, America Movil

3. William h. Gates. $58. 0 billion - Microsoft

4. Lakshmi Mittal - $45.0 billion -

5. Mukesh Ambani - $43. 0 billion

******

kulang ako sa impormasyon tungkol sa kanila pero mababasa mo ito sa forbes.com
Pero sa tignin ko tulad din ng mga mahihirap, marami din mga problema ang mayayaman na dahil sa dami ng pera nila ay wala itong mapag lagyan at nagiging O.A na rin sa hightech ang mga bagay na nabibili nila.

*******
MGA PROBLEMA NG MGA MAYAYAMAN

TV:"Amputa, ilang beses na nangyari to! Hindi ako makanood ng TV! Hiniram nanaman ng IMAX!"

Magnanakaw:"Ayan nanaman sila, tatlong buwan na nandiyan yung magnanakaw hindi parin makalahati yung unang safe."

Einstein:"Ngayong binuhay ka ng isa sa mga scientist ko..este aso ko, pangalan mo na ngayon ay hindi EINSTEIN. BOBO na."

Sa bar:"Sori pare, hindi dumating resbak mong mga boy ko. Si BATISTA ayaw papasukin ng bar at si BIG SHOW kumakain pa daw."

Kotse:"Pang ilang kotse na yan! Lagi akong napagkakamalang illegal immigrant sa sobrang tulin ng kotse ko! Umaabot sa IBANG BANSA!"

Accounting:"Ano ba to! Lahat ng kwenta mali hindi naman mabawasan ung total ko!"

Paliligo:"ARAY KO!!! Inday!!! Barya nanaman lumalabas sa shower!!"

Dragonball:"Anak, sabi ko sayo, wag mo masyadong nilalaro yang laruan mong DRAGONBALL.
Nasira nanaman yung pader."

Bahay:"Nawala nanaman tangke ko! Alam ko nandito lang yun sa bahay!"

Counter-Strike:"Aray! Sa susunod, hindi nako papasok sa computer...masakit pala mag COUNTER-STRIKE."

electronics Accesories: "Ano uso pa ba yung i-phone?" wala na ngang mapaglagyan nyan sa basurahan ko eh.

Bangko: ang laki naman ng Alkansiya ko.

**********

Ang pinagtataka ko lang kung paano kaya sila mamuhay ng normal kung alam nila na marami sa mga kamag anak nila ng ipapatay sila para sa tatanggaping mana nila. Ganon yung mga napapanood ko sa mga teleserye, mga nagpapatayan dahil sa pera. kahit na kamag anak pa basta magkaroon lang ng limpak limpak na salapi.

Nagkakaroon din ng dis advantage ang pagiging mapera, nakakalimot nang maging makatao.
marahil na idinadahilan ng iba na "Pinaghirapan ko ang perang ito kaya, gagawin ko ang anumang gusto kong gawin dito."
kahit na mang alipusta ng pagkatao ng iba.
yung iba bumibili ng nang dignidad.
at yung iba nagpapatayan kahit na magkapatid sa Pera. at yung iba naman grabe na kung makapanglait ng kapwa o makapanakit dahil sa pagtubo ng pera sa katawan niya.

Akala ng iba na kung marami kang pera ay magiging masaya ka na totally. maraming nakaka alam niyan pero hindi lahat.,
marami parin ang bulag sa katotohanan na hindi laging pera ang solusyon sa lahat ng problema.
Marami ding mga taong hanap ay pera ay nagbebenta na ng sariling laman. hindi lang pagbebenta ng laman kung saan ginagawa ng mga babaeng mababa ang lipad kundi nagbebenta ng laman as in Lamang loob. kidney, bone marrow, DNA, Puso at kung ano ano pa.

******

Sino nga naman ang hindi mangangailangan ng pera kung ganyan na ang labanan ng buhay ngayon.
buong buhay mo bago ka ipinapanganak ay gumagastos ka na ng pera.
para sa Vitamins ng nanay mo habang ipinagbubuntis ka niya o mga prutas kung na ipinapapabili ng nanay mo sa tatay mo kung saan ka ipinaglihi.
pagkapanganak mo gagastos ka na ng pambili ng gatas mo o vitamins mo, mga diaper mo at pang pedia mo kung may sakit ka.
kapag nag aaral ka na gumagastos ka na nag baon, tuition fee mo, pamasahe at laruan oluho.
kapag highschool at college ka na bukod sa tuittion fee, gastos ka na ng pambili ng cellphone, load, pang DOTA o pang counter strike, Damit na mamahalin na hindi rin naman makakatulong sa lovelife mo kung magsuot ka ng mamahalin o may tatak na damit.
sa mga nilalang na inlove, nanliligaw o nakikipag date, kailangan mo pang gumastos para maregaluhan ang syota mo o ang intersest mong maging syota.

********

Tanggap na rin siguro ng mundo na kaugnay na ng buhay ng tao ang pagsisikap para magkaroon ng pera.
hindi lang para mabil ang gusto mo,.
Minsan nga din na nasusukat din sa pera mo kung gaano ka ng sikap. pero minsan hilaw ang ganiton paniniwala.
mas naniniwala lang kasi ako minsan hindi mo na kailangan ng pera, kung masaya ka na.
kung may mga kaibigan at pamilya ka na masaya na rin na hindi nangangailangan ng pera sa mundo.

pero yung iba ding tao na hindi na makuntento kapag wala nang pera ay halos magpakamatay na.
ewan ko ba kung bakit ang pera may mukha pero ang mukha walang pera.

********

Salamat po sa Pagbasa, Magbayad lamang po P100.00 sa Author.

Thursday, April 24, 2008

Alam mo ba

Tanggap ko na, suko na ako. sa tingin ko ay hindi na ako dapat pang salita ng kung ano ano.
Maraming beses ko nang sinubukan na bigyan ako ng pansin pero hindi yata talaga nararapat sa akin na seryosohin ang bawat sinasabi ko.

Kaya hindi na ako magpupumilit sa isang bagay na hindi naman talaga para sa akin.
pero kailangan kong magpatuloy, ituloy ang buhay kahit na wala nang nakikinig o nagbabasa.
ngayon ay magsisimula nanaman ako ng isang simulain, ewan ko kung bakit pero kailan lang nalaman ko sa sarili ko na talaga pa lan mahina ako.

*********

Bakit kapag may problema ang isang kaibigan ang galing galing nating mag advice pero kapag tayo na mismo ang may problema, ang hirap naman malaman ang susunod na gagawin o ano ba ang dapat na ipayo natin sa sarili natin.
Kailangan pa natin ng kaibigan o makikinig. pero kung ang naging problema mo ay isang naging problema ng kaibigan mo at nabigyan mo siya ng isang napakagandng payo, tapos ngayon ikaw hindi mo kayang takasan ang problema na alam mo naman talaga ang solusyon.


akala mo alam mo na ang lahat kapag nag aadvice ka.
akala mo lahat kayang gawan ng solusyon pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, mukha ka nag tanga at nagpapakabobo.

hindi lang natin alam na maraming bagay sa mundo na hindi natin alam
pero ikaw alam mo ba talaga kung paano lumigaya?
alam mo ba talaga ang susunod mong gagawin?
handa ka bang mabigo?
sigurado ka bang alam mo ang bagay na na ipapayo mo sa best friend mo?
kung isa kang mentour o isang guro, alam mo ba ang bagay na nasasabi mo sa estudyante mo?

ALAM MO BA?

ALAM mo ba......

alam mo ba ...............

Alam mo ba na mas nakakatagal na walang tubig ang daga kaysa sa camel?

Alam mo ba na hindi talaga na aatract ang mga gamo gamo sa mga ilaw o liwanag? ang pinakamaitim na point sa liwanag ang talagang punterya nila.
Halimbawa: kapag tinitigan mo ang ilaw ng ilang segundo at pumikit ka, tapos dumilat ka ulit may makikita kang itim na point.

Alam mo ba na Sailor, Dead Leaf, Paper Kite, Blue Striped Crow, Julia at ang Great Egg Fly lahat sila ay mga uri ng paru paro
?
Ang siberian Tiger ang pinaka malaking pusa sa mundo, tumitimbang ito ng 300kg (660 lbs) at kayang kumain ng 27,2 kg (60 lb) sa isang kainan lamang.

Noong unang panahon o panahon ng ancient period kapag lumilindol akala ng mga Ancient Greeks na nag re wrestling ang dalawang higante sa ilalim ng lupa at akala naman ng mga sinaunang hapon ay nag aaway ang dalawang higanyeng gagamba sa ilalim ng lupa.

May ilang hapon na naniniwala na sila Eba at Adan ay mga kauna unahang Dinosaur.

kayang tumakbo ng laboratory mouse sa thread mill ng 2.5 miles sa loob ng isang gabi.

Hindi na kailangan pa ng makakita ng mga paniki para makalipad, lagi silang lumilipad ng pakaliwa kapag nasa kuweba sila.

Graphite n Lead lang noon ang uri ng lapis na ginagamit, pero dahil nadudumihan ang isang sosy na kikay ay nilagay niya ito sa loob ng isang kahoy.

Alam mo ba na ang average lead ng isang lapis ay kayang makaguhit ng isang linya at kung walang putol ito at susubukan mong alamin kung hanggang saan ka aabot para maubos ang lead ng isang lapis, ay aabot ka ng 35 miles.

50 thousand english words ang kaya nitong isulat.

si Mang JOSEPH RECHENDORFER ang unang nakaisip na maglagay ng bilog na goma sa dulo ng lapis para maging pambura.

Alam mo rin ba na ang unang bisekleta ay ginawa noong 1817 ni Baron Von Drain? pero wala pang pedal. (ewan ko kung paano ito dina drive.)

Ang Unang Laruang Lobo o ballon ay gawa sa vulcanized rubber, na pinagtripang gawin ng J.G. Ingram Company sa london, England noong 1847.

ang larong 9 pin bowling ay nilalaro na noong Medieval Ages sa Germany.

Si Karl Benz ang nakaimbento ng unang Gas Powered car. Tatlong gulong pa lang ang kotse noon, at ang unang kotse na apat ang gulong ay naimbento noong 1901 ni Panhard et LeVassor.

Ang unang Pick - up truck sa mundo ay inembento ni Gottlieb Daimler noong 1886. si Gottlieb din ang nakaimbento ng unang motorsiklo.


Si Gottlieb Daimler din ang unang nakaisip na mamasada ang TAXI noong 1897. Tinawag niya itong Daimler Victoria at meron na itong Taxi meter. Noong June 16 1897, dinala ang taxi sa Stuttgart transportation entrepreneur at si Friedrich Greiner ang unang gumamit at naging business niya ang pagpasada ng Taxi.

Alam mo ba na ang pinakamaliit na Libro sa mundo ay ang Chemin de la Cruix. meron itong 119 pages. Mga 2 inches taas at 1 1/3 inches lapad.

Ang ATLAS na nasa British Museum ang pinakamalaking libro sa Mundo. May taas ito ng 5 feet 10 inches at lapad na 3 feet 6inches.

Si Benjamin Franklin na nag imbento ng bumbilya ang unang nagtayo ng Library.

Noong unang panahon, wala pang type writer, computer o kahit anong printer, sulat kamay lamang ang mga salita sa libro. Bawal magkamali, dahil uulitin ito ng buong buo.

Alam mo ba na marunong nang mag linis ng ngipin ang mga unang katutuno na unang tumira sa Africa at Austrialia?
Mga instik ang unang nakaimbento ng unang Brand ng toothbrush.


Kayang tumakbo ng isang pusa ng 20 kilometers sa loob ng isang oras kapag lumaki na... tamad nga lang sila.


Ang pinakamalaking Palaka sa Mindo ay tinatawag na Goliath Frog. Nabubuhay sila sa ibat ibang panig ng mundo Except sa Antartica.


May 50 klase ang kangaroos. Native sila sa Austrialia. Joeys ang tawag sa mga batang kangaroo.
at kung may makikita kang grupo ng mga kangaroo, ang tawag doon ay Mob.


Naniniwala ang ibang Scientist na ang Earth ay nagsimula billion taon na ang nagdaan at ito ay nagmula sa alikabok at gas.
Kapag naghukay ka sa Pilipinas ng malalim na malalim at tatagos ka at makakarating ka sa Canada. (kuha ka na ng pala kung walang kang passport. goodluck.)

Madalas na itim ang Kulay ng mga Camera dahil ang kulay itom ay sumisimbolo sa pagiging professional.

Kaya ka napapapikit kapag bumabaheng ka dahil sa maaring lumuwa ang mga mata mo. (ngayon para mapatunayan mong mali ako subukan mong bumaheng na hindi ka pipikit.)

Wala pang Zebra ang nagkakapare pareho ng Stripes sa katawan. kalaban ng Zebra ang mga hyena, wild Dogs at mga lion. Ang tawag sa lalaking Zebra ay Stallion.

Ang Original na pangalan ng Butterfly ay "Flutterby. (okay lang na wag kang maniwala.)

Ang average weight ng isang Adult male ay 1,375 (55 oz.) Ang Utak ng isang Novelist na si Turgenev ay tumitimbang ng 2021gm (81 oz.), 1807 gm naman yung kay Bismar, si Einstein naman ay 1294 gm (51 oz.)

Hummingbird ang tawag sa pinakamaliit na ibon sa mundo. mga 1 oz.

Ang bluewhale ay ang hayop na kayang makagawa ng pinakamalakas na ingay sa buong mundo.

Alam mo bang merong dalawang klase ng Camels? ang isa ay Arabian na nakatira sa Western Asia at Northern africa. isa lang ang kuba niya sa likod. at ang isa ay tinatawag na Bactrian namay dalawang kuba sa likod, at nakatira sila sa Mongolia at Chinese Turkistan.

Ang taong pinakamabilis lumangoy sa buong mundo ay kayang makalangoy ng 6 miles per hour. pero ang hayop na pinakamabilis lumangoy ay nakaka abot ng 35 miles.

Alam mo bang si Socrates ay naging pinaka matalino sa buong mundo dahil sa kakatanong?

Sa ilalim ni Queen Elizabeth I, naging pinaka malakas na bansa na mundo noong panahon niya.

Ang pinaka malakas na Muscle sa katawan ng tao ay taglay ng dila.

kayang kumain ng isang amerikano ng 18 acres pizza sa loob ng isang araw.

mas mahaba ng 9 years ang buhay ng taong kananete o gumagamit ng kanan kaysa sa kaliwete.

Title ang tawag sa Dot ng tuldok sa letter I : i

Ang nag iisang Hayop na hindi kayang tumalon ay ang elepante.

mas malaki ang mata ng isang ostrich kaysa sa utak nito.

Maaring mamatay ang Aso kapag pinakain ng tsokolate, dahil naapektuhan nito ang puso ng isang aso at ang nervous system nito.kahit konti lang ibigay mo ay sapat na para mag babye si doggy.

Maamoy ng Elepante ang tubig kahit three miles ang layo nito sa kanya.

ang isang adult na uwak ay nangangailangan ng 11 ounces na pagkain sa isang araw.

Ang pinaka mabilis na reptile (sinukat sa pagtakbo sa lupa.) ay ang spiny-tailed iguana sa Costa Rica. mga 21.7 mph

kaayng linisin ng giraffe ang tenga nila sa pamamagitan ng pagdila nila dito, dahil ang dila ng isang giraffe ay may sukat na 21 inch haba.

********

Okay lang walang maniwala sa akin. pero mula naman ang lahat ng ito sa Indianchild.com

Ang laki ng konek ano? May maitutulong kaya ang mga yan sa buhay mo?Okay lang walang maniwala sa akin. Pero mula naman ang lahat ng ito sa Indianchild.com

Maraming bagay ang ginawa ng Diyos Na Hindi natin alam.
Hindi lahat ay ibinigay niya sa isa atin. Hindi lahat kailangan nating malaman
Hindi lahat ng katanungan ay kailangan ng mabilisang kasagutan.
Minsan kailangan nating aminin Na may mga bagay din tayong Hindi nalalaman at hindi natin malalaman kahit kailan.

Ayos lang maging tanga paminsan minsan pero kailangan din talagang mag move on. Kung may mga bagay na hindi ka naiintindihan, magtanong ka sa isang kaibigan. Pero minsan tayo rin ay kailngan na tumuklas nito sa ating sarili.
Walang iba.

Alam mo ba na ang author nitong binabasa mo ay medyo may sayad? Hindi totoo yun.

Wednesday, April 23, 2008

"Ang Sining Ng Pagpaparaya"

Hindi laging duwag ang tingin ko sa isang taong marunong sumuko, dahil sa tingin ko ang pagtanggap sa pagkatalo o pagharap sa kabiguan ang pinaka matapang na magagawa ng isang tao.
ikaw? kaya mo bang magmahal, (habang pinagtatawanan.) at kahit na alam mo nang mukha ka lang katulong o mukhang alalay na walang bayad ay patuloy ka pa ring umaasa sa pag ibig na hindi ka naman akayang suklian?
bakit hindi ka pa sumuko at pagbigyan ang sarili na makalaya sa isang pag ibig na hindi ka naman akayang tanggapin?
Meet Chuppy isa siyang aso at na inlove siya sa kanyang amo pero hindi ko alam ang kwento ni chuppy kaya hindi ko na lang itutuloy....


and the story goes......

Si Janice na lang ang pagtuunan natin ng pansin...
Si Janice ay nainlove Marco since birth (sabi niya since birth O.A mainlove eh.) Pogi si Marco, naging magkaibigan at nagturingan na silang magkapatid ni marco hanggang sa nagdalaga na si Janice. Nang marealized ni janice na inlove na siya kay marco as in inlove na inlove na talaga yung parang patong patong na mount everest na ang taas ng level.. (sana naman naimagine mo na kung gaano kainlove si janice kay marco.) Nang natutuwa pang ibinalita ni Marco na Crush ni marco ang high school bestfriend ni janice na si Melissa.
mukhang nakakain ng sukang isinuka si janice nung marinig yung mga salita ni marco na liligwan daw ni marco si melissa. at hinyaan niya lang silang dalawa na magmahalan pero umabot na raw ng isang milyong taon, dumaan na daw sila ibat ibang lifetime at pagkatao, nagpasalin salin na daw ang kaluluwa nila sa ibat ibang katawan sa ibat ibang panahon ay mahal na mahal pa daw niya si Marco. na jun jun na yata yung pangalan ngayong 2008. (joke lang).(siya na kaya si Sarah G.?) balisang balisa si janice at di malaman ang gagawin kaya, nagsulat siya sa isang Forums sa internet at nabasa ko siya. ayaw kong mag comment at ayaw kong magbigay ng payo pero nakakainis yung pag dudunung dunungan ko na akala mo ay may alam tungkol sa ganitong bagay.

siguro based in my experience nagmahal na rin ako nang walang nangyari.
wala rin akong maipapayo talaga, pero nagiging malaking aral para sa kin ang mga kabiguan na natatmo ko sa buhay.
naalala ko nung bata ako na hindi ako marunong magbike, isandaang beses ako sumemplang, ngayon marunong na ako. ilang beses na rin akong nagkaroon ng bagsak na subject, pero graduate na ako. hehehe
mukhang walang kinalaman ang sagot ko sa istorya ni janice diba? pero may konek din ng konti. Sabi ng isa kong kaibigang Anbu sa Leaf Village na ang Madalas daw na nangyayari ang pagkabigo sa buhay ng tao. Totoo nga naman kasi sino ba namang siraulo ang nag aakala na puro sureball siya sa lahat ng tirang gagawin niya.
lahat ng gagawin mo sa buhay mo ay isang sugal o ikumpara na lang natin sa paligsahan na makahanap ng karayon sa madilim na talahiban. Walang sure. mangangapa ka. at kahit na abutin ka ng umaga sa kakahanap at kung hindi para sayo ang karayom ay hindi ito mapapasayo.
hayaan mo na lang hindi naman porket hindi mo nakuha ang inaasam asam mong karayom eh wala nang naghihintay para sayo. meron pa namang naghihintay na I - phone sa hindi makakakuha ng karayom. (anong laban ng karayom.)
Ganon daw si Lord nagdadasal tayo na sanaay makuha natin ang bagay o taong gusto natin pero hindi niya ibibigay kasi meron pang mas laan na iba. tama diba?
Sabi ng isang Hudyo: God is closest to those with broken hearts. tagalugin ko ah. Mas malapit si God sa mga taong Broken heart.

*********
Meet Jerry, isa ding aso... (joke lang tao siya). kabaligtaran naman ng sitwasyon ni Janice. Si jerry naman ay hindi maligaw ligawan si Christine na crush niya kasi maganda at mabait at hindi ko na alam. Pero natotot......natot... natotot..... basta hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kay Christine. Puro siya pahiwatig, puro intro, puro pasakalye, puro saying "HI".
Hanggang sa May manligaw kay Christine at mula pa lang sa panliligaw ay nagmumukhang talunan na ang pananaw at mukha ni Jerry, hanggang sa talo n siya. naging (M.U.) mag un na si Christine at Chuppy. (naaalala niyo ba si Chuppy?)
Broken Hearted si Jerry at nag asal aso na siya.... kasi naman Tinodo naman kasi ni jerry yung sinumpaan niyang tungkulin bilang isang Hoplessly Romantic na nilalang. Ang akala niya ay wala siyang kayang ipakita o magagawa para mainlove si Christine sa kanya. (ano bang ginawa ng taeng ito? Taong ito?)
*********
Gusto kong payuhan si Jerry na mukhang kakilala ko na nang aasar lang.... Hindi ko masasabing mali ka jerry... pero medyo mali ka nga
Mali ka dahil....
1. Sumuko ka kaagad 2. agad kang sumuko. 3. bigla kang nag give up.
Tama ka naman dahil....
1. natuto kang mag move on. 2. siniguro mo ang mas ikaliligaya ng aso este mahal mo. 3. Hindi ka naging selfish at hindi ka nagmamadali.
Hindi ka dapat magmadali. Isipin mo, kung magmamadali kang sumuko at sumuko ka nga agad aat nagpakamatay ka, tapos sinabi sayo ni God sa langit na "Bakit ka tumalon ng building, Sayang...magiging kayo na sana ni christine sa isang linggo.
(SAYANG....)
Isipin mo din kung nagmamadali ka at naging agresibo sa Pag ibig ni Christine na mapasayo, tapos talagang hindi pala talaga para sayo si Christine, pero ang kulit kulit mo. talagang nagmamarunong ka pa sa Diyos. eh di nagmukha kang Trying hard... Demonyo ka pa...
Hindi laging duwag ang tingin ko sa isang taong marunong sumuko, dahil sa tingin ko ang pagtanggap sa pagkatalo o pagharap sa kabiguan ang pinaka matapang na magagawa ng isang tao.
ikaw? kaya mo bang magmahal, (habang pinagtatawanan.) at kahit na alam mo nang mukha ka lang katulong o mukhang alalay na walang bayad ay patuloy ka pa ring umaasa sa pag ibig na hindi ka naman akayang suklian?
bakit hindi ka pa sumuko at pagbigyan ang sarili na makalaya sa isang pag ibig na hindi ka naman akayang tanggapin?
Pero hindi rin kaduwagan ang Patuloy na umasa at magmahal sa isang tao na hindi ka susuway sa kagustuhan ni God para sayo.
Kung para sayo, para sayo at kung hindi tanggapin, pero kung patuloy kang magmamahal, gawin mo lang. huwag kang magmadali na kalimutan ang damdaming gusto mong makalimutan, darating din ang araw na malalaman mo ang kasagutan sa iyong katanungan sa Diyos na lumalang.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Para sa ikapapayapa ng inyong isip, magnilay nilay hanbang nakapikit at kumakain ng ginisang gulay at pakinggan ang kanta ng Alvin and the chipmunks na Funky town para sa ikapapayapa ng inyong puso...

Tuesday, April 22, 2008

Mushy Love Song

Music.
Eto ang pinakamasarap na gawin sa buong buhay mo, ang makinig sa music na gusto mo.
pinaka iaapriciate ko yung mga kanta ng parokya ni edgar, Mymp at mga kanta ni Sarah Geronimo.

kasama yung mga lumang ng mga banda noon at ngayon, mga old song mula sa abroad basta mello yung dating.



Grade 1 ako nung nagka interest ako sa mga kaanta naririnig ko sa radyo at mga komersyal sat.v.
at Grade 4 naman ako nung nauso ang mga boyband tulad ng backstreetboys, Nsync, 911 at iba pa.

First year Highschool ako nung una kong nagustuhan ang kanta ng Westlife, A1 at iba pang boyband.



taon taon ko ding inaabangan ang mga sisikat na kata o sayaw sa tuwing kapaskuhan na madalas na gawing tugtuging pangsayaw ng mga bata at matatanda kapag nag iinuman

mula sa shalala noong 1997 hanggang sa papaya nito lang nakaraang 2007.



****

narerelaks ako kapag naririnig ko ang mga kantang gusto ko lalo na kung ito ay love song, wedding song, goodbye song, heartbreak song, at kung ano ano pang song.

kung meron akong narinig na pamilyar na kanta ay natutuwa ako sa pag aalaala ng title ng kanta.

Kamailan nga lang ako natutong tumugtog ng gitara.

Gitara ang kaisa isang instrumento na alam kong tugtugin. gusto ko pa nga sanang matuto ng iba pang instrumento kaya lang wala naman akong makitang ibang instrumento bukod sa gitara. tsaka walang magtuturo. hindi rin ako magaling mag gitara, basic lang ang alam ko.



*******



Mahilig akong makinig ng music, lalo na kung ang tugtug ay senti, makalumang love song tulad ng mga oldies, acoustic, mellow o pop song basta love song na matatawag.

hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko gaanong gusto yung mga Hiphop o rap na kanta.

hindi naman ako rakizta o emo o metal o kung ano ano pa.
pero nagatataka ako minsan kung bakit kailangan pang mag grupo grupo sa pakikinig ng music.

nagkakaroon tuloy ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao pagdating sa pagpili ng kanta na kahit ano naman talaga ang mapili mo ay hindi masama.



*******

minsan napapansin ko na ang mga malalaking away ng mga kabataan sa mundo ay ang tungkol sa hindi pagkakasundo sa mga kanta. ang buong akala ko na ang history ng Fraternity ay yung nabasa ko sa isang libro:



noong unang panahon nung panahon pa ng mga cromagnon at taong java ay ang kaunaunahang Frat sa mundo. joke lang.
hindi ko rin alam talaga kung ano ang pinagmulan ng mga kabataan para magtataga ng isang samahan para makipag away lang at isigaw sa mundo na matatapang ang bawat miyembro nila.

Pero hindi ko naman nilalahat, meron din namang mga fraternity na meron naman talagang nagagawang mabuti para sa lipunan.

*******

Ayoko ko nang ituloy pa ang usapin tungkol sa Fraterniy, dahil hindi naman iyon ang gusto ko talgang pag ukulan ng pansin. Ang punto ko kasi ay ang mga ibat ibang porma at hilig ng ilan sa napapansinko sa mga kabataan ngayon.

Balik tayo sa usapin tungkol sa pagkahilig sa musika ng mga kabataan. kung mahilig ako sa baduy na kanta, mas marami naman ang mahilig sa mas baduy na kanta.
Maraming nahuhumaling na mag grupo grupo para isigaw nila ang hilig nila sa genre na pinili nila

Makikita din talaga sa unang tingin kung sino ang mahilig sa Rock, Punk, Hip-hop, RnB, Emo, Screamo. at iba pa dahil sa sinusuot nilang damit o porma nila.
makikita mo ang pagkakakonekta, mula sa pagbanggit ko ng personal kong paborito na genre ng kanta hanggang sa napunta sa pormahan ng isang kabataan tungkol sa pananamit.

kung mahilig ka sa Rock o Emo, madalas kang nagsusot ng itim. uso sa ngayon sa mga kabataan ang Genre na Emo, yun bang tugtugan na genre ng "Redjumpsuit apparatus, my chemical romance, silverstain, secondhand seranade at iba pa.

ibang kalase ang pormahan ng emo at rock, kabaligtaran sila ng hiphop. weird sila magsuot ng damit, para sa kanila ang pagsusuot ng itim ay ang pinaka sagradong bagay. wala silang paki alam kahit na mainitan sila sa pananamit nila. basta kailangan nilang magsuot ng itim dahil requirement yun ng pagiging isang Rockizta.

Dati noong hindi pa maingay ang paglaganap ng "emo". ay hindi ko pa alam kug ano bangklaseng pagkai yung emo pero dahil sa tulong ng isang kaibigan ay nalaman ko kung ano ba talaga yung "emo".
at kung maririnig ko ang salitang emo noon, ay parang nakarinig ako ng isang sagradong salita, lalo na siguro kung iisipin ko pa ng taong "emo". at nung nakakita ako ng isang taong Emo ay medyo na weirdohan talaga ako sa paanamit niya, ibang iba talaga kaysa sa Hip hop at medyo mas mahirap spelingin kaysa sa mga rockers.

Pero ngayon, kapag nakakakita na ako ng isang emo o makarinig man lang, para sa akin ang paglaganap ng genre na ito ay parang nakikipaglaro na ako s bata.
Parang pambata na lang ang genre na ito kaya parang nawalan ng Thrill para sa akin.

********

kapag mahilig ka sa hiphop, malamang na magsusuot ka ng damit na pagkaluwang luwang o pagkalaki laki, at hindi mawawala sayo ang kwintas na silver o mga singsing na silver, basta tad tad ka ng silver sa katawan, daig mo pa yung OFW na galingsa Saudi at bumalik dito sa pilipinas para magyabang sa mga kapitbahay.

Hindi mawawala ang ability ng isang Hip hop sa Pagsasayaw o kaya pagra "RAP".
sumikat noong 2001 ang "RAP" dahil sa pagsisimula ng Salbakutah ng "Stupid Love", at nagsunuran na rin ang ibat ibang grupo ng mga Rap Artist na pinasimulan ni Andrew E. sa Dongalo Wrecords. yunk kasi ang naalala kong balita noon sa t.v. kaya natatandaan ko.

Pero dapat mag ingat ka rin kung hindi ka marunong magsuot ng o umakting na isang hiphop dahil delikado ka sa isang lugar na maraming siga o maiinit ang mga mata sa mga taong may hiphop attire.
kasi kapag naglalakad ang siang hiphop kahit ayaw talaga hindi maiwasan na pag isipan sila na naghahanap lang ng away.

iba kasi ang tingin ng ibang tao sa pagsusuot ng ng mga bagay na mukhang mamahalin at sa pag asta na mukhang nagyayabang dahil sa kanyang kasuotan.
siguro dahil sa nakikita nila sa kanilang sarili na wala silang pambili ng ganong bagay na kinaiingitan nila sa taong meron nito. pero hindi yun aaminin ng taong magbabasa nito, kahit ako mismo na nagsulat nito.

*******
Mula sa Pakikinig ng Kanta napunta naman ang usapan ngayon sa pananamit ng isang tao.

Noong unang panahon (10,000 B.C.) pinapayagan pa ng mga MTRCB ang mag suot ng bahag lamang.
pero sa paglipas ng ilang panahono ay itinuturing na ito bilang malaswang pananmit. ginagamit na lamang ang dahon bilang pamalit sa tissue kung wala kang tissue.

Noong panahon ng Kastila pina uso naman ng mga dayuhan ang Barong Tagalog. Inuutos nila sa mga pinoy na isuot nila ito dahil ito ay sumisimbolo para malaman ang pagkakaibaiba ng mga mahihirap, mayayaman o nagmamay ari ng S.M.
Napakanipis ng Tela nito na yari da Fiber, hinabi ito mula sa dahon ng pinya o iba pang halaman.
halos nagiging see thru na ang barong tagalog at mukha na itong transfarent dahil siguro sa maginhawa sa pakiramdam ang nasabing damit. tsaka siguro para malaman ng mga Gwardiya sibil kung may dalang Laser Sword o machine gun ang sinumang baliw na magpapakilala na siya si Panday.
Isa pa daw dahilan kaya nagmumukhang transfarent ang damit ay para maiwasan ang pagnanakaw ng mga empleyado sa city hall, kaya wala itong bulsa.

*******

Makalipas ang World War II ipinag utos ng namumuno sa bansa na isuot lamang ang barong tagalog sa pormal o sosyalang pormal.

Noong mga panahon ng mga kastila ang pananamit ng babae ay tinatawag na barot saya., balot na balot ang katawan ng babae na para hindi siya mabosohan kahit na konti.
sa panahon nagyon makikita mo na ang babae ay nagsusuot na ng sobrang iikling damit at halos hindi na rin nagdadamit.

at nagtataka lang ako sa tawag sa damit na "Sphagetti". nagtataka ako kung meron din bang damit na pansit, cake, lechon?
pero mas mababadtrip ka kung makikita mo na pati lalaki ay nagsusuot ng Sphagetti. (mga bakla)

imaginin mo maigi. ang bata-bata pa pero kakaiba ang pananamit. Talagang masasabi mo na lang na “shet!”. Imagine mo ulit, x-men na ang gupit ay barbers cut tapos nakablouse na ipapakita nila ang balikat nila habang nangangalahati na ang botelya ng powder para sa mukha nila sa kapal ng nilagagay nila at kakaibang kombinasyon ng nail polish sa mga daliri. Hataw! Parang factory damage na Barbie na pilit ibinibenta sa ukay-ukay. At ang nanakainis pa, parang Pringles sa kapal ng bigote. Ahahaaayyyy…. Malelerkey akesh sa mga

Pero okay lang naman din sa akin dahil awala ri nakong paki alam sa kung anumang gustong isuot ng ibang tao
ang importante ay hindi siya nananakit at hindi niya rin pinakikialaman akung anong klase akong manamit o anong genre ng tugtugin ang pinapakinggan ko
*******

Balik sa music,
nasubukan ko na rin ang mag sulat ng kanta, una sinusulat ko ang lyrics ng kanta tapos, sinisumulan o itong tugtugin, pero mabilis ko rin itong kinakalimutan. marami na rin akong naisulat na kanta at siguro kung hindi ako panget at kahit konti ay may maipagmamalaki ang mukha ko, kahit na sobrang kapal pa nito siguro sumali na rin ako sa talent Search sa T.v. para sumikat man lang ang sinusulat kong kanta o matuto pa ako nang mas maraming technique sa music.

Kaya nga lang problema ko na nga ang mukha ko, utak ko, talent ko pati rin style ng pananamit ko na halos wala talgang kadating dating.
balita ko kasi ang talagang kinukuha sa mga talent search na ganyan ay yung mga highest level na gwapo talaga o hayop sa gaganda. eh halos ituring ko na ang pinakapangit sa mundo at totoo kasi yun.
madalas nga na mabanggit ng kaibigan ko na masyado ko raw na dina down yung pagkatao ko pero hindi ko rin masisi ang sarili ko dahil totoo na hindi ako gwapo, panget ako.

Pero Proud ako sa pagiging panget ko.

Lawsi akong manamit. "jologs ako"
hindi ako cool, hindi ako "EMO", hindi ako "Rakizta", hindi ako "Hiphop". Simple lang ako at wala akong pinapanigan.
kung ano ang hilig ko doon ako at siguradong ganon ka din.
wala akong pakia alam sa gusto mo at wala ka ring karapatan sa kahit anong gusto ko. "Oo baduy ako sobra".

******

TRIVIA:

Si Carlo Dobles at Andrew Marcelo ang nakaisip ng T - shirt na spoof version.
yung makikiya mo sa mall. T-shirt na may tatak na TAG HIRAP” instead na “TAG HEUER” at “BEER FACTOR” instead na “FEAR FACTOR". Poorest Gump inbis forest Gump.

Saturday, April 19, 2008

Yosi

7:00 am ako nagigising, at 8:00 ang klase ko sa school, pero madalas na naghahari harian ako sa schedule ng school ko. madalas din kasing nale late yung Prof ko eh. madalas kahit na umabot na kami ng 9:00 kakahintay sa magaling kong Prof fessor ay hindi pa rin siya dumadating. Kaya madalas na nasasanay na lang kami na magpa late para hindi kami amagin sa kakahintay.

Pagkatapos kong bumangon sa kama, maliligo na ako tapos kakain na. kapag walang makain, lumalabas ako ng bahay para bumili ng makakain. Balik ako sa bahay para kumain habang nanonood ng t.v.


Pag alis ko saskay na ako ng jeep, minsan pakiramdam ko habang nasa jeep ako, ako na lang ang inaabangan ng buong klase dahil baka hindi sila makapag simula ng wala ako.

minsan nagi guilty ako at kinakabahan dahil baka sobrang late ko na . May kabuluhan pa kaya ang pag gising ko ng maaga para malate lang?


Hindi pa man kami ganong nakakalayo ay bigla naman na pinara ang jeep na sinasakyan ko ng isang "warrior" sa makabagong panahon na kung twagin ay "MMDA". Smoke Belching daw ang kaso ng Jeep na sinasakyan ko.

Minsan pakiramdam ko pati ako kukulatain ng MMDA dahil sa kasama ako sa nakasakay sa jeep at kasangkot ako sa Krimen.


Pero hindi naman. pero mas gusto ko yatang isama na huliin ng MMDA yung katabi kong mama na naninigarilyo. ginagawa na niya akong manok dahil sa paghithit niyas ng sigarilyo.



****


Pagdating sa school ay makikita ko ang ilan sa mga kaklase ko sa labas ng school namin at naninigarilyo din. tinatanong ko sa kanila kung late na ba ako? buti naman ay hindi pa.

Bago ako umakyat ay makikiramdam muna ako kung kailangan ko pa bang isuot ang uniform ko, hindi kasi ako nagsusuot ng uniform sa loob ng school, pero kung may guard na nakabantay ay magsusuot ako ng uniform bilang kaplastikan.


at laking tuwa ko sa kaklase ko dahil gingawa nanaman akong manok. binubugahan nanaman ako ng usok mula sa bunganga niya. Bad trip ako kaya umakyat na alng ako. buti na lang ay wala rin yung guwardiya sibil. wala dahil nasa banyo pala at nagyoyosi din. Bago pa man ako mabugahan ng isa pang dragon ay pumanhik na ako sa taas para hindi na makalanghap pa ng masamang amoy.


****

Ano kaya ang meron sa yosi at gustong gusto ito ng mga tao? Grade 3 ako nun nung una akong....

grade 3 ako noon nung una akong makakita nang batang nagyoyosi at babae pa. siguro mga grade six yung batang yun.

kaya nung una ang tingin ko sa mga naninigarilyo na bata pa ay normal lang. pero nalaman ko na hindi pala talaga maganda ang paninigarilyo sa katawan ng tao lalo na sa bata at buntis, dahil nagkwento sa akin yung tatay ko tungkol sa karanasan niya nung siya ay binata pa tungkol sa paninigarilyo.


****


Nagtraining pala nun yung tatay ko bilang isang sundalo at minsan daw ay napasama siya sa isang grupo na naninigarilyo at kahit na hindi siya naninigarilyo ay pinarusahan sila kasama siya ng isang mild na parusa.

pinakin lang naman sa kanila yung isang box ng sigarilyo. at dahil doon ay nagtanda na yung mga katropa ng tatay ko at nangakong hindi na maninigarilyo, pero yung tatay ko na engganyo. (pero joke lang yun kasi baka multuhin ako.)


Pero kahit na siguro hindi ako pinangaralan ng tatay ko tungkol sa pag iwas sa paninigarilyo, talaga sigurong ayaw ng utak ko ang subukan na hithitin ang bagay na ito.

kahit inuutusan ako ng mga matatanda na bumili ng sigarilyo at ako na mismo ang magsisindi para sa kanila ay hindi ko ginagawa.

siguro pumapayag ako kung bibili lang pero kung ipapasindi pa sakin yung sigarilyo ay hind ia na ko papayag.


****


Basta ayokong manigarilyo, . Pero natuwa naman ako dahil hindi ako nakaranas na akokin man lang ng mga nakikilala ko sa paninigarilyo. minsan lang kapag bako pa lang kaming magkakilala, pero tumatanggi ako at sinasabi ko na hindi ako naninigarilyo.


Minsan ginagawa nang hobby ng ilan ang paninigarilyo. minsan nangahas akong tanungin kung ano ba ang makukuha sa pagyoyosi. at sumagot naman sila ng matitino. yung isa sa tinanong ko ay sumagot ng ganito.

"Pare gusto ko nang mamatay. susunugin ko ang baga ko."

yung isa naman ay ganito....

"wala lang, para mapadali yung buhay ko.

yung isa na kasama naman nung isa ay ganito....

"Masarap kasing magyosi kapag kakatapos mo lang kumain."


Pero ang ilan daw ay nagyoyosi para pantanggal nerbiyos, pampalipas oras, o kaya makasama mo s paghihintay ng kung sino man ang hinihintay mo.

base sa mga tinanong ko at sa mga sagot nila ay sila mismo ay alam na nila kung ano ang masamang epekto ng paninigarilyo sa buhay nila. Pero ang sagot nung isa kong tinanong na patanong din "kung masama ang paninigarilyo, bakit maraming nagtitinda at meron pang commercial sa t.v tungkol sa sigarilyo.

sumagot ako. pero meron din naman sinasabi na "Government Warning Cigarette smoking is dangerous to your health".


****

Sinubukan ko na rin na pigilan ang mga kaklase ko sa paninigarilyo pero nabigo ako, kahit dawkasi gustuhin nila ay hindi nila kaagad agad maalis ang bisyo na ito.

Napapatanong tuloy ako kung sino kaya ang kauna unahang tao ang naka isip ng paninigarilyo.


Ewan ko kung toto ah.


Noong unang panahon, panahon yata nung paniniwala sa mythology, isang huron indian ang nagligtas sa mga kapwa niya na nagugutom dahil hindi talaga namumunga ang mga tinatnim nila noon. pero isang babae ang nabigyan daw ng kapangyarihan at naglakbay sa buong mundo para magic kin ang mga tinanim na bagay, tapos nung napagod siya ay umupo muna siya sa iang bukid at habang nakikinig ng kanta ng spongecola na pasubali sa kanyang ipod shuffle ay sinubukan niyang sindihan ang isang pananim para ito ay singhutin. ito na yung tabako. (naniniwala ka?)


pero nung

6000 b.c. nadiskubre ang tabako sa america.

600 - 1000 a.d. unang nauso sa publiko ang pagyoyosi.

mga 1492 -1500 - nung na naging adik sa pagyoyosi si christoper columbus sa paninigarilyo

1497 - nang i tsismis nila christoper columbus at robert pane ang tungkol sa paninigarilyo sa europe.

15 18 - mexico: nang pinag aralan ni Juan de grijalva sa yucatan mexico ang paninigarilyo ng mga naitives.

1519 naman ng nilagyan ng pabango ng mexiacan natives ang sigarilyo.

1530 sa tulong ni Bernardino de Sahagun mas pina uso ang pag yoyosi

1531 - sa Santo domingo europe ay nagsimula na ang ka adikan sa pagyoyosi ang mga tao.

1534 -sa cuba

1548 sa brazil

1554 - binuo ang kauna unahangbrand ng sigarilyo ang " Cruydeboeck".

madami pa yan kaya lang tinatamad na ako.


world war 2, maraming manupakturero (manufacturers) ang namimigay ng “collectible cards”, isa sa bawat pakete ng sigarilyo. Hindi ko alam kung anong meron para kolektahin ang mga cards na iyon, pwera na lang siguro kung mga nude picture ni Britney Spears yun. Pero itinigil din ito dahil hindi makapagconcentrate sa giyera ang mga sundalo dahil sa mga cards na yon (joke lang). Itinigil ito para lang makapagsalba ng mga papel habang papasok na ang ikalawang digmaang pandaigidig. Bakit? Hindi ko alam.


****

Hanggang sa panahong ito ay usong uso parin ang paninigarilyo.


Ngayon kung buga ka ng buga at hindi mo alam kung ano bang meron sa usok na kinakain mo, pwes… basahin mo na lang ito.


Ang yosi ay binubuo ng maraming maraming maraming (as in sobrang dami talaga) kemikal na kung pagaaralan mo ng husto ay maiisip mo na bulok na diaper na lang
sana ang hihithitin mo.


Kapag nasindihan na ang sigarilyo, halos 4,000 na halu-halong kemikal ang nabubuo. Sa bilang na ito, tinatayang 40 kemikal ang nakapagdudulot ng kanser. Ilang halimbawa ay ang sumusunod:

1. cadmium o lead

2. Benzo (a) pyrene, benzene at nitrosamines.

Ang usok mula sa sigarilyo o Environmental Tobacco Smoke ay mayroong dalawang uri.


Ang una ay usok na binubuga ng mga naninigarilyo (mainstream smoke) at ang pangalawa ay usok mula mismo sa nakasinding sigarilyo (sidestream smoke).

Taglay din ng usok na ito ang mataas na antas ng carbon monoxide (isang gas na nakikipag-unahan sa oksiheno na makarating sa dugo)

1. acetone (pang-alis ng pang-kulay ng kuko)

2.hydrogen cyanide (panlason sa daga)

3. nicotine (pamatay-ipis)

4. hydrazine (langis ng rocket ship)

5. formaldehyde (gamot pang-embalsamo)

6. at iba pang kemikal.


Ang mga ito ay nakapagpapalala ng:

1. sakit sa puso

2. nagdudulot ng pagkalumpo o paralisis

3. nakasasama sa baga at lalamunan.

4.Isama mo na diyan ang pagkaitim ng gilagid mo at pagkabaho ng hininga mo.

5.magkakaroon ka din ng permanenteng katarata

6.habang uhay na pagkabulok ng ngipin o pagkabungal.

Ngayon kung iniisip mo na ligtas ka na dahil isa ka sa mga taong hindi naninigarilyo, puwet este pwes... nagkakamali ka. Kahit may lahi pa ang angkan niyo ng ninja, hindi ka makakaligtas sa usok ng yosi. Malaking porsyento ay nasa mga nagyoyosi at sabihin na nating may malaking porsyento rin sa mga taga-langhap. (nahihilo na ko sa usok…)


****


Pero kahit na siguro na hindi anong gawin ko ay hindi kaagad magagawang himukin ang kung sino para tigilan na ang paninigarilyo dahil marami paring matitigas ang ulo kahit na ipakain na mismo sa kila ang sign na delikado ang labis na paninigarilyo.
Sabi kasi nila mahirap daw talagang alisin ang nakasanayan na.
hindi daw kasi basta basta matatanggal ang pagkahilig, kailangan muna ng napakatinding training.
at ito ang training na napag alaman ko...
Sundin mo lang dawang mungkahing ito para matigilan mo na kahit paano ang paninigarilyo. Ewan ko kung epektibo pero sana makatulong sayo.

Bawasan ang sigarilyo na nababawasan mo sa isang araw. Halimbawa. Ang imbis na isang sigarilyo ang nauubos mo, bawasan mo lang ito nang kalahati. Tiisin mo lang.

linisin ang abuhan ng sigarilyo o ashtray. At simulang itago nang paisa isa ang mga natitira mong stock. O kaya itapon mo.


Sabihin mo sa sarili mo na maninigarilyo ka mamaya pagkatapos ng dalawanng oras at paglumipas ang dalawang oras ay sabihin sa sarili na maninigarilyo ka mamaya pagkatapos ng apat na oras at pag lumipas na nang apat na oras sabihin sa sarili na maninigarilyo ka mamaya pagkatapos ng anim na oras at kapag lumipas na ang anim na oras ulitin mo lang nang ulitin ang proseso hanggang sa tamarin ka nang manigarilyo.


yayain mo ang isa sa maga tropa mo na makipagpustahan na ang sinumang manigarilyo sa inyo ay magbabayad ng limang libong piso at ite treat siya ng 1 year supply ng yosi kapag natalo ang sinuman sa inyo.


********

Mahirap talagang itigil ang bagay na nakasanayan na pero kailngan din kasi ng disipilina para sa tigilan na ng bisyo na inyong kinalakihan.
Siguro habang bata ka pa ay hindi mo papakinggan ang mga paalala ng mga taong concern sayo tulad ng mga magulang mo o mga kaibigan mo na niyayaya ka sa tigilan ang paninigarilyo pero kung dumating ang araw na makikita mo na ang anak mo ang naninigarilyo kahit na nararanasan at alam mo na ang masamang epekto dulot ng paninigarilyo ay malaiintindihan mo na rin siguro ang gusting ipahiwatig sayo.

Sanayin nyo lang ang inyong sarili na tigilan ang paninigarilyo dahil ito rin ay para sa inyo.
At kung pasaway ka talaga at gusto mo pa ring manigarilyo ay gawin mo nang ulam ito sa kanin at kumain ka na ng apoy.

(katabi nanaman ako na nagyoyosi, isusumbong ko na ito sa MMDA eh.)

Wednesday, April 16, 2008

"Ang batang Ina at mga tsismosang mapanghusga."

Ang Pag ibig , kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Ang tukso, kapag pumasok sa isipan ng sinumang kabataan hahamakin ang lahat masarapan ka lamang.

***************

Isang batang babae ang nagngangalang Apple ay mahilig na makipag eyeball sa mga nakikilalang sa pagtetext.
Kilala si Apple bilang isa sa pinakamahinhin at pinakamagandang babae sa kanilang paaralan.
si Apple ay 14 years old na dalagita.
marami siyang manliligaw pero, hindi niya pa rin malimutan ang una niyang pag ibig o ang kanyang "First Love".

Isang araw ay hindi niya inaasahan na ang katagpuan niya pala sanhi ng "Text" ay ang kanyang long lost First love.
naalala niya nung siya ay 10 years old pa lang nang magkakilala sila ni Ryan sa paaralan. Naging mabuting magkaibigan silang dalawa at nakaramdam ng Pagmamahalan sa isat isa.
Ngunit kailangang magpunta ni Ryan sa Canada dahil sa utos ng kanyang Ina na doon siya mag aaral.

Hindi makapaniwala si Apple sa nakita dahil natagpuan niya na ang matagal na niyang inaasam asam na makita sa buong buhay niya.
Maraming beses na rin siyang sumubok na kalimutan si Ryan sa pamamagitan ng pag ukol ng pansin sa iba, ngunit iba talaga ang "first Love".

Sa kanilang nakaraan at nararamdaman ay hindi naging mahirap sa kanila ang maging malapit muli sa isa't isa.
Makalipas ang ilang linggo ay bumalik ang kanilang relasyon at naging seryoso ang bawat isa sa kanilang pagmamahalan na naudlot.



Halos ipinapkita na nila sa publiko ang kanilang pag iibigan. PDA - (Public Display of Affection)

PDA Public Display of Affection - Ang Public Display of Affection o PDA ay ang pagpapakita ng emosyon ng dalawang taong nagmamahalan sa isang publikong lugar. Sa madaling salita, hindi lamang nangyayari sa mga magkasintahan ang PDA, nangyayari din ito sa magkaibigan, magkaklase, maging sa magkapamilya. Tila kahit saan man magpunta ay marami kang makikita na gumagawa ng ganito. Sa pamamagitan ng paghahawak kamay, halikan, pagyayakapan at iba pa.

*********

Dumating na rin sa puntong ipinakilala na rin nila ang isat isa sa kanilang mga pampamilya, kaibigan, at lalo silang naging malapit.
Ang pagmamahal ni Apple kay Ryan ay naging napakasaya para sa kanya. bihira silang magtalo,
mas madalas silang masaya.

Hanggang sa dumating ang kaarawan ni Ryan at nung gabing iyon, ay ibinuhos ni Ryan sa girlfirned ang sama ng loob niya sa kanyang pamilya.
Galing sa isang Broken Family si Ryan at dahil sa pagtataksil ng kanyang mga magulang sa isat isa ang naging dahilan kung bakit madalas na mas masaya pa siya sa pamilya ng kanyang G.F kaysa kanyang sariling pamilya.

Ang Pag iisa ni Ryan sa Kanyang kaawaran ang nagpa antig ng puso ng ni Apple at nangako si Apple na hindi niya iiwan na mag isa si Ryan at mamahalin siya ng buong buo.
Nagyakapan ang dalawang bata hanggang dumating sa punto na hindi na nila mapigilan ang nararamdaman ng bawat isa. (dahil sin siguro sa kalasingan ni Ryan at awa ni Apple.)

Naging mainit ang gabing iyon para sa Dalawang magkasintahan.
Ngunit hindi lang sa gabing iyon nila ginawa ang bagay na pumapasok sa isip ng mambabasa ngayon na censored para sa bata. Naulit iyon ng mga Pitong beses. (clue: ipinagbabawal ng MTRCB na ipakita sa t.v)

***************

Madalas na mabuo ang takot sa isipan ni Apple ang maaaring maging resulta ng kanilang pagtatalik nilang dalawang magkasintahan, sa tuwing kinakausap ni Apple si Ryan tungkol sa bagay na kanyang
kinakatakutan ay hindi na umiimik si Ryan sa halip ay ibinabaling nito sa iba ng usapan.

Natakot si Apple sa reaksyon ng kanyang Boyfriend pero umabot din sila sa pag walo. (anong pangwalo?)

***************
Natuklasan ni Apple na siya ay nagdadalantao dahil halos ilang buwan na siyang hindi dinadatnan.
Sa tulong ng isang kaibigan ay nagpa check up si Apple sa doctor at siya ay sinabihang nagdadalantao. (WHATT??!!)
Halos maiyak sa takot si Apple dahil siguradong makukulata siyang kanyang Ama at baka makakatay pa nito si Ryan.

Nais ipaalam ni Apple kay Ryan ang kanyang natuklasan ngunit nahuli naman ni Apple ang kanyang Kasintahan na may ibang kasama.
bago niya ito husgahan ay pinilit niya munang alamin kung nagkakamali ba siya ng iniisip.
Pero dahil sa nahuli niya ito sa akto na nakikipag halikan sa ibang babae ay nabasag ang ngala ngala este puso ng dalagitang buntis.

Hindi nagpakita si Apple kay ryan, ngunit dahil sa udyok ng kaibigan ni Apple, kailngan niya daw itong ipaalam sa binatilyo.
Pero nang magkita silang dalawa sa isang Mall at nag usap. (mall., hindi motel!)
hindi kaagad na ipinaalam ni Apple ang kanyang kalagayan at sa halip nauna si Ryan na magsalita.
Ipinagtapat ni ryan na may Anak na siya sa isa pa niyang ng Girl Friend, kaya makikipag hiwalay na siya sa araw na iyon at halos makunan si Apple sa nadinig. (inisip niyang sana any naging Mansanas na lang siya.)

***************
parang nauupos na kandila ang nararamdaman ni Apple. iyak siya ng iyak
at ipinasyang ipaalam din kay Ryan ng isang kaibigan ni Apple ang kalagayan niya.
hindi malaman ng binatilyo ang kanyang gagawin.
kinausap niya ang kanyang G.F. at hinikayat niya itong ipalaglag.

***************
Siyempre Hindi pumayag si Apple, ngunit dahil sa nalaman ng mga magulang ng babae ang pangyayari at dahil sa kailangan ng isang magulang na isagawa ang "Initial Reaction" ng mga magulang na nalaman na nabuntis ng isang sira ulong kung sino ang kanyang anak, ay sinampal ng kanyang ama si Apple at pinalayas.

Hindi na napigilan ng mama ni Apple ang tindi ng galit ng ama ni Apple dahil ngayon lang nilang nakitang nagalit ang ama ni Apple nang ganon.
Sa sobrang pagkabalisa at mukhang nawalan na nang pag asa si Apple ay ipinasya niyang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Dugtungan na lang ninyo ng Ending ang istorya mula sa isipan niyo.


*************


Bakit nga ba kailangan na mangyari ang ganitong pangyayari sa buhay?
bakit may maagang pagbubuntis na nangyayari sa lipunan?

Sabi sakin ng teacher ko sa pilipino noong hingschool, noong mga panahon pa lang nila Jose Rizal at Bonifacio kapag nanliligaw daw ang isang lalaki sa kanyang "love Interest". ay kailngan niyang sumailalim sa isang Auditon test. haharap daw sa kanyang mga kapamilya ang manliligaw at kailangan na patunayan ang pag ibig sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang katulong.

1. Magsibak ng kahoy panggatong
2. Maghugas ng Pinggan
3. Mag igib ng tubig
4. Magpasa ng Ringtone sa magulang.
at kung ano ano pa para lang mapa impress ng manliligaw ang magulang o ang kapamilya ng niniligawang babae.
para daw malaman kung sincere ba ito sa kanyang hangarin.

***************
Ngayong nasa bago na tayong Henerasyon, henerasyon na ng Computer, Internet, firiendster, Cellphone, Ipod Touch, at Yugi oh Cards ay ibang klase na ang panliligaw.
Noon Para masabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa babaeng nililigawan, kailngan mo pang mag ipon ng mga matatalinghaga o malalalim na tagalog para mang harana pero ngayon, ipasa mo lang via bluetooth ang ringtone ng kanta ng Typecast na will you ever learn ay pwede na.

Noon halos magsasakripisyo ka pang dugo, pawis at libag para lang mapansin ka ng trip mong babae, ngayon ay mag text lang kayo o kaya mag inuman, mag biruan, magkakasyota ka na. (parang binu bluetooht lang.)

Noon kapag nakita ng Magulang mo na hawak ka sa kamay ng boyfriend mo ay kaagad kayong ipapakasal.
Ngayon kahit na maglampungan kayo sa gitna ng kalye ng Edsa, walang makiki alam sa inyo.
okay lang ang mag display ng pagmamahalan sa Publiko. kasi mahal daw naman nila yung isat isa.

at talagang hindi rin kasi maiiwasan ang tukso dahil sa alam nilang mahal nila ang isat isa kaya nagpapa apekto sa makamundong nararamdaman.
ang babae ay naniniwala sa sinasabi o paghihikayat ng lalaki sa katagang ("its Okay") o kaya ("if You Love me, You let me").
at para sa kalalakihan kapag nadisgrasya nila ang babae ay maari itong sisihin sa pagkalasing.
o para hindi matakot ang babae sa pagbubuntis pwede ring gumamit ng contraceptive ang lalaki tulad ng Condom na maaari din namang pumalya.

*************
JOKE OF THE DAY:

talong madre ang magkakasama sa kwarto sa kumbento.
Madre1: "may nakita akong playboy magazine sa kwarto ni father nung isang araw, sinunog ko nga."
Madre2: "ako may nakita akong condom sa kwarto ni father kahapon, binutas ko nga".
Madre3: !!! (hinimatay.)

***************

Tapos tulad nang nasa kwento nila Apple at Ryan, ang masyadong tiwala sa pag ibig sa maling panahon ang nag udyok sa dalawa para gawin ang bagay na naiisip ng mambabasa. (pre marital sex.)

Pre Marital Sex - malayang pakikipagtalik ng mga kabataan sa isat isa.

( Ang susunod ninyong mababasa ay hango sa mga reaksyon ng mga kaibigan nating tsismosa na wala naman talagang gaanong na itutulong kundi ang mangusga ng mali ng kapwa.)

sumusunod lamang ba tayo sa uso sa mga kanluraning bansa o ganyan talaga ang ating pagtingin. ang hirap isipin, ang hirap isaisip kung sino yung mga taong nadadamay, napagsasamantalahan, inaabuso o sadyang sumusugal tayo sa lukso ng damdaming makabata na nais magpalawig ng karanasan.....

masakit mang isipin, mahirap man gawin, tayo pa rin ang may kasalanan. minsan inaakala natin na pag-may nagawa tayong isang bagay at naikuwentonatin ito sa iba at , PROUD pa tayo, nde natin naiisip na may mga tao tayong nasasagasaan nasasaktan na damdamin, minsan kahit nde natin aminin minsan pa nga tayo din ang biktima. SAFE SEX or Pre-MARITAL SEX, ano sa tingin mo , san ka lulugar??? o may kakalagyan ka na?

***
Kung hindi natin paiiralin ang ating isipan at ang ating pagaganahin ay ang init ng ating katawan, wala tayong patutunguhan. Sex is nit just an ordinary thing, in doing such,you must accompany it with profer discipline. premarital sex? Others prefers to do it kung virgin pa ang girl bago pa nila ito mapangasawa . what if hindi na siya virgin?, and you love this girl?,kahit mahal mo siya hindi mo siya pakakasalan dahil hindi na siya virgin?. So love is Virginity pala., mmmm... ganun ba ?! Safe sex? why do it, para lang palipasin ang init ng makamundong pag iisip at katawan? tapos ano? wala lang!! not good. Sex is not just an intercourse, for you to attain a graet one, you must accompany with it with passion and love, not lust! BAKIT NINYO GAGAWIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN MAKAKAPAGPABAGO NG TAKBO NG IYONG BUHAY. MAS MARAMI PANG BAGAY ANG DAPAT NA PAGTUUNAN NG PANSIN. THINK OF IT!

= reaksyon yan ng isang Tsimosa.

Pero tama din sila. at kung iisipin mo bakit ka nga ba minsan ay hindi na maiwasan ng isang tao ang init ng katawan?
Minsan nakakagawa tayo ng mali kahit na hindi natin inaasahan na ito ay mali?
Pero...

kilalang kilala natin ang sarili natin at kung pinag uusapan lang ang pre marital sex ng ganon kadali ay maisisip natin na tayo ay tama dahil hindi tayo ang nakakaranas ng ganitong kalagayan sa ngayon.
kung minsan pa nga ang isang taong matindi ang paninindigan na hindi siya padadaig sa tukso ay ang mas maagang bumibigay.
Madali para sa atin ang manghusga, kung sino ang may mabuting ginawa o masamang ginawa.


***************

Para umiwas sa mapanghusgang mga mata hindi maiiwasan ng isang babae na nabuntis ng maaga ang pag iisip tungkol sa Aborsyon.

Abortion - Paglaglag sa bata sa pamamagitan ng mga Contraceptive (tama ba?)
Contraceptive - prosesong ginagawa o ginagamit para mapigilan ang pagbuo ng buhay.

Dahil sa Isang Ama na Kailangang isagawa ang kanyang Initial reaction dahil sa nalaman niyang buntis ang kanyang anak ay hindi niya napipigilan na turuan ng leksyon at sisihin ng buong buo ang kanyang anak, sanhi upang ito ay tumungo sa maling landas.
Kung hindi sana niya agad na hinusgahan ang kanyang anak at pinilit niya itong tanggapin kahit mabigat sa loob niya at ito ay kanyang sinuportahan sa pamamagitan ng pagiintindi at pagpapatawad ay hindi san hahantong sa ganitong sitwasyon tulad ng Abortion.


Nagkukulang din kasi ang mga magulang sa paala ala sa kanilang anak.
At minsan para mga magulang ay hinahayaan na lamang ang kanilang anak na maging masyadong malapit sa kasintahan ng kanilang anak.
Kaya mas lalong ginagawa nila ang bagay na dapat hindi pa ginagawa

***************
Para sa Mga kabataan na gustong sumubok ng Pre marital sex at gustong magkaanak ng maaga ay may tip ang ako para sa inyo.

1. Siguraduhin lang ninyo na may sapat na kayong nalalaman sa mundo. hindi lang sa paglalaro ng DOTa, Ragnarok, Conter STrike, PAglalaro ng Basketball o kung ano pa.

2. (Nakakasawang mag aral dahil sa mahal ang tuittion fee. 5,000.00php isang sem wala ka namang natututunan.). (wag na lang kaya), kaya iminumungkahi ko na mag asawa na lang kayo ng maaga para malaman niyo na mas magastos ang magka anak.

3. mahal magpagamot sa batang nagkasakit. singhalaga ito ng isang sem sa pag aaral at magagastos mo ito sa loob lang ng isang araw.

4. kasing halaga ng dalawang sem ang pagkain ng bata sa loob ng isang buwan.

5. Dapat mong malaman ang ibat ibang style ng pagsasangla ng mga bagay para lang mabigyan ng magandang buhay ang anak.

6. kung magsasawa ka na sa kaa alaga ng iyong anak ay iwan na lang ito sa piling ng kaawa awang ina na dati mong pinangakuan ng bituin, langit, lupa, impyerno. in in impyerno. saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka na diyan.

7. sisihin ang sarili dahil hindi mo nagawa ang inaakala mong kaya mong Commitment at mas mabuting magpakalulong sa alak. sirain ang buhay at magpakamatay.

***************
Masayadong mahirap ang magka anak, o mag asawa ng maaga kung hindi ka sigurado sa sarili mo kung sino ka.
Nagmamahal ka lang ba dahil mahal mo ang mahal mo? o nagmamahal ka dahil iyon ang kailngan mo?
Alam mo ba talaga kung hanggang saan ang iyong limitasyon? o pinipilit mo lang paniwalaan ang iyong sarili na hindi ka maaring magkamali sa pagdating ng tukso.



Mga bata hindi maiiwasan ang Pag ibig na dumating sa maling panahon.
Ngunit hindi maiiwasan ang ganitong pagkakamali sa buhay.
sana ay isipin munang maigi ang pwedeng mangyari kung mali ang interpretasyon o pagkakaintindi sa pinapangakong pagmamahal.



kilalainin ang sarili.
alamin ang kahinaan.

***************

print this copy and present to the nearest Motel at your house. and get free 5 hours stay. yayain na si Girlfriend.




Monday, April 14, 2008

FOUL WORD'S

Masarap matulog, lalo na kung ngayon ka lang makakabawi sa tulog na hindi mo nakamit noong mga nakaraan araw.
Madalas din kasi akong napupuyat dahil sa ibat ibang bagay tulad ng pagpupuyat dahil sa binabasang libro, pagsusulat ng kahit ano na tulad nito sa notebook o pag iisip ko lagi sa "love interest" ko.
Pero sa Kabutihang palad naman ay wala akong insomia, kaya kahit paano ay nakakatulog pa rin ako pero matagal bago ako makatulog.

Minsan kapag may pagkakataon sa tanghali ay bumabawi ako ng tulog. yun yung madalas kong gawin at talagang paborito kong gawin, ang mag siesta sa tanghali o sa hapon.
Kaya lang minsan nababadtrip ako tuwing may biglang mag iingay sa kalagitnaan ng tulog ko, bigla na lang may magpapatugtog ng sobrang lakas., Ewan ko kung nang aasar sila dahil meron silang malalaking speakers at tinotodo pa nila yung volume na akala mo ay may fiesta. minsan naman Videoke at kung ano ano pa para lang makapag ingay.

Bukod doon nakakainit din ng ngala ngala yung mga batang ang iingay na naglalaro sa labas ng bahay namin. Sasabayan pa ng mga nagmumurahang mga matatanda na nag aaway. Mga batang nagtatalo at may mararinig ka na lang mga nakakatuwang mga sinasabi nila.

"bobo mo naman!!" o kaya "Ang tanga tanga mo talaga!!!". medyo wala pang dating yan.
"Gago ka!!!" o kaya Tarantado ka!!!" yun mas may dating

ano ba ang ibig sabihin ng Gago at tarantado?
(ayon sa aklat na Only for Kids Dictionary book:)

Gago - An ancient, obsolete term for the head of the penis. (Kinagat ng babaylan ang gago ng datu.)

Tarantado - taong taranta.

kaya ang nagwagi sa most solemn word for the year ay ang salitang gago.


kapag sinabihan ka ng kaibigan na "tarantado ka" - ibig sabihin nun ay isa kang taong sobrang confuse o mali mali sa ginagawa. "taranta".
Kung sasabihan ka namang "Gago ka" - ibig sabihin nun ikaw yung ulo ng "(Bawal sabihin, basta yung sa lalaki).

Pero paano mo naman nasasabi na ang kausap mo ay gago, o paano ka naman nasasabihan na gago ka nga.
bakit minsan kapag akala mo sa sarili mo na may mali kang nagawa ay gago ka na.

"Ay P**a, mali... gago ko talaga".

gago ka ba kung kinakain mo yung sarili mong kulangot, ginagawa mong gatas yung luga mo tapos ishe share mo pa sa iba. (gago ka nga.)
Tradisyon na nga yata sa pilipino ang pag sasalita na may mura sa dulo. parang hindi na makukumpleteo ang pangungusap kapag walang mura sa dulo ng pangungusap. Kung may nag uusap na magkakabarakada ginagawa nilang opening remarks ang pagmumura hanggang sa matapos ang pagsasalita niya kailangan na may mura din sa dulo ng sasabihin niya na kapag wala ay matatalo ka ng isan libong piso o kaya ililibre mo sila ng "burger".

"ay walang mura sa dulo ng pangungusap niya.... pa burger ka naman. BURGER BURGER!!!"

Pero bakit kaya hindi ko matandaan na tinuro ng teacher ko sa pilipino ning highschool yung mga salitang Burnik, kukurikapo etc.

(para sa karagdagang inpormasyon basahin ang inpormasyon sa baba.)

MGA SALITANG NANGYAYARI SA ARAW ARAW NA PAMUMUHAY PERO BAKA HINDI NYO ALAM ANG TAWAG.

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis, madalas na naamoy tuwing registration sa school, sa elevator, jeep o FX at sa LRT/MRT.

2. KUKURIKAPO - ito ang libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maari ding mamuo kung hindi tlga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapo ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang future.

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kungbakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal subalit hindi tlga eto naaalis khit bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipa laser ito.

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may mga BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

(otehr term of burnik - buhok sa pagitan ng pwet.)

5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y makipot na kasuotan ng paa, at manipis na swelas, mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki, available in blue, red, green etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat, itoy madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginagamitan ng sebo de macho habang natutuyo.imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, itoy mayroong makintab na balat na takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw at kapag tinapon ang panty o brief sa dingding, ito ay hindi mahuhulog pagkat dumikit na ng kusa sa dingding.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung kinamot mo ang pwet mo at may sumamang amoy tae. (try it, prove it... that's Dukit.)

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wikaan na nangangahulugan isang estupidong tao.

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong, na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI - bakat panty.

14. ASOGUE - buhok sa kilikili.

15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

16. BULTOKACHI - tubig na tumalsik sa pwet kapag nalaglag ang isang malaking tae. naramdaman ito kasi tumalsik sa pisngi ng pwet ang tubig sa toilet bowl.

17. BUTUTOY - (minsan batutoy)- etits ng bata.

18. JABARR - pawis ng katawan

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush.

Pero hindi na yata gaanong ginagamit yang mga katawagan na yan, minsan na lang dahil hindi ko sila gaanong naririnig dahil ang mga uso na ngayon ay yung mga salitang pambakla o gay linggo.
pero wala pa akong alam sa mga salitang pambakla tulad ng gay lingo.

**********

Pero hindi pa rin yan natatalo ng pinaka solemn., sagrado, sikat at pinaka malupit na words sa buong pilipinas.
ginagamit ito ng mga pilipino simula 6 years old hanggang 100 years old. literado o hindi literado.
"PUTANG INA MO". (P.I.M.) o kaya "TANG INA MO."

Ito yung words na kapag nariring ko sa mga tao nang buong pusong pagbigkas ay nare relaks ako, lalo na kung masaya nilang binabanggit ang salitang ito.
yung pagbibitiw ng salita na may tono, at sobrang lutong na pagkakasalita.

Dati ang salitang T.I o P.I.M ay naririnig ko lamang sa mga taong galit na galit o taong nagwawala na. pero dahil sa pagbabago ng panahon ay naririnig na ito kahit saan, kahit walang away, kahit sa masayang nagkukwentuhan at nag iinuman na magkakabarkada. lalo na kung ang nagkukwento ay yung excited pa.

"HAHAH... ang galing dumakdak ng p***ng ina. hehehe"
"Tang ina para ang ganda ng babae."

Pero kung tatanungin mo ako kung ako rin ba nagmumura... (Tang ina hindi ako nagmumura..minsan lang..)

Konti lang... noon pero dahil sa basbas ng kapitbahay ko ay natuto ako nang wala sa oras.
Gago lang ang alam kong mura noon pero dahil sa binigyan ako ng kapangyarihan ng isa kong kaibigan ay nagawa kong magsalita ng napaka solemn na pananalita na.

>dahil iyon sa isang laro sa playstation na Final Fantasy VIII, isang Role Playing Game (RPG). Dahil sa isang misyon doon na kung saan ay hahanapin namain yung barko na kailngan nila squall para gumaling mula sa pagkaka comatose si rinoa. Nang nahanap na namin yung barko ay tuwang tuwa kaming magkakaibigan at sa tuwa lahat sila ay nagtatalunan at naghihiyawan at puro mura ang maririnig sa kanila, bilang pakikiisa ay humihiyaw na rin ako para hindi ako ma Out of place at napapasigaw na rin ako ng T. I.
at doon nagsimula ang murahan sa buhay ko.

**********

Ang hindi nga lang nakakatuwa sa pagmumura ay yung ikaw na mismo ang minumura ng kausap mo, lalo na kung napipikon ka na o nakikipagbastusan ka talaga sa kanya.
Masama talaga ang pagmumura at hindi ka talaga matutuwa sa pagmumura. akala ko nga noon ay okay lang na murahin ako pero dahil sa matuto akong mag interpret ng salita ay napag alaman kong hindi pa la nakakatuwa ang pagmumura.

Tang ina o putang ina . maririnig mo ang salitang "ina" o nanay. hindi nakakatuwa na ang iyong ina o nanay ay madadamay sa saltang hindi mo nais na marinig sa panyuyurak na gingawa nyong magkakaibigan o magkapatid.

Ang salitang "puta" ay ang tawag sa isang babaeng kaladkarin o babaeng binabayaran para lang sa tawag ng laman para lang bayaran o magkapera at kung iimagine mo yung kwento ng babaeng puta ay maawa ka o bababa ang pagtingin mo sa babaeng nabanggit na biktima rin naman ng lipunan.

wala naman sigurong babaeng puta kung hindi rin sa mga kalalakihan na dayukdok o mga sex maniac para lang maparaos ang kanilang sarili sa tawag ng laman.
nakakababa din ng pagkatao ang sabihan ka ng ang iyong ina ay isang puta o dating puta kahit hindi totoo,
bilang anak masakit din para sayo ang masabihan ng ganong klaseng pananalita ang iyong ina.

*******
Pero Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang immune na rin ang mga pilipino sa mga salitang nakakainis at hindi pala nakaktuwa. Para ngang natanggap na ang salitang ito dahil naririnig na rin ito kahit san, kahit sa mga taong Edukado, Literado, Artista o mga namumuno sa bansa.

at kahit na mismong mga magulang ay hindi na rin maiwasan ang murahin ang kanilang walang kamuwang muwang na ankdahil sa pagkainis nito sa makulit na anak.
kaya ayaw mo man ay hindi na maiiwasan ang pagkatuto ng mg abatang dapt ay mga mabubuting asal ang pinag aaralan dahil sa mga naririnig sa mga matatanda o nakakatanda.

Isang bata sa lugar namin anghnapakasarap mag salita ng ipinagbabawal na salita. kapag magsasalita siya ng ordinaryong salita ay matutuwa ka dahil sa ang "S" niya ay nagiging "T".
(Tahit anong tabihin niya ay danito ang talalabatan. dahiy buyoy tiya.)

pero kung magmumura siya ay parang sinaniban ng pitong higangteng demonyo dahil sa sobrang lutong na magmura. Lahat kapital letter parang ganito.

("tabi mo ta akin na yang yung peya mo? TANG INA NAMAN EH.")

mas magagaling pa ngang magmura ang mga kabataan ngayon di tulad noon na parang mga anghel ang mga bibig ng mga bata. at kaya siguro wala nang mga palabas sa t.v ngayon na pambata tulad ng Batibot, Atbp, o iba pang mga palabas na pambata ay dahil hindi na magmumukhang makatotohanan ang palabas.

*********

Hindi rin naman kasi binabanggit ang pagmumura sa T.V. at kapag hindi naman maiwasan ang pagmumura lalo na sa mga Live na palabas ay kaagad na man na sinasabihan ang nagsasalita nito o kaya nilalagyan na lang ni lang *toooot* sa salita para hindi na pamarisan pa ng mga nanonood lalo na mga bata.

Pero hindi rin maiwasan ang ganitong paraan dahil sa nauso ang mga palabas ng mga kano sa bansa tulad ng wrestling kung saan nagdi dirty finger ang mga manlalaro. PAto sa mga kanta ng mga hip hop natutunan din n a ayos lang magsalita ng Fuck You, shit, asshole, bitch at kung ano ano pa.

(ayon ito sa isang blog na basa ko)

Ang isa sa pinakamabenta at nanalo nito lang nakaraang 2000 Gurammy Awards for being the most anticipated word of the century ay ang salitang “FUCK YOU”. Sa mga kapatid nating itim ang lahi na sumasampalataya kay Saint Tupac XXX,
isa itong salita na napakasagrado at kailangang banggitin anumang oras o araw. Kung nakakaramdam ng takot, gutom at pagkabigla (o anumang pakiramdam ang nais mo), dapat mo itong banggitin na taos-sa-puso at ng buong kaluluwa upang maramdaman ang banal na espirito nito. Pero alam kong marami sa atin ang hindi nakakaalam sa tunay na kahulugan ng “FUCK”. FYI, acronym daw ito na ayon na rin sa history, hindi lang isa o dalawa ang meaning nito, ngunit marami.

Ilan sa mga kahulugan ng acronym na FUCK:

F.U.C.K.
Fornification under the consent king -
Ng mga panahon pa ni robin hood, hindi pinapayagan ng hari na makipagtalik ang mga taong single ng walang permiso o basbas ng hari (o kung hindi siya makakaboso). Ngayon kung gusto mong magkaanak, kailangan muna nilang mag e-mail o magtext sa hari at humingi ng consent. Padadalhan ngayon ng hari ang magsyota ng placard na nagsasaad ng “Fornification Under Consent of the King” na isasabit nila sa pinto habang sila ay gumagawa ng karagadagang populasyon. Lumang salitang ingles na ang fornification na ang ibig sabihin ay “having sex”.

F.U.C.K.
For Unlawful Carnal Knowledge
Hindi pa uso noong panahon na iyon ang mga parusang kamatayan sa mga gustong mangrape o kung maisipan ng isang tao na magnakaw, pumatay, tumambay o manggahasa sa ngalan ng tawag ng laman (at hindi pa uso ang child abused law noon), .
papatawan ka lang naman nila ng habang buhay na pagsuot ng placard na may nakalagay na “FUCK” at ang nakasulat din doon ang kaso mo (ex: kung nang-rape ka ng wala sa lugar, ilalagay sa placard mo ang salitang “MANYAK”), habang naglalakad mula sa kaharian ng England hanggang sa Mall of Asia.

Pero ang totoo ang hindi makatarungang batas para sa mga biktima noon ng rape kaya natawag itong unlawful.

at dahil na rin siguro sa pinagsamang interpretasyon na ito at dahil sa pasalin salin sa mga laway ng mga tsismosa sa libo libong taong lumipas hanggang gamitin ito ni eminem para sa kanyang ikabubuhay para ilagay na lyrics sa kanyang mga kanta.

*********

Kapatid ng Fuck ang salitang Shit.
Ang magkapatid na Shit at Dirty finger. Isa yan sa mga proper word at gestures ng mga tambay na kung saan ito ang pwede mong senyales sa isang taong mabagal tumagay sa inuman o malakas mamulutan. “Shit ka pare, nilulumot na yung baso, tagal mo tumagay (sabay dirty finger)”. Madalas na mabanggit ang salitang SHIT kung ikaw ay nakakaranas ng takot (Shit!!), gulat (Holy Shit!!) o pagkabigo (Shit pare basted ako…). Pero para sa mga lahi ni 50 cent, ang shit ay isinasama sa pangungusap bilang “pinaka” o “the best” (My fucking grandma’s bukopie is the shit). Mas kilala ang shit kung gagamitin itong idiomatic o paglalarawan ng isang salitang gusto mong magkaron ng thrill. Pwedeng palitan ang salitang “baduy” o “jologs” ng ganito: “You’re dress is shit” o ang salitang “bantot” o “baho” ng ganito: “Damn!!! You smell some shit!” Ngayon kung ayaw mo namang banggitin ang salitang “kalokohan” dahil tinatamad ka dahil apat ang syllabales nito, maaari mo itong palitan ng ganitong ekspresyon: “I didn’t do anything. That’s bullshit!”

Ang shit na nabanggit ay madalas na gamitin ng mga taong galit,nainis, nagulat o kaya nakatapak ng tae.
maraming beses ko nang narinig na ang tagalog ng salitang shit ay tae.
pero kailan ko lang din nalaman na ng salitang shit pala ay may alamat din at ito rin ay isang acronyms din tulad ng Fuck.

“Noong unang panahon, dahil hindi pa naman uso ang mga barkong may kubetang animo’y kuwarto sa motel, ibinabyahe ng ilang mga barko ang iba’t ibang uri ng tae ng kanilang mga pasahero at ito’y naiimbak sa pinakailalim na parte ng barko. Dahil nga sa tuyo at matigas na ang mga ito, hindi problema ng barko ang bigat nito kaya pilit nilang iniiiwasan ang mga sandaling mabasa ito dahil magreresulta ito ng 2 problema: 1. pagkabigat ng barko at; 2. pagkalikha ng hindi kanais-nais na amoy (fermentation) ng mga tae. Dahil sa nakaimbak ito sa ilalim na parte ng barko, nagsimula ng makabuo ng “methane gas”ang mga tae, at isang bayaning siraulo ang naglakas ng loob na bumaba dito upang usisain ang mga kawawang tae, hawak ang lampara. At sa isang iglap, BOOOOM!!!

Dahil na rin sa hindi inaasahang insidente, napagpasyahan ng ilang mandaragat na lagyan ng tatak ang mga taeng nakakahon ng katagang “SHIT” (ship in high transit) upang mabigyang babala ang sinumang adik na sisinghot sa mga nakakahong tae. Sa tuwing dadaan ang mga barkong ito at naamoy ng mga ilang taong nasasalubong ang barkong ito, nagtataka sila kung saan galing ang mahalimuyak na amoy na ito at nasasambit na lang nila ang katagang “pare yung barko SHIT ang baho…”.

Para sa mga tao ngayon, wala nang paki alam kung saan galing ang mga salitang ito dahil sa kanilang freedom of expression.
at kung totoo man o gawa-gawa lang ng mga barbero ang mga alamat ng nasabing banal na salita, hindi ito mgandang isama sa araw-araw na bokabularyo ng mga taong libangan ang magsalita. Nakakainis lang pakinggan at nagmumukha lang trying hard na “am-boy” o “am-girl” kung sa bawat pagtatapos ng pangungusap ay may salitang shit at fuck. Sa sitwasong hindi maiwasan ang ganitong mannerism, ipinapayo kong gumamit ka na lang ng mga salitang sariling atin
gayang timang, baliw, gago, tanga, siraulo, bobo, naks, chuvachuchu, haller, at imbyerna. Baboo!!!!

(ang ilang laman ng article na ito ay galing din sa ideya ng isa pang blog)